Kabanata Labing-anim

18 3 0
                                    

At the top is Leo Jung's outfit for today.

Enjoy reading.

•••

Napakabilis na dumaan ang mga araw at ngayon ay nagiimpake na ako ng mga kakailanganin kong gamit at damit na ilalagay sa maleta para sa isang linggong pagse-stay namin sa kabilang bansa.

Narinig ko na lang na bumukas ang pinto ng kwarto ko habang inaayos ko ang Ilang damit na nakapatong sa kama ko.

"Tulungan na kita anak?" Tumingala ako kay Mader at nakita kong nakatingin siya sa akin at nakangiti.

Ngumiti na lang rin ako at tumango.

Umupo siya sa harap ko habang tinutupi namin ang ilang damit ko para mamaya ay aayusin ko na lang sa loob ng bagahe at sa ilang bag na dadalhin ko.

Katahimikan ang bumabalot sa buong kwarto ko hanggang sa magsalita na si Mader.

"Anak?"

"Po?"

"Mamimiss kita," Napatigil ako sa pagtutupi at tumingin kay Mader.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, halo-halo. Alam ko namang mangyayari din ang ganito sa aming dalawa lalo na't kaming dalawa lang ang nandito sa bahay maiiwan ko siya ditong mag-isa. Kahit naman sabihan ko si Essie na tignan-tignan dito si Mader ay alam kong hindi rin niya makakaya kasi may trabaho din siya, lalo na at secretary siya ni Mr. Lee.

Akala ko nga kasama namin sila sa pag-punta sa Seoul, South Korea. Ang kaso ang nangyari eh puro casts, staffs, producers, director lang ang lilipad papunta doon kasama na ang mga managers.

Ngumiti ako kay Mader at niyakap ito, hindi na niya napigilan ang sarili niya dahil niyakap niya na rin ako pabalik. Hinagod ko ang likod nito dahil nagsisimula na siyang umiyak sa balikat ko. She hugged me tightly bago niya ako pakawalan. She wipe her tears and cupped my cheeks. Kahit na alam kong umiiyak pa siya ay nagawa niya pa akong sabihan ng mag-ingat.

"Mag-iingat ka doon ah? Wag mong hahayaang mawala ka doon ha?" Pakiramdam ko naman eh mawawala ako doon dahil sa sinabi niya.

May map naman ang phone ko Mader, hindi mawawala ang anak mo dahil mag-aala-gala the girls siya doon.

"Hindi naman po ako mawawala Mader, tsaka nandoon naman po 'yung aalagan ko and don't worry kokontakin ko po kayo agad or si Essie kapag nakarating na po kami doon." nakangiti kong saad dito. Kung makapag-sabi ako aalagaan eh parang isang batang paslit lang 'yung sasamahan ko doon.

Napangiti na lang siya sa sinabi ko at agad na akong tinulungan sa pag-tutupi ng damit. Halos 10PM na kami natapos dahil may ilan pa akong hinalungkat sa drawer ko dahil na din sa sinasabi ni Essie sa kabilang linya. Matapos kasi namin mag-usap ni Mader ay tinawagan ko siya sa call and as usual, nang-aasar na naman po siya. Nakaayos na rin ang mg bagahe na gagamitim ko bukas, nakipag-video call na rin ito sa akin at ngayon ay ako itong pinapagalitan niya.

"Hoy babae!" Nakasimangot akong tumingin sa screen ng phone ko kung nasaan siya at kitang-kita ko siya dahil sa liwanag ng ilaw sa harap niya.

"Ano na naman? May round two ba yang panenermon mo?"

"Baliw! Gusto ko lang sabihin na mag-ingat ka doon! Malaki rin ang Seoul, South Korea!" sigaw niya kasabay ang panlalaki ng mga mata niya. "Atsaka marami kang makikitang koryano doon!"

"Koryano"?

"Oo! Madami!"

"Kaya nga Seoul, South Korea hindi ba? Edi syempre maraming koryano doon." pambabara ko dito. Jusko naman talaga, Essie.

Up In The Sky | ✓Where stories live. Discover now