Kabanata Dalawampu't-lima

17 2 0
                                    

•••

Same routine lang ang nangyari kahapon. Si Leo? Ayon sinabi na niya ang mga kailangang malaman ni Ms. Shin at ipinangako niya sa akin na siya ang aayos nang nangyari, at agad na niya ako pinalabas ng kwarto.

Isang araw ko siyang hindi nakita kaya habang naghihintay na matapos ang araw ay tinulungan ko na muna si Essie sa mga kailangan niyang gawin, pinayagan naman ako ni Mr. Lee kaya't naging maayos naman ang araw ko kahapon kahit na hindi kami nagkita ni Leo matapos ang pakikipagusap samin ni Ms. Shin.

At ngayon, inis akong tumingin sa bintana ng kwarto ko dahil umuulan pala. Ayaw na ayaw ko talaga nang umuulan kapag may lakad o may pasok ako, pakiramdam ko kasi may hindi magandang mangyayari.

Ganun na lang ang lamig na naramdaman ko nang humihip ang malamig na hangin papasok sa kwarto ko. Napaatras ako mula doon at napakuskos ang dalawa kong kamay sa magkabila kong braso. Agad na rin akong nagbihis at bumaba na dala ang mga gamit ko.

"Oh? Akala ko kanina ka pa nakapag-ayos?" tanong ni Mader na kasalukuyang nanonood ng balita sa TV.

Bigla ko namang naalala ang naging paguusap namin ng Director ng Movie, 'yung binanggit niyang “Ian” na pangalan. Gusto ko sanang itanong iyon kay Mama kaso hindi ko alam kung saan at kung paano ko sasabihin sa kaniya iyon, paano kapag tinanggihan niya akong sagutin? Paano kung magalit siya sa akin 'di ba?

Ngumiti na lang ako ng pilit at saka sumagot. "Kagigising ko lang po kasi eh."

"Dalian mo na at baka malate ka. Umuulan oh? Pahirapan pa naman sumakay." Agad naman akong tumango sa sinabi ni Mader at agad na isinuot ang jacket at tsinelas para makaalis na.

May dinala akong paper bag kung saan nandoon nakalagay ang sapatos ko. Sa Company ko na lang isusuot pagpasok, hassle naman kasi kapag sinuot ko tapos mapuputikan lang sa labas. Nang makarating ako sa sakayan ng jeep ay agad akong pumila hawak ang payong ko. Nako naman! Kahit talaga may payong ka kung mababasa ka, mababasa ka talaga.

At ito na nga ang sinasabi ko, napasimangot na lang ako ng maramdaman kong may tumutulong tubig sa ulo ko galing sa payong ng taong nakapila sa likod ko. Pinunasan ko ng panyo ang ulo ko at inis na inalis iyon sa bandang uluhan ko, pero may tumulo na naman.

Aba't? Nananadya ata ito eh?

"Nakakainis naman."  bulong ko habang nakakunot ang noo at muli kong pinunasan ang ulo ko kung saan ko nararamdaman na may tumutulo.

Sana talaga hindi umulan! Nakakainis naman ang aga-aga! Umusad ang pila dahil may bagong dating na jeep kaya tuluyan na akong nakasilong sa may waiting shed. Tiniklop ko na ang payong ko at habang ginagawa ko iyon ay napatigil ako.

May tumulo na naman sa ulo ko. Bwiset talaga.

Nilingon ko naman ang may salarin at isang matangkad na lalaki ang nakita ko. Nakasumbrelong itim, itim na mask, itim na bag at nakalagay ito sa harapan niya at nakatingin sa cellphone niya.

Nakasumbrelo na nga, nakapayong pa. Hindi niya ata pansin na may natutuluan na dahil sa payong niya eh. At nang matuluan na naman ako nito at sa noo ko pa ay inis ko na iyong itinulak pataas dahilan para matigilan siya sa ginagawa niya at magulat sa ginawa ko.

"Woah-woah!" gulat na sambit niya sabay lingon sa akin.

Inis ko naman itong tinignan, "Kuya, paki ayos mo naman iyang payong mo, pwede ba?" inis kong sabi rito at naglakad na sa likod ng babaeng nasa harap ko.

Pinunasan ko naman ang noo ko dahil sa inis. Umagang-umaga! Ilang minuto lang ang nakalipas nang may kumalabit sa akin, inis ko iyong nilingon at ang lalaking nasa likod ko ang pakamot-kamot sa leeg niya.

Up In The Sky | ✓Where stories live. Discover now