Chapter 34 Stacey Ferrer Alvarez

729 46 0
                                    

Stacey's POV

Habang patuloy pa ring nangyayari ang labanan may sumabog bigla sa labas. Napatingin kami doon para lang makita si Angelo na walang malay. Dali dali akong tumakbo papunta kay Angelo para tingnan ang nangyari pero nagulat ako ng suntukin ni Reiji ang tama ko sa tagiliran.

"We're not yet done kaya saan ka pupunta?" napadaing ako ng hawakan ni Reiji ang buhok ko at iluhod paharap sa lahat ng naglalaban. Nanghihina na ako dahil marami na rin ang dugo na nawala sa akin pero nang makita kong bumangon si Angelo nang daluhan siya ni Keiffer nakahinga ako ng maluwag at pakiramdam ko bigla akong lumakas.

Napatigil silang lahat at humarap sa amin, kita ko ang pagaalala nila dahil sa nakikitang sitwasyon ko kaya ngumiti ako para ipaalam na ayos lang ako.

"San Diego, tingnan mo ang pinagmamalaki mong angkan na tuluyang maubos sa mismong kamay ko. Hahahaha" tawang demonyo ni Vallejo na sinabayan pa ng kanyang anak.

"Walang hiya ka pakawalan mo si Stacey." Sigaw ni Angelo at susugod na sana pero inilingan ko lang siya at ngumisi. Tumingin naman ako kay Theo at sumenyas kaya nang itikom ko ang kamao at isuntok sa sahig agad silang kumilos. Inikot ko ang paa ko at sa gulat di agad nakakilos ang mag-ama kaya ginamit namin itong pagkakataon para makatakas.

Tumakbo ako ng mabilis papunta kay Angelo at tumalon sa likod niya at hinawakan niya ang kamay ko. Nagkatinginan kami at sabay na tumango tsaka nakipaglaban habang magkahawak ang kamay.

"Everyone in a count of three let us scattered" sigaw ni Angelo kaya kumilos ang lahat para sa hinanda naming patibong.

"ONE." sigaw ni Angelo

"TWO." sigaw ko kaya lalo na silang nagsipaghanda at lumingon ako kay Rod para sumenyas na umalis na sila ng pinsan ko kasama sila Tita.

"THREE." sabay namin sigaw tsaka kami nagkalat tsaka nagbato ng pampasabog at tumakbo palabas ng exit. Nakita ko pang tumakbo ang mag-amang Vallejo sa kabilang side.

Nang makalabas na kaming lahat ng museum alam kong tapos na ang lahat dahil parating na rin ang mga tao ni tito Janno para hulihin ang mg Vallejo.

Naglalakad na kaming lahat pabalik sa van nang may marinig kaming putok ng baril na dalawang beses kasabay non ang paglabas ng dugo sa bibig ko. Narinig kong sumigaw silang lahat pero malabo na ang lahat sa paningin ko hanggang tuluyan nang lamunin ng dilim ang paningin ko.

"Stacey, anak gumising ka na."

"Anak, proud kami ng papa mo sa iyo." Dumilat ako at napatayo ng bumungad sa akin ang nakangiting mga magulang ko. Napatingin ako sa paligid at napakaganda dito, may mga halaman at bulaklak lalo na ang roses. Nakaputi sila mama at papa pati ako nakawhite dress.

"Ma, Pa? Ano pong ginagawa niyo dito at nasaan ako? Patay na po ba ako?" pero ngumiti lang sila sa sunod sunod na tanong ko.

"Anak, ngayon ang kapalaran mo ay ikaw mismo ang magdidikta." sambit ni papa habang hinihimas ang buhok ko.

"Ayoko na po umalis pwede po ba dito na lang ako? Kasi dito kasama ko kayo."

"Anak gusto ka rin namin makasama, pero talaga nga bang ayaw mo nang bumalik?" tanong pa ni mama sa akin kaya nagtaka ako.

"Mama, pwede pa po ba akong bumalik?" ngumiti lang sila sa akin

"Oo anak, kung gusto mo pang bumalik." sabi ni papa sa akin

"Pero nandito po kayo at wala na akong magulang doon kaya mas mabuti nang manatili dito kasama kayo."

"Are you sure? Pero paano siya?" sabay turo nila sa isang side kung saan nakikita yung nangyayari kila Angelo.

The Gangster's Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now