Bigla tuloy sumagi sa isip ko yung araw ng unang pagkikita naming dalawa. At aaminin ko, naging crush ko na siya agad nun.

Ang ganda kasi niya, tapos ang bait-bait pa. Sino bang hindi mahuhulog sa nakakamatay niyang ngiti hindi ba?

"I'm doin' great Dike." she took a quick glance at me. "Still, breathing?"

Napatawa naman ako dun. Ang nice ng joke niya ah. Mabibilaukan ako sa sobrang lakas ng tawa.

Note the sarcasm guys.

"Kayo na po ulit?" pagsingit naman ng kapatid ko.

Nagkatinginan naman kami ni Larisa bago sabay na nag-iwas. Hindi ko tuloy alam kung ako ba ang sasagot o siya. Napatikhim naman ako. "Ahm. No Dap, we're friends. We're just being civil." sumulyap naman ako sa katabi ko na tahimik lang. "Right Larisa?"

She looked at me. "Yes, we're just friends Daphne. We just want to keep our friendship." she paused. "That's it."

Natahimik na ang buong kotse. Ni isa sa'min wala ng nagtangka pang magsalita. Hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga oras na 'to.

Mas tinuon ko na lang ang pansin ko sa pagmamaneho. Napasulyap naman ako sa rear mirror para makita ang kapatid ko na nakangiti ngayon ng matamis habang nakatutok ang atensiyon sa cellphone niya.

Mukhang kinikilig ang bruha. Akalain mo nga naman, marunong palang kiligin ang batang ito. Akala ko puro pagsusungit na lang ang kaya niya ee.

Ilang oras din ang ginugol namin sa biyahe hanggang sa tuluyan kaming nakapasok sa boundary ng Provostè. Napakalawak naman ng pagkakangiti ko.

Pakiramdam ko, ang tagal na noong huling uwi ko dito kahit noong nakarating Linggo lang naman yun.

"Bilisan mo na ate. Gusto ko ng mahiga." bored na bored na saad niya.

Napailing na lang ako bago sundin ang gusto niya. At hindi naman nagtagal, nasa tapat na kami ng gate. Pinagbuksan lang kami ng katiwala ni Mommy bago pumasok sa loob.

At katulad ng dati, nakaabang na agad ang nanay ko na may kasama na malaking ngiti.

Napangiti din tuloy ako.

"Tara na!"  my sister said with burgeoning excitement.

Nakangiting napailing na lang ako ng siya pa ang naunang lumabas ng sasakyan at agad na sinunggab ng yakap si Mommy.

Napatingin naman ako sa babaeng katabi ko ngayon na nakangiti lang. "Let's go?" 

She nodded at me, smiling. "Let's go."

Sabay na kaming bumaba ng sasakyan na katulad ng ginawa ng kapatid ko, ginawaran ko rin ng mahigpit na yakap si mommy. Na-miss ko siya.

"I missed you mom." I whispered

She caressing my back. "I missed you too Vanessa."

Ako na ang unang humiwalay sa yakap namin at napapikit na lang ako para damhin ang mainit na halik ng nanay ko sa noo ko.

Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag ganitong kasama ko siya. "Oh. Larisa. You're here." gulat na tanong niya.

Larisa slowly walker towards and hug her like she always used to before. "Hello po tita."

Naramdaman ko naman ang mahinang pagsiko sa'kin ng kapatid ko. At dahil sa dakila akong maganda, siniko ko din siya.

Parang tanga ee. May pasiko-siko pang nalalaman. "Ouch. Ang lakas naman ng sayo." bulong niya sa'kin.

AddictedWhere stories live. Discover now