Chapter 4 Rooftop Kiss

1K 54 0
                                    

Stacey's POV

Papasok na naman kami ni Jans, sana lang walang rebellion kaming makasalubong.

Ano ba kasi ang napasok namin, eto tuloy namomroblema kami kung paano iiwasan ang gang na iyon. Dahil sa mga iyon hindi na magiging normal ang colleg ko na akala ko sa highschool lang uso.

Pumasok na kami sa room at konti pa lang ang nandito dahil maaga pa naman kaya nakayuko at nakalagay ang kamay ko sa desk para maging unan dahil gusto ko maidlip, ang aga kasi kami ginising ni tita.

Hindi ko ilang minuto ang lumipas basta nagising na lang ako sa ingay. Inangat ko ang ulo ko at nakitang pumason ang sa tingin ko miymebro ng rebellion dahil sa dog tag na suot nila. Kasama sila nung sa cafeteria ng unang beses namin nakabangga ang rebellion at ang isa ay ang humarang kay Jans.

"Alis." Pagpapaalis kay Nick sa upuan niya nang lalaking humarang kay Jans kahapon.

"Si Rodney Ching pero Rod ang tawag sa kanya ng lahat ang maingay at funny pero madalas talaga korny, sadyang mataas lang ang confidence sa kanilang tatlong mataas ang ranking. Ang kasama naman niya ay si Sidriel Jimenez o Sid kung tawagin, ang kanang kamay at ang pinakabestfriend ni Angelo, minsan mabait pero kapag nagalit ay mas nakakatakot pa siya, pero sumusunod sa utos ni Angelo iyan. Sila ang dalawa na kasama sa top 3 ng rebellion kasama ni Angelo." Sabi ni Micah na siyang nasa tabi namin. So, Rod yung humarang kay Jans at tinawag niya na bakulaw at Sid ang pangalan ng nagtanong kung transferee kami dahil di namin sila nakilala.

"Teka, kaklase natin sila?" Tanong ko, bakit ang malas ko naman.

"Hindi niyo nakita ang master list ng block natin? Kablock natin sila." Sabi ni Micah, patay kami neto.

"WHAT?" Over nitong pinsan ko kung makareact at sumigaw pa. Napatingin sa amin yung iba namin kaklase dahil sa pagsigaw niya kasama ang dalawang rebellion. Nagpeace sign na lang siya at bumalik na sila sa ginagawa nila.

"Yup hindi lang sila pumasok kahapon dahil alam niyo na first day of school kaya may recruitment sila para sa mga gustong maging member."

Mayamaya lang pumasok si Annie yata iyon ang elected president kahapon. Sabi niya wala daw prof, 3 hours pa naman siya ang tagal namin magaantay para sa next subject. Maglalakad na muna ako para kahit sandali matahimik naman ang buhay ko.

"Hoy, babae san punta mo?sama ko."tawag ni Jans nang makita niya akong palabas nang room.

"Diyan lang magiikot at wag ka ng sumama dahil gusto ko ng tahimik na lugar."

"Grabe insan, ang harsh mo sa akin parang sinabi mong maingay ako." nakanguso pa niyang tanong kaya natawa ako.

"Tanong mo kaya sa sarili mo."sabi ko at lumabas na nang room pero bago iyon ay sumigaw siya.

"Grabe ka hoy Stacey!" ang ingay talaga.

Naglalakad lang ako nang naglalakad kahit di ko alam kung saan ako pupunta dahil malaki itong campus. Nakakatakot dito lalo na sa nalaman namin tungkol sa gang na iyon.

Sa paglalakad ko di ko napansin na ang taas na ang naakyat ko at di ko namalayan na nasa rooftop pala ako.

Angelo's POV

Naglalakad na kami papasok sa classroom dahil di kami nakapasok kahapon. Nakita ko si Julie na naglalakad ang ex kong niloko ako, pasalamat siya di ko sila pinakialaman dahil may plano pa ako sa kanila kasama ang lalaki niya. Tss.

"Bro, si Julie oh. Ang kapal na mas makapal sa makeup niya." Sabi ni Rod

"Nakikita nga niya." Sagot naman ni Sid.

The Gangster's Girlfriend (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя