Kabanata Dalawampu't-walo

24 2 0
                                    

•••

At last! Nakarating na rin kami sa wakas! Nang makalabas kami ng airport habang dala-dala ang mga bagahe namin ay doon namin nakita na ang daming naghihintay na mga fans. Actually, ito ang unang beses na nakakita ako ng sobrang daming tao na nagkakagulo dahil lang sa kanila.

Well, kagaya nga ng mga nakikita ko sa TV. Warm welcome kumbaga.

Dahil P.A ako ni Leo ay nakisiksik ako para lang makapunta sa tabi niya, habang ang ibang guards naman ay pinoprotektahan ang ibang casts.

Mabagal ang paglalakad namin dahil sobrang daming tao at puro Leo at Marienet ang naririnig kong isinisigaw nila.

Grabe! Hindi ko expected na ganito sila kadami!

"Jelly!" Narinig kong sigaw ni Essie at bigla akong hinablot palayo sa likod ni Leo.

Pumalit naman sa pwesto ko si Neon habang nakapaligid din saming dalawa ang iba pa.

"Bakit nakikisiksik ka doon? Hindi mo ba alam na baka biglang hablutin ng ibang fans yang buhok mo?" Dahil sa sinabi niya ay nakaramdam ako ng kaba at takot para buhok ko.

Argh! Buhok ko sorry!

"Atsaka hindi rin nila alam na Personal assistant ka at mini-manager ka ngayon ni Leo, kaya halika na." Hindi na ako nakapagsalita nang hilain akong muli ni Essie papunta sa ibang daan.

Nakita kong nasa unahan namin sila Kurt at Dong, sinusundan namin sila at habang naglalakad kami at napalingon ako kung saan namin iniwan ang iba pa. Nag-aalala ako at the same time nagtitiwala ako sa kanila, alam kong kaya nilang protektahan si Leo at ang iba pa.

Nang makarating kami sa likod ng Airport kung saan doon ay wala masyadong madaming tao. May naghihintay na itim na van sa labas, at pagbukas 'nun ay agad kaming pinapasok.

Nagreklamo pa nga 'yung dalawang staff sa loob dahil bakit daw hindi namin kasama sila Leo at Marienet. Sasagot sana ako kaso ayoko pang maubusan ng buhok.

Sa huli ay silang tatlo ang nakipagusap sa dalawang staff. Alam nilang medyo mahirap na bigla na lang namin silang hilain dahil kapag ginawa namin 'yon, mas lalong magkakagulo.

Pumasok na kami sa loob at ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Kinakabahan ako.

Pero hindi ko naman inaasahan na dahil doon, makukwestyon ang pagiging substitute manager ko para kay Mr. Jung.

"Hindi ba ikaw yung binigay ni Ms. Shin para gumabay at magprotekta kay Mr. Jung? Bakit ka nandito? Bakit wala ka doon? Manager ka 'di ba? Dapat nandoon ka at pinoprotektahan mo---"

"Kung wala kang sasabihing maganda pwede bang manahimik ka na lang?" Hinawakan ko ang braso ni Essie ng bigla na lang siyang magsalita.

Nagkaroon ng awkwardness sa pagitan naming anim kasama na ang driver ng van. Masama silang tumingin sa amin, pero umiwas din agad at saka umandar na ang sasakyan na magpupunta sa amin sa hotel na inassign para sa lahat.

Napalunok ako sa nangyayari. Pero wala akong magawa.

Binitawan ko ang pagkakahawak ko kay Essie.

Alam ko naman 'yon, hindi naman ako tanga para hindi ako mag-alala para sa kaniya. Nandito na ako sa van na 'to, pero siya hindi ko alam kung maayos na bang nakasakay sa sasakyan nila.

Tahimik ang byahe namin nang makarating doon. Nakita kong nagtext sa akin si Leo at sinabing may meeting sila malapit sa hotel na tutuluyan namin. Kung makakahabol ako, pumunta daw ako agad doon.

Nang masabi ko sa driver ng van iyon ay agad itong lumiko at dumeretso sa ibang daan. Doon ko lang napansin na kami na lang palang apat ang nasa loob ng van.

Up In The Sky | ✓Where stories live. Discover now