Kabanata Sampu

32 3 0
                                    

•••

Pagtapos kong magpakilala sa kaniya ay mabilis pa sa alas kwatro kaming hinila ni Ms. Shin papunta sa isang kwarto. Kaya halos matapilok ako dahil sa taas ng heels na suot-suot ko.

Jusko naman! Dapat nagflat shoes na lang ako eh!

Nang makapasok na kaming tatlo ay pinaupo ako ni Ms. Shin sa kinauupuan ko kapahon at silang dalawa naman ni Leo ang nasa harap ko.

Matapos ang ilang minutong katahimikan ay may inilapag na papel si Ms. Shin sa round table na nasa harap namin parehas. Napatingin ako doon at kay Ms. Shin, nilingon ko si Leo pero naka-pokerface lang siyang nakatingin sa akin.

Okay? May nagawa ba ako? Bakit ganun siya makatingin sa akin? Alam kong ganun pa rin ang mukha niya kahapon, pero nakakapanibagong makita ko siya dito, sa iisang kwarto kasama siya.

Kinuha ko na lang ang inilapag ni Ms. Shin sa lamesa at binasa iyon, kontrata sa pagiging P.A ko sa lalaking nasa harap ko.

"Ikaw po, Ms. Shin?"

"Oh? I fogot. I'm his manager." Hindi na ako nagulat ng makita kong komportable silang dalawa sa isa't-isa habang ako naman ay hindi mapakali habang nakaupo at pinagmamasdan ang kontrata na nasa mga kamay ko.

Nararamdaman ko kasi ang titig ng isang pares na mga mata sa akin kaya napapalunok ako ng wala sa oras.

"As of now the reason what I want a personal assistant for him it's because I can't stay beside him when he need to go somewhere, especially when he have his fixed schedule for whole week, or if he need to go abroad or domestic. I have other plans for my work also, so... I needed someone to go with him." Napatango ako.

Ikinumpas niya ang kaniyang kamay sa harap ko at nagpatuloy sa pagsasalita.

"And because he's a picky person wala na akong choice kung hindi ang kumuha ng isang taong kahit hindi na qualified sa mga standards niya for employee ay 'yon na ang tatanggapin ko. And then, until you came," she said and a small smile appeared to her lips. "I thought this is the biggest mistake I've ever done in my entire job, pero hindi ako nagkamali sa pagpapatawag sayo. And because of that i'm thankful that Mr. Lee give me your contact number at pinapunta ko ang isang assistant ko para itanong sayo ang job na ito. And hindi nga ako nagkamali, you came here to see what kind of job you want to deal with i---"

"Can you please shorted your explanation to her and tell her the do's and don'ts? Meron pa akong schedule Shin, malapit na akong ma-late." Sa tono pa lang ng pagkakasalita ni Leo kay Ms. Shin ay halatang naiinip na siya.

Paanong naiinip eh hindi pa nga kami dito nagtatagal dito?

Sumimangot akong tinapunan siya ng saglit na tingin. Alam kong hindi niya ako napansin dahil halos nasa hawak niyang cellphone ang buong atensyon niya.

"Okay. Ito na ang do's and don'ts dito sa company and this is the other requirement mo para mas lalo mo siyang maintindihan."

Medyo may alam na ako dito dahil naipaliwanag niya na rin naman ito kahapon sa akin. Pero hindi naman masama kung babasahin ko ulit.

"Shin,"

"What? Totoo naman ang sinasabi ko ah? Sus! Huwag ka na mag-inarte dyan, ako na ito, moment ko na ito eh."

Pinagmasdan ko ang biglang pagtalim ng mga mata ni Leo kay Ms. Shin na ngayon ay parang walang pakialam sa paligid niya. Ibinigay niya sa akin ang iba pang paper sa harap namin at binigyan niya ako ng kahit tatlo hanggang limang minuto para basahin ang mga nakasulat doon.

At doon na ako napatigil..

Kaparehas ito ng mga nabasa ko nang nakaraang araw, may ibinigay rin sa akin si Ms. Shin na bond paper na printed at doon nakasulat ang mga required kong dapat gawin.

Up In The Sky | ✓Where stories live. Discover now