Chapter 2 Gangsters

1.3K 48 0
                                    

Angelo's POV

Nagising na lang ako sa tunog ng cellphone ko dahil nagaalarm. Pinatay ko iyon at tumingin sa wall clock dito sa kwarto ko.

It's 7:00 in the morning and 9 pa ang pasok ko, maaga pa pero naligo na ako at bumaba dahil marami pa ako kailangan pagtuunan ng pansin sa eskwelahan lalo na at first day of school.

I need to talk with Rod and Sid para sa recruit. Pagbaba ko kinuha ko ang susi ng kotse ko at pinaandar paalis, di ko na rin pinansin sila yaya ng tinatawag nila ako para kumain.

Pagdating sa school ay pumarada na ako at bumaba nang matanaw ko na ang ibang members ng rebellion na inaantay ako kaya dumiretso na ako sa kanila. Tahimik at malamig ang tingin ko habang naglalakad papunta sa direksyon ng gang.

"Hey, Angelo may list na kami ng pwede sa initiation para sa recruitment."sabi sa akin ni Sid ang kanang kamay ko at bestfriend nang maitalaga akong lider ng grupo.

"Good, as for now we will wait for them. Let's go at pumasok na tayo sa loob I'm sure may mga transferee." sabi ko sa kanila at nagsimula na ako maglakad at naramdaman ko na sumunod sila sa akin.

"Tama at siguradong maraming bagong chicks. Di ba bro?" Narinig kong bulong ni Rod  ang cassanova sa grupo pero mas babaero si Joshua sa kanya na parang may collection ng action figure kung mangolekta ng babae. Napailing na lang ako, I hope someday they will see their karma. Pagpasok pa lang ay katulad ng dati tumatabi ang bawat madadaanan namin.

"Angelo. Traitor." Sabi ni Joshua ang 10th rank ng grupo. Kumuyom ang kamao ko sa narinig. Ang ayaw ko sa lahat ay may nagtatraydor sa akin.

"Saan?" Tanong ko, naglakad na siya kaya sinundan namin siya patungo sa headquarters namin dito sa school. Pagdating namin nakita namin si Jack na puro dugo, tingin ko pinuruhan na nila siya. Hinawakan ko ang buhok niya para tumingin siya sa akin.

"A-angelo" sabi niya na nanghihina. May dugo ang ilong at noo niya at nakapikit na ang isang mata.

"Anong ginawa nito?" Tanong ko sa kanila.

"Narinig namin siya na may kausap sa phone niya na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa susunod na plano natin." Paliwanag ni Joshua.

"A-angelo, h-hindi ako iyon, may ibang traydor s-sa g-gru-" di na niya natuloy ang sasabihin ng bigla siyang sinuntok ni Samuel.

"Sam ano ba nagsasalita pa siya, wala naman bastusan." Sabi ni Rod sabay hawak kay Samuel.

"Ako bastos? Hindi kaya iyang lalaking iyan, bakit pa natin pakikinggan ang traydor na iyan paiikutin lang niya ang ulo natin." ani Samuel

"Tama na, ako ang magsasabi kung ano ang gagawin natin." Sabi ko at tumalikod na para lumabas ng headquarters. Malamig ang mga tingin ko kaya tumatabi sila sa tuwing naglalakad ako.

"Angelo anong gagawin namin dito?" Pahabol ni Joshua, tinaas ko ang kamay ko habang nakatalikod.

"Talian niyo muna at bantayan babalik ako para sabihin kung ano gagawin." sabi ko at dumiretso na ako palabas. Nakasunod sa akin ang dalawa kong bestfriend na si Sid at Rod.

"Bro, ano ba talaga ang plano mo kay Jack?" Tanong sa akin ni Sid habang naglalakad kami.

"Kilala niyo ako guys, alam niyo ang hobby ko." sabi ko nang may ngisi sa labi at alam ko iyon ang kinakatakutan sa akin ng lahat maging ng kapwa miyembro ng rebellion. Ang mapaglarong ngisi sa labi ko ang higit na ayaw nilang makita kaya hangga't maari ay iniiwasan nila ito.

Hindi ko akalain na siya ang nagtraydor sa akin or they thought na mautakan ako pero di nila ako maiisahan. Ang bawat miyembro ng gang ko ay pamilya kung ituring ko kaya di ako makapaniwala na ang isa sa kanila ang magtraydor sa akin. Hindi ko palalagpasin ang bagay na pilit nilang pinapaikot ang ulo ko. Sila na lang ang pamilyang meron ako kaya di ako papayag na sirain nila iyon. Sila lang ang kasangga namin ni Dad.

The Gangster's Girlfriend (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora