Maya maya ay pinagsama sama niya ito at naging tubig na ang lahat ng mga likidong iyon. Nagtaka naman ako dahil tumigil sa Victoria at parang nahihirapan nitong kontrolin ang tubig.

"Fuck.. here we go again."

Napalingon ako kay Eros. May mangyayari ba?

Nakita ko si Victoria na napapangiwi na. Nagulat ako nang mapaluhod ito at nagtalsikan ang likidong kinkontrol nito kanina.

Hindi ko nagawang umilag dahil sa gulat. Naramdaman ko na lang na basa na mukha ko kaya't pinunasan ko iyon gamit ang kamay ko, napasin ko ring basa ang blusa ko.

May naramdaman akong tela na pumatong sa likod ko. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Caiele na sinuot sa'kin ang coat nito.

"You'll get cold.", mahinang saad nito.

Napatitig ako kay Caiele. Napansin ko ang basa nitong buhok. Ako lang ba ang nakakapansin na ang gwapo pa rin nito kahit basa ang buhok? Napansin kong basa ang polo nito kaya't nagtaka ako kung bakit hindi basa ang coat niyang pinasuot sa'kin. Hinubad na ba niya ito kanina?

"Staring is a crime, you know."

Natigilan ako nang magsalita ito. Napaiwas ako ng tingin at nakaramdam ng hiya. Baka kung anong isipin niya tungkol sa'kin. Bakit kasi ako nakatitig sa kanya?

"You need to fully master your build, Victoria. I want to you double your practice. Ethan, you're next.", saad ng Head Teacher.

Nakangusong bumaba at lumapit sa amin si Victoria. Nagkasalubong sila ni Ethan at nakita kong ginulo nito ang buhok ni Victoria. Ngumiti at may sinabi si Ethan dito pero hindi ko na iyon narinig.

Nang makapunta sa harapan si Ethan ay agad naman itong nagsimula. Bigla nalamang lumabas ang sanga ng halaman mula sa kamay nito katulad ng nagawa ko sa dorm ni Friella dati. Lumaki ang mga sanga na iyon na halos hindi na namin makita si Ethan.

Nagulat ako nang hindi lang iyon ang nagawa ni Ethan. Gumawa ito ng mga nilalang sa pamamagitan ng sanga na ginawa niya. Nakagawa ito ng tatlong nilalang na mas malaki pa sa kanya. Nakanganga ang bibig ko habang pinapanood ito.

Maya maya ay humudyat ang Head Teacher. Nakita kong bumalik ang mga sanga sa kamay ni Ethan. Nagtaka ako dahil pumasok talaga ito sa kamay niya. Nasa loob ba ng katawan niya yung mga sanga na 'yon? Nakita ko ring nawala na ang mga nilalang na ginawa niya.

"That's marvelous Ethan. You may now take your sit. Nikole, you're next.", saad ng Light Enchantress.

Bumalik na sa kanyang upuan si Ethan habang pumunta naman sa harapan si Nikole. Nagtaka ako dahil may mga gamit na nilabas at pinwesto roon, kila Victoria at Ethan naman wala.

May mga archery target akong nakita, sa taas non ay tatlong mahabang bagay. Is that a cannon gun?

Sa tingin ko ay alam na ni Nikole ang dapat gawin dahil hindi na ito humarap sa Head Teacher at Light Enchantress, nakaharap na ito sa mga archery target.

Dahil sa pagtataka ay napatanong ako kay Caiele, "Anong gagawin ni Nikole?"

Tinignan ako nito, kahit naiilang ay nagawa kong magtanong dito dahil gusto ko talaga malaman ang gagawin ni Nikole. Ilang sandali ring hindi nagsalita si Caiele kaya't nabuntong hininga na lang ako. Nice talking man.

"She need to hit the bullseye of those target while avoiding the attack of the cannon."

Nabigla ako nang magsalita si Caiele. Nang makuha ko ang sabihin nito ay nanlaki ang mata ko.

"Sinasabi mo bang aatake ang mga cannon na 'yon habang inaasinta niya ang mga archery target?", gulat kong tanong.

Tumango ito kaya nalaglag ang panga ko. Ayos lang sana kung kahit hindi bullseye ang tamain nito, mas madali 'yon. Napatingin ako kay Nikole at matalim lang itong naatingin sa mga target at tila hindi kinakabahan.

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now