Kabanata Labing-siyam

22 3 0
                                    

•••

"We need to wake her up..."

"No, we shouldn't. We need to leave."

"But Leo---"

"I said, we need to leave."

Naalimpungatan ako sa mga boses na naririnig ko. Bumukas ang mga mata ko matapos kong marinig ang pag-sara ng pinto. Antok na antok akong bumangon sa pagkakahiga sa malambot na kama at inikot ang papikit-pikit ko pang mata sa paligid ko.

And it hit me.

Wait?! Nasaan ako?!

Mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa pinto dahil baka may kumidnap na sa akin at ginawan ako ng masama!

Teka wait? Si Leo?!

Baka anong ginagawa nila kay Leo! Nasaan siya?!

Bwiset nasaan ba kasi ako?! Kinidnap ba talaga ako? Kami? Bakit wala akong maalala?! Bakit kasi natutulog ako?! Argh!

"Aray! Argh!" Napasigaw na lang ako sa sakit sa tuhod at buong katawan ko.

Ano ba kasing ginagawa mo Jelly?!

Plakda ako sa sahig. Natalisod ako sa isang upuan na nakatambay sa gitna ng kwarto nang tumakbo ako papunta sa pinto.

Nakakainis na upuan naman yan!

"Anong nangyari!---Err, Jelly? Anong ginagawa mo dyan sa lapag? Bakit para kang palakang nakasubsob dyan?" rinig kong banggit ng isang boses, boses ni Dong.

Ano?! Palaka?! Dahan-dahan akong tumingala at nakita ko ang mukha niyang hindi maipinta.

Nag-okay sign naman ako sa kaniya.

Eh kung tulungan mo kaya ako?!

"O-okay lang ako."

---

"Ano ba kasing nangyari ha? Bakit nakaplakda ka sa sahig? Nadapa ka?" Sinimangutan ko naman itong unggoy na 'to.

Uulitin pa. Hindi naman siya unggoy eh. Actually gwapo siya, gusto lang itawag.

"Paano mo nalaman? Wala ka namang nakita ah?" mabilis kong asik sa kaniya. Huwag na huwag niyang sasabihin iyon sa akin! Ayoko ng maalala iyon!

Kasi naman, akala ko kasi kinidnap na kami ni Leo, 'yon pala nasa ibang kwarto lang pala ako at ito pala ang pinuntahan naming building kung saan pagmamay-ari ni Ravi. Dito niya kami pinatuloy matapos makansela ang flight namin papuntang Seoul.

But the man in front of me shrugged his shoulders at binigay sa akin ang yelong nasa puting bimpo.

"Oh? Ilagay mo dyan sa namumula mong tuhod. Hindi ka kasi nag-iingat."

Kinuha ko naman iyon sa kaniya at agad na umalis sa harap ko. Sa kusina niya ako dinala matapos niya akong makitang nakaplakda kanina sa lapag. Maiyak-iyak ako ng alalayan niya ako tumayo dahil sobrang sakit ng tuhod ko.

May bukol nasa tuhod ko at mabuti na lang at carpeted ang sahig dahil kung hindi ay mas masakit pa ang aabutin ko sa pagkakadapa ko doon. Kung bakit kasi hindi ako nag-iingat eh!

Nang makalabas kami ni Dong sa kwarto ay wala akong nadatnang tao doon. Ang nakita ko lang ay ang nakabukas na TV sa sala, dahil nanonood daw siya nung marinig niya yung sigaw ko.

Tinanong ko kung nasaan sila Leo sabi niya bumaba lang daw para kausapin si Ravi at ang iba pa.

"Nakakainis, hindi man lang nila ako sinama," nakangusong bulong ko habang idinadampi ang yelong iyon sa namumula kong tuhod.

Up In The Sky | ✓Where stories live. Discover now