Kabanata Walo

48 4 0
                                    

•••

"So hindi mo alam na isang totoong lalaki at mga nasa edad lang natin ang magiging personal assistant ka?" natatawang tanong sa akin ni Essie habang gumagawa kami ng juice para sa lahat.

Si Ms. Hana Shin ang nag-utos saming gawin ito para sa lahat ng staff at crew na nasa labas, at kahit nagtataka kami ni Essie ay sinunod na lang namin siya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang lalaking siyang kumuha sa atensyon ko nang lumabas kami kanina ay ang kailangan ng personal assistant, at ako 'yon. Jusko! Alam kong gwapo siya dahil sa blonde niyang buhok at sa klase ng mukha niya at sa titig niya sa akin kanina.

Pero sana hindi ako mamatay kapag nagalit siya sa akin.

You know, his name is Leo... it means Leon ganun!

Masama ko naman itong nilingon at saka sumagot, "Oo hindi, akala ko talaga kanina bata lang! 'Yung parang magiging yaya talaga or maid para sa isang bata, ganun! Pero, ito... why him? I mean? Bakit ang lalaki pang iyon ang kailangan kong i-P.A wala na bang iba?" pagmamaktol ko habang nilalagyan ng tig-dadalawang ice cube ang bawat basong nasa harap namin na may lamang juice.

"Wow? Nag-iinarte ka pang gaga ka. Namimili ka pa? Trabaho na yan Jelly, Personal Assistant ka pa ng gwapong lalaking iyon."

"Ayon nga kasi Essie, like wala akong alam sa pagiging Personal Assistant! Paano ko siya aalagaan? Hindi naman ako marunong mag-alaga ng---" napatigil ako ng binagsak ni Essie ang malaking garapon na hawak niya at poker face na tumitig sa akin.

Eh? Nagalit ko ata si Essie...

"Basta susundin mo lang lahat ng iuutos niya sayo, Personal Assistant ka so basically parang mini manager, mini-yaya or maid. ka niya ganun. Lalo na't isa siyang artista." sambit niya. "Dapat palagi kang nasa tabi niya dahil ikaw ang pupuntahan niya agad kapag wala ang manager niya, ikaw ang uutusan niya sa lahat, dapat handa ka sa lahat ng ipapagawa niya sayo."

Dapat handa ka sa lahat ng ipapagawa niya sayo.

Mali ata iniisip ko sa bagay na iyon. Nakakatakot naman kung iyon 'yun.

"Alam mo naman kasi na wala pa akong karanasan sa pagtatrabaho, at saka bago lang sa akin ang maging isang P.A alam mo naman iyon 'di ba?" Napatango ito at siya namang ikinabuntong hininga ko.

Napabuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy kami sa ginagawa namin, nang makita naming tapos na naming lagyan ang lahat ng baso ng juice at ice cubes ay dahan-dahan naming inilagay 'yon sa tag-iisang tray at dahan dahan naming inilabas upang ibigay sa mga crew at staff na nandodoon.

Nang makita nila kami ay sunod sunod silang pumunta samin at kumuha ng mga baso na nasa tray. Ang iba naman ay pumunta pa sa kusina upang kumuha ng para sa kanila. Ayaw daw nilang makitang nahihirapan kami.

Part ng trabaho namin ang mahirapan.

Until I saw him sitting like a queen sa isang silya na medyo malayo sa mga taong kumakain ng meryenda. He's looking at something at naka headset pa siya.

Para siyang hindi makabasag pinggan sa paningin ko.

Bigla ko namang nilingon si Ms. Shin, nakatingin siya sa akin at alam kong alam na niya kung saan ako pupunta, may hawak pa naman akong isang basong may lamang juice at alam ni Ms. Shin na ibibigay ko ito sa kaniya.

Ang bilis naman niya makabasa ng galaw ko.

Huminga nuna ako ng malalim at dumeretso na kung saan siya nakapwesto. Nang malapit na ako ay nakita kong napatingin siya sa akin. Grabe! Para siyang lumiliwanag dahil sa puti niya!

Up In The Sky | ✓Where stories live. Discover now