Sumugod ang dragon kay Rhaine. Watak watak na kami pero kasama ko si Caiele. Nagpalabas si Rhaine ng kuryente bago pa man makasugod ang dragon kaya napatigil ito. Nahihirapan si Rhaine dahil nilalabanan ng dragon ang kuryente niya kaya't hindi nagsayang ng oras ang mge geminus.

Gumawa ng ipo-ipo si Eros at tinulungan si Rhaine. Nagpalabas naman ng mga ugat ng halaman si Ethan mula sa lupang kinaroroonan ng dragon para itali ang mga paa nito. Nakabantay naman si Victoria at Nikole.

Naramdaman kong hinatak ako ni Caiele patungo sa isang malaking bato. Taka ko itong tinignan.

"Stay here, we'll take care of it.", saad nito.

Ano? Anong silbi ko dito? Aalis na sana si Caiele patungo sa dragon nang hatakin ko ang kamay nito.

"Anong silbi ko dito? Kailangan ko ding lumaba--"

"No, just listen to me, okay? Stay here."

"Pero---"

"No buts, Diana.", seryosong saad nito. Tumahimik naman ako at ngumuso. Nagpunta na ito sa kinaroroonan ng dragon para tumulong.

Pinanood ko lang sila habang pinagtutulungan ang Winter Dragon. Inisip ba ni Caiele na wala akong maitutulong kasi iniisip niya wala akong build?

Nakita ko si Caiele na pinapatapunan ng lazer ang dragon. Nahihirapan na ring pigilan ng iba sa paggalaw ang dragon. Paano nila matatalo 'yan kung si Caiele lang ang umaatake?

Nagulat ako nang biglang lumabas ang pakpak ng dragon kaya nagtalsikan ang mga geminus kasama si Rhaine. Mabuti na lamang at nyebe ang sahig kaya hindi sila masyadong nasaktan. Nagwawala na ang dragon kaya napilitan na akong tumayo.

Napatingin sa gawi ko ang dragon kaya sumugod iyon. Narinig ko ang tawag ni Caiele pero hindi ko pinansin iyon. Nang akmang papalipad na sa akin ang dragon ay agad ko itong kinontrol. Bumagsak ito sa sahig at hindi na nakagalaw, napangiti naman ako sa nagawa.

Hindi ko agad mapatay ito dahil masyado itong malaki at hindi ko alam kung paano ito patayin. Napatingin naman ako sa mga geminus at Rhaine na nakatingin sa'kin.

"Ano pa ang hinihintay ninyo? Atakihin niyo na!", sigaw ko.

Tila bumalik naman sila sa wisyo at inatake ang dragon na nasa ilalim ng pagkokontrol ko.

Nagpakawala ng malakas na hangin si Eros, si Ethan ay umatake gamit ang matutulis na tinik ng halaman. Kinuryente ni Rhaine ang dragon kaya nangisay ito. Pinaulanan naman ng palaso ni Nikole ang dragon at pinalibutan ito ng kung anong klaseng likido ni Victoria. Ginamit rin ni Caiele ang lazer niya.

Maya maya ay biglang naglaho ang Winter Dragon. Mga snowflakes na lamang ang natira mula dito. Lumapit ako sa kanila.

Napansin kong nakatitig sa akin si Caiele. Ngumiti lang ako dito at humarap sa iba pang kasamahan.

"Nalaman niyo ba kung ano ang maaaring kahinaan ng mga Winter Dragons?", tanong ko.

Sumagot si Rhaine, "It's hard to identify its weakness. Sabay sabay kaming umatake kaya hindi namin napansin 'yon."

Tumango kami. Nagsimula muli kaming maglakad nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko, napalingon ako at nakita si Caiele na matalim nakatitig sa'kin.

"Didn't I tell you that just stay on that rock?", saad nito.

Kumunot ang noo ko. Bakit nagagalit 'to? Tumulong na nga ako sa kanila e.

"Tumulong lang naman ako. Anong silbi ko rito sa misyon kung magtatago lang ako?", sagot ko.

Napabuntong hininga ito, "Just do what I tell you."

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now