Chapter 14 Kidnapped

864 44 1
                                    

Stacey's Pov

Maaga ako nagising kinabukasan dahil back to school na naman kami. Bago ako bumangon I checked my phone first and to my surprise there are 50 messages and karamihan kay Micah galing and it all looks as group message. May group message din galing sa mga classmate ko sa EU. But there is one message that caught my attention.

From:Unknown number

Good night and sweet dreams,my baby girl. Please take care of yourself.😘😘

Kumunot ang noo ko sa nabasa, who the hell texted this to me?

After few minutes ng pagiisip kung kaninong ponsyo pilato galing yung text message ay bumangon na ko at ginawa ang morning routine ko. After kong magayos ay bumaba na ako para kumain ng breakfast.

Habang pababa sa hagdan ay may narinig akong tawanan kaya sumilip ako sa may kusina and there I saw a two gangsters. Nakita ko rin ang nakabusangot na mukha ni Jans.

"Anong ginagawa niyo dito?" I asked them.

"Insan, mabuti naman at gising ka na. My gosh kanina pa ako nabwibwisit dito sa unggoy na ito na feeling close kila mama." Jans said at mukha ngang iritado, I wonder kung ano problema niya kay Rod. Napangiti ako sa pagiging iritable niya.

"Jans, wag ka ngang ganyan sa bisita. Ah, Stacey kanina pa nandito ang boyfriend mo, mga 6 am." baling ni tita sa akin and what the f- lang ah anong ginagawa niya dito ng ganung kaaga. I saw my wrist watch and it's 7:45 am so this means 1 hour and 45 mins na siyang nandito. Mamaya pang 10 ang pasok ko.

"What are you doing here this early?" I asked Angelo then he shrugged his shoulder.

"Just pick you up, I guess?" he said in a cold tone with a shrug. Okaaayy, I think back to normal na naman ang abnormal na gangster na ito.

"Why don't you reply at my message last night?" pabulong na tanong niya sa akin habang naniningkit ang mga mata nang maupo ako sa tabi niya.

Kumunot ang noo ko pero nang mapagtanto ko ang sinabi niya biglang nanlaki ang mata ko.

"I-ikaw yung nagtext sakin kagabi?" tanong ko sa kanya ng nanlalaking mata. Grabe siya pala yun hindi ko alam na ang gangster,snob at masungit na lalaking ito ay magtetext ng ganun and take note may emoji. Iniimagine ko itsura niya habang nagtetext siguro poker face lang pero may kiss emoji hahaha. Ayan, di ko tuloy mapigilan ang paghagikhik.

"What's funny?"tanong niya sa akin habang nakakunot noo pero umiling lang ako baka magalit kapag nalaman niya nasa isip ko.

"Tss."sagot lang niya sakin sabay lahad ng kamay niya kaya nagtaka ako. "Your phone." pagpapatuloy niya sabay irap sakin. Tss, may pagkabakla pa yata tong abnormal na gangster na ito.

Ibinigay ko naman agad sa kanya yung phone ko habang nagtataka sa kanya. May kinalikot siya sa phone ko at pagbalik niya ng phone sakin, nagtaka ako kung anong ginawa niya. Bigla tumunog yung phone ko at pagtingin ko bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.

From:Your baby boy

Don't ignore my messages to you, my baby girl 😉.

Yan ang dahilan ng pagbilis lang naman ng tibok ng puso ko kaya natawa ako.

******

After namin kumain ay dumiretso na kami sa school sakay ng motor nila. Ako nakasakay sa motor ni Angelo at si Jans sa motor ni Rod sumakay, ayaw pa nga niya nung una matinding diskusyon pa ang ginawa nila na umabot na muntikan ng iwan ni Rod si Jans kaya wala siya nagawa kundi ang sumabay na lang dito.

Naglalakad ako ngayon papuntang cafeteria dahil lunch break na namin, nandun na kasi si Jans at ang mga kaibigan namin. May pinuntahan pa kasi ako sa library kaya nauna sila don. May humarang sakin na tatlong lalaki na may tattoo ng isang itim na dragon sa kanang braso nila at nakakatakot sila dahil parang may talim ang bawat tingin nila.

Lumapit sila sa akin at ngumisi ang isa na may mahabang buhok, lumunot ang noo ko parang pamilyar siya.

"Hi, are you Stacey Magnus?" tanong nung mahaba ang buhok.

"Ahh yes, bakit po?" inosente kong tanong sa kanila. Sino ba kasi sila?

Nagulat na lang ako ng hawakan nila ang braso ko at may nilagay sila na panyo sa ilong ko na siyang naging dahilan para mahilo ako. Makalipas ang ilang segundo tuluyan na ko nawalan ng malay.

Angelo's POV

Tapos na lahat ng klase at papunta na kami nila Sid at Rod sa classroom namin at dahil kasi excuse kami sa klase after lunch dahil marami pa kaming tinapos, susunduin namin sila Stacey. Napahinto kami nang matanawan namin si Jans kasama ng mga kaibigan nila na di mapakali kaya lumapit kami sa kanila.

"Hey, what's wrong?" si Rod na nagtanong dahil tinatamad ako magsalita at busy sa kahahanap kay Stacey.

"Where's Stacey?" I asked ng hindi ko mahanap ang stupid na babae.

"Ah yun nga ang problema, nawawala siya." si Micah na ang sumagot sa tanong ko dahil mukhang wala sa sarili si Jans.

"Huh? What do you mean?" nagtanong naman si Sid.

May inabot sa aking papel si Jans kaya kinuha ko ito at binasa ang nakasulat.

"Nakalagay yan sa ibabaw ng bag ni Stacey na naiwan sa hallway. Kaninang lunch inaantay namin siya sa cafeteria kasi nagpaiwan siya at nagpunta siya sa library pero tapos na ang lunch break wala pa rin siya. Habang naglalakad kami, nakita namin ang bag niya sa gilid ng hallway kaya kinuha namin at nakita namin ang papel na iyan kaya sa tingin ko may kinalaman yan sa pagkawala ng pinsan ko." Paliwanag ni Jans sa amin.

"Angelo hanapin mo ang pinsan ko kundi..." sinadya niyang putulin ang sasabihin.

"Kundi?" singit ni Rod

"Kundi puputulin ko iyang kailigayahan mo kapag may nangyari sa pinsan ko." sagot ni Jans at binatukan pa si Rod.

"Hoy, anong sinabi mo? At bakit mo ko binatukan?" napairap na lang ako sa dalawa kasi nagsimula na naman yang dalawa na iyan sa bangayan.

Angelo kung gusto mo iligtas ang girlfriend mo, alam mo na kung saan ka dapat magpunta.

-BDG

Nalamukos ko ang papel sa sobrang gigil at sinenyasan ko ang dalawa kaya alam na nila kailangan na nilang sumunod. Bago ko umalis ay tiningnan ko muna si Jans tsaka ako nagsalita.

"I promise ibabalik ko si Stacey. Trust me." tumango lang si Jans sa amin kaya tumalikod na ako at nagdiretso kaming tatlo sa HQ at tinawagan na nila ang buong gang.

"May bago tayong mission." sabi ko sa lahat at tumango lang sila.

The Gangster's Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now