Kabanata Labing-dalawa

29 3 0
                                    

•••

Nakabalik na kaming muli sa kwarto kung nasaan kami kanina ni Leo, nandito pa rin si Ms. Shin at inaasahan talaga niya na babalik kami agad dito.

Umupo ako sa harap niya at napatingin ako sa tila magazine na binabasa niya. Napatingin ako sa front page at nakita ko doon si Leo. Pero ang mas pinagtataka ko dahil may kasama pa siyang limang kalalakihan doon, at namukhaan ko ang isang doon.

Si Ravi.

So sino ang iba pa nilang kasama? Bakit parang ang saya nila doon sa Magazine na iyon?

Biglang ibinaba ni Ms. Shin iyon at nakita ko na lang nakatingin ito sa akin na nagtataka. Tila ba inaalam nito kung saan ako nakatingin, at maya-maya lang ay napatango-tango ito.

"I see." Wala akong ibang sinabi sa kaniya pero binanggit niya ang mga salitang 'yon na para bang alam na niya kung anong tinitignan ko.

Inilapag niya ang magazine sa round table sa harap naming dalawa, then she looked at me.. and smiled. Nakakakaba naman 'to. Ano nanaman kayang nasa isip ni Ms. Shin ngayon?

"How's Ravi?" tanong niya.

And it caught me off guard. Medyo gulat pa ako sa tanong niya, kasi naglo-loading pa nang kaunti yung utak ko alam mo 'yon? Akala ko kung sinong tinutukoy niya na Ravi?

"Ahh... si Ravi Kim na CEO po?" balik ko dito.

Syempre baka ibang Ravi naman ang tinitukoy niya tapos bigla akong nagkwento tapos iba naman pala 'yon 'di ba?

"Yes," nakangiti pa rin siya at alam mo 'yon? Nakaka-alarma 'yung ngiti niya sa akin eh,  parang may inaasahan siyang sasabihin kong maganda or something?

Kaya ngumiti na lang rin ako at nag-relax, tinatanong lang naman niya sa akin kung anong tingin ko kay Ravi? Ganun? Pero... paano niya nakilala si Ravi? Oh? Oo nga pala, Manager nga pala siya ni Leo at pati mga kaibigan nito ay alam kong makikilala niya.

"He's okay and cool, atsaka sobrang close nila ni Leo, para bang wala ako sa harap o tabi nilang dalawa," sagot ko na medyo nagtatampo. Bakit? Totoo naman ah!

Bigla naman siya natawa pero saglit lang "Well, ganun lang talaga silang dalawa... i mean silang anim sa isa't-isa." sa isinagot ni Ms. Shin ay bigla na lang akong nagtaka.

Sinong anim? Kasama ba dun si Leo at si Ravi?

"Sino pong anim?"

Syempre kailangan ko na nang advance information sa ibang tao kasi baka kapag nakita ko sila or may mabanggit sa akin si Leo eh wala akong masabi, tapos todo tanong na naman ako medyo nakakahiya iyon kapag ganun syempre.

"Makikilala mo rin sila Jelly, but for now we need to take a lunch. Tawagin mo na si Leo sa kabilang kwarto sabihin mo pumunta siya dito at sasabihin ko na kung anong mga gagawin niya ngayong araw." utos nito sa akin.

Tumango naman ako, tumayo na lang ako sa kinauupuan ko at inayos ang damit ko at sabay labas sa kwarto na 'yon. Pwede ko kayang itanong kay Leo kung sinong anim na tinutukoy ni Ms. Shin? Pero paano na lang kapag nagtanong siya kung bakit ko gustong malaman? Mamaya iba na naman isipin 'nun kagaya 'nung magkasabay kaming sumakay ni Ravi sa elevator for the first time ganun! Iba pa naman ang tingin niya 'nun sa akin, pero that time kasi hindi niya pa ako kilala na personal assistant niya pala ako?

Napasimangot na lang akong dumeretso sa kabilang kwarto na para bang sarili niyang kwarto dito sa Excelsis Company. Pagkatapat ko sa pinto ay nakarinig na ako agad ng malakas na tawa. So ano na? Nabaliw na agad ang Boss ko pagtapos naming maghiwalay kanina nang landas?

Kanina ngumiti siya sa akin, ngayon naman ay tumatawa na siya.

Kumatok ako ng tatlong beses at saka ko hinawakan ang door knob para buksan, binuksan ko iyon nang kaunti upang makita ko kung anong ginagawa niya sa loob. Sumilip ako at nakita ko na lang siyang nakaupo sa couch at tawa ng tawang na nanonood sa phone niya.

Up In The Sky | ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora