"Hey, you're not listening!" Nagtaas ako ng kilay kahit pa nakapikit ako.




"Hmm," I mumbled while resting my head on top of the  backrest.




"I said manonood kami ng concert nila kuya later! May concert sila sa MOA!"




Nanlaki ang mga mata ko at napatitig ako sa headliner ng sasakiyan. Hindi ko na narinig ang mga susunod pang sinabi ni Lea dahil masyado nang naging okupado ang isip ko sa sinabi niya. May concert ang 5pm ngayon? Ngayon pa talaga?




"Oh my— don't tell me you're still not over him?"




Doon na ako napakurap at napalingon kay Lea na nag-aalalang nakatingin sa akin. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin habang smooth na umaandar ang sasakiyan.




Natahimik si Lea nang mapansing natigilan ako at biglang napagtanto ang kaniyang sinabi.




"I'm sorry, hindi ko na iyon dapat sinabi—"




"It's fine." Putol ko sa sasabihin niya.




"I'm sorry talaga—"




"I'm over him, Lea, don't worry." Sagot ko na hindi ko din malaman kung totoo ba o hindi.




Tapos na nga ba ako? Sana. Kasi sa loob ng limang taon ay wala akong ibang ginawa kundi kalimutan siya. Sana naman ay nagtagumpay ako, dahil ayokong mauwi sa wala ang pinaghirapan kong buoin. Ang sarili ko.




"Really? So pupunta ka mamaya?"




Kumunot ang noo ko at patagilid ko siyang tinignan. Katabi ko siya dito sa backseat habang parang driver namang mag-isa roon sa harap si Gavin na walang nagawa dahil gusto akong katabi ni Lea.




"I'm tired," pagdadahilan ko.




Ngumuso siya at inirapan ako. "Sus, tired tired ka diyan. Gusto ka ring makita ni kuya! Edi matulog ka pagdating natin sa Rockwell, tapos mamayang gabi manood tayo—"




"Baby, she might really want to rest." Sabat ni Gavin na ipinagpapasalamat ko.




"Duh? Hindi naman siya tulog buong araw, maaga pa naman. Puwede siyang magising ng 8 tapos aalis tayo.." pagpupumilit ni Lea.




Bumuntong hininga na lang ako at muling pumikit. Hinayaan ko silang magtalo dahil wala akong lakas na makisawsaw sa kanila. Masyado akong pagod at kinakabahan para magsalita.




Nang makarating kami sa Rockwell building ay tinungo namin ang 15th floor na pinagawa ng penthouse ni Gavin para sa kanila ni Lea. Sobrang laki at modernong moderno ang dating. Balita ko ay kuya ni Lea ang nag disenyo nito habang si Gavin naman ang head engineer.




Kahit pa gusto kong pagmasdan ang kabuoan ng bahay, ay hinihila na ako ng antok. Kaya naman pumasok na ako sa unang kuwartong mapasukan ko at ibinagsak ang sarili sa malambot na kama.




Nagising ako ng mag-aalas otso base sa orasan ng kuwarto. Hindi ko maalala kung saan ko inilagay ang cellphone ko kaya dumiretso nalang ako sa sariling banyo rito at naghilamos. Suot ko pa rin ang turtle neck sweater ko at maong pants. Hindi na ako nag-abalang magpalit dahil gutom na gutom na ako.




Alas tres kanina nang makauwi ako at halos apat na oras ang tulog ko kaya medyo masakit ang ulo ko. Paano pa kaya ako makakatulog mamaya.




La Cuevas #3: Beautiful ScarsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora