Kabanata Tatlumpu't-pito

6 1 0
                                    

•••

Isang linggo na ang nakakaraan matapos naming magusap ni Neon. At bago siya umalis papuntang ibang bansa ay humingi muna siya ng tawad sa lahat nang nangyari.

Sa totoo lang, wala na sa akin kung may kinalaman ba si Neon sa nangyari noon o wala. Basta ang iniisip ko na lang ay ang tungkol kay Leo, sa pagkikita naming muli at sa pag-uusap na mangyayari sa aming dalawa.

Sa ngayon ay iniisip ko na lang kung anong sasabihin ko kapag nakaharap ko na siya. Kung paano ako magsasalita sa harap niya dahil... halos tatlong taon ko rin siyang hindi nakausap at nakita.

Kaya nakakakaba at nakaka-anxious kapag iisipin kong makikipagkita ako sa kaniya at tungkol pa sa bagay na 'to. Sa lahat ba naman nang pagkakataon ito pa talaga 'yung magiging dahilan?

Pambihira naman oh?

Nakita ko na lang na nagri-ring ang phone ko matapos kong maglagay ng apron dahil magsisimula na ang shift ko. Sa lahat nang oras na magtatrabaho ako, pinipilit kong 'wag alalahanin ang tungkol sa usapang magaganap dahil hindi ako makakapag-focus.

Kagaya na lang noong nangyari kinabukasan matapos kong malaman ang mga 'yon mula kay Neon at Ms. Shin. Palagi akong nakikita ni Odette na tulala at hindi nagsasalita. Ilang beses akong nagkamali sa paglalagay nang orders kaya halos ihampas ko na ang ulo ko dahil sa mga maling nagagawa ko. Bwiset naman kasi, buong utak ko na ata 'yung nagiisip about doon kaya hindi ko namamalayan na... para akong timang na nakatulala.

Ilang beses din akong nag-sorry kay Odette dahil kapag nagkakamali ako ay siya na ang gumagawa ng order nang ilang costumer. At mabuti na lang ng araw na rin na 'yon ay maagang pumasok ang isa sa papalit sa shift, kaya nagtulungan na lang silang dalawa na magawa ang order ng mga costumer na naghihintay sa counter.

I'm freaking screwed that time.

At ngayon tumatawag si Essie kaya sinagot ko na lang.

"Oh? Ano na naman 'yon?" bungad ko dito.

"Gaga. Ang maldita mo ngayon ah?" Bumuga ako nang hangin at ibinaba ang phone ko sa pinapatungan nito kanina at ni-loudspeaker na lang ito.

"Gaga ka rin, syempre hindi. Kailangan kong mag-focus sa trabaho ko ngayon." sagot ko sabay tali sa buhok ko.

"Focus daw. Maniwala ako sayo."

"Edi 'wag ka maniwala." sagot ko naman.

"Anyway, are you really serious about sa pakikipagkita mo sa kaniya?" pagtatanong niya na ikinatango ko kahit wala naman siya dito.

"Oo."

"As in? Hindi ka na talaga muna mag-iisip? Wala na ba? Deal na ba talaga? Gusto mo batukan muna kita? Kasi baka magiba pa isip mo eh." sagot niya na ikinangiwi ko.

Pinakiramdaman ko ang batok ko kaya bigla akong napahawak doon.

"Walang hiya ka naman Essie! Tigilan mo nga ako sa batok-batok na sinasabi mo! Alam mo namang mabigat kamay mo eh!" reklamo ko sabay himas-himas ang likod ng ulo ko.

"Gaga! Ano nga!"

"Syempre makikipagusap ako! One last time!"

"But why?" tila nanghihina niyang tanong sa akin.

Hindi ko rin alam. Siguro para sa huling tsansa, ayon lang.

Alam niya rin kasi yung mga napagdaan ko at alam kong ayaw niya sa planong ito. Kahit ako rin naman... pero isang linggo ko na ring pinag-iiisipan 'to, mahaba na ang isang linggo para sa isang pagkakataon.

Pagtapos nito, matatapos na rin ang lahat namg samin. Babalik na ako sa normal kong buhay kagaya ng mga nangyari noong nakaraang linggo, noong hindi ko pa siya nakita, noong alam kong patuloy lang ako sa pagtatrabaho ko sa Café na 'to.

Up In The Sky | ✓Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora