Chapter 17 Missing Him

824 48 0
                                    

Stacey's POV

1 month na ang nakalipas nang makidnap ako at hindi na namin ipinaalam kila tita ang nangyari kasi baka magovereact na naman siya.

At sa loob ng isang buwan naging komportable na rin ako sa school ko pati sa environment dito sa Maynila kahit alam kong iba ang pamumuhay dito ng mga tao sa kinasanayan kong buhay ay nakaadjust naman ako. Pero ganun pa rin na sa tuwing dumadaan kami ng pinsan ko lahat nakatingin sakin at parang natatakot na humarang sa daan ko. Ayoko sa ganung feeling yung bang para kang may nakakahawang sakit.

Minsan pa nga may narinig pa kong bulungan na hindi ko alam kung bulong dahil ang lakas ng pagkakasabi at rinig ko. Sabi nila ako daw ang girlfriend ng lider ng Rebellion kaya walang naglakas loob na saktan o ibully kami ng mga kaibigan ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung dapat ko ba na ikatuwa yun dahil tahimik at payapa ang pagaaral ko dito o mainis kasi wala na  gusto sumali sa grupo namin, ako kasi yung tipong hindi kuntento na konti ang kaibigan dahil napakafriendly ko.

At sa nakalipas na 1 buwan bihira lang kami magkita ng abnormal na gangster dahil madalang din ang pagpasok niya sa school, feeling matalino na eh. Tatlong beses isang linggo na lang kami magkita kapag pumapasok siya pero dalawang beses isang linggo lang siya pumapasok at yung isang araw tuwing linggo pupunta sa bahay at mangaasar lang sakin. Bigla tuloy ako nagsisisi na hinayaan ko siya nun pumunta sa bahay, aba eh nasanay siya pumunta sa bahay kaya ayun feel at home ang abormal.

Nandito kami ng grupo sa may field at nakaupo sa mga bench dahil kakatapos lang ng mga klase namin at nagpalipas muna kami ng oras bago umuwi.

"Stacey, kamusta na kayo ni Angelo?" tanong ni Micah sa akin.

"Oo nga, bihira na siya pumasok sa school. Nagkikita pa ba kayo?" tanong naman ng jowa niya. I shrugged my shoulders at them. Tumayo na ko at kinuha yung bag ko ng magsalita si Insan.

"Oh, insan san ka punta?" Tanong sakin ni Jans

Itinaas ko lang kamay ko sabay sabing magpapahangin lang habang nakatalikod at naglalakad paalis.

"Stace, di pa ba tayo uuwi?" habol na sigaw ni Jans sakin.

"Mauna ka na, maya na ko uwi may gagawin pa ko!" sigaw ko rin pabalik at dumiretso ako paakyat sa rooftop ng building namin.

Habang paakyat ako di ko maiwasang mapakunot ang noo dahil sa tingin na ibinibigay nila sakin. Ano ba yan para naman akong kriminal sa mga tingin na iyan? Hay, Stacey di ka pa ba sanay isang buwan na kaya ganyan ang takbo ng buhay mo simula ng magstart kang magaral dito sa EU.

Nang malapit na ko sa rooftop ay may nakabungguan ako na grupo ng mga kababaihan. Nanlaki ang mata ko ng makita ko sila habang mga may ngisi sa mukha. Naalala ko na yung isa ay yung bitch na si Julie Vasquez.

"Oh, look who's there Julie. The BITCH!" smirk na sabi nung isang alipores niya na parang binudbod sa harina ang mukha.

"Yeah right that bitch." sabi nung isa pa niyang alipores na mukhang clown sa sobrang kapal ng make up.

"Anong kailangan niyo?" tanong ko sa kanila na poker face lang at tatalikuran ko na sana sila kasi wala akong panahon sa kanila nang hinatak ako ni Julia. Ako pa tinawag na bitch, nanalamin ba sila?

"And where do you think you're going?" sabay pisil sa kamay ko ng madiin kaya di ko maiwasan mapapiksi.

"Julie, long time no see." sabi ni Rod sabay akbay kay Julie habang nakangisi. Nakita ko naman na sumenyas si Sid sa akin na umalis na ko kaya tumuloy na ko sa pagakyat sa rooftop at iniwan ko na sila dun.

Pagakyat dumiretso ako sa dulo at tinanaw ko yung ibaba. Kita ko mula dito ang mga estudyanteng pauwi na at yung iba naman ay mas pinili na lang ang tumambay muna sa campus.

Nakatanggap ako ng text kay Jans na mauna na siyang umuwi at ihahatid daw siya ni Rod. Ewan ko ba sa dalawang iyon palaging magkasama pero lagi naman di magkasundo at panay ang bangayan sa isa't isa. Nagreply ako ng okay sa kanya at sabihin kay tita na nagpahangin lang muna ako.

Pagkatapos kong maisend yung reply ko huminga ako ng malalim at tinanaw ko na lang ang kalangitan. Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko siguro namiss ko lang ang mga magulang ko.

Habang nakatingala itinaas ko ang mga kamay ko na parang maabot ko ang mga bituin. Sabi ni mama sakin nung bata pa ko kapag namatay daw ang isang tao nagiging bituin daw sila, ewan ko lang kung totoo kasi dati naniniwala ako pero ngayon parang hindi na. Pero dahil sa nangyari sa parents ko pinipilit ko na lang siguro maniwala na natatanaw ko sila sa isa sa mga bituin at binabantayan ako.

Namimiss ko lang ba sila mama at papa kaya ako malungkot o may iba pang dahilan? Napatingin ako sa may pader na nakasulat na RB kung saan muntik na ko mahulog at nanakaw ang first kiss ko. Hindi ko alam kung bakit namalayan ko na lang nakangiti ako habang hawak ang aking mga labi.

Sa loob ng isang buwan nagkikita nga kami kahit bihira pero itong nakalipas na isang linggo di na ulit siya nagpakita at di ko alam ang pinaggagawa niya. Lagi naman nandito ang gangmates niya at walang ibang ginawa kundi bantayan ako, akala nila di ko alam pero kapag nasa panganib o may magtangkang umaway sakin bigla sila darating. Tumunog bigla ang phone ko at bigla ako nakaramdam ng excitement ng mabasa ko ang caller ID. Lalo pa ng mabasa ko ang nakasulat, di ko alam pero kumabog ng malakas ang puso ko na sa sobrang lakas para na ito sasabog. God, now I know why. It is because I miss him.

"You are beautiful from afar but I know you are more beautiful whenever I am near with you." yan ang text ng pinakaabnormal na gangster na nakilala ko at nagulat ako ng may nagtakip ng mata ko at bumulong ng...

"I miss you."

Paglingon ko wala na ang lalaking dahilan ng pagkabog ng dibdib ko.

Para siyang kidlat sa bilis ng pagalis niya ngayon parang katulad nang pagdating niya sa buhay ko at guluhin ang buong sistema ko, isang kidlat.

The Gangster's Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now