Chapter 10 Black Dragon Gang

868 44 0
                                    

Angelo's POV

Huminto ang motor namin sa tapat ng isang abandonadong building.

"Tingin niyo nandito sila?" Tanong ni Sid

"Ayon sa source sa hide out ng BD gang lang magaganap ang transaksyon." paliwanag ni Joshua.

Nandito kami sa hide out o kuta ng BD gang at totoo na delikado dito.

Ang black dragon gang ang namumuno sa underground society ngayon. Masama. Yan ang BD gang na pinamumunuan ni Redson Vallejo. Sangkot ang gang na ito sa iba't ibang illegal na transaksyon. Marami sa society na hindi gusto ang ginagawa nilang illegal. Tinutulungan namin ang society para tumigil na ang gang na ito sa kanilang gawain.

Dahilan para ang Rebellion at BD ay naging mahigpit na magkalaban, at alam ko mula pa kay daddy nang hawak pa niya ang rebellion at si Reiji Vallejo na ama ni Redson ay mahigpit nang magkalaban. Gusto ng society, mapabagsak namin sila at ang Rebellion na ang mamuno dahil naniniwala ang society na kaya namin pamunuan ang gangster world.

Pero sadyang malalakas ang Black Dragon gang dahil sila  may mga ally sila na galing sa ibat ibang sindikato o mafia hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Kaya alam namin mahihirapan sila kaya nga pinipilit ni Dad na magawa ko ang misyon ko. Hanapin ang anak ng kaibigan niya na may hawak nang bagay na makakapagpagsak kay Vallejo.

Stacey's POV

Pagbaba namin ng taxi nagtago kami sa may likod ng isang malaking drum dito sa isang abandonadong building.

"Pinsan, ang creepy dito. Akala ko sa movies lang na kapag bad guys sa lumang building ginagawa pati rin pala sa real life." Takot na sabi ng pinsan ko pero nilagay ko ang hintuturo ko sa ilong para patahimikin siya.

"Sshhh. Baka may makarinig" sabi ko pero halos mapasigaw kami kung hindi lang namin tinakpan ang bibig namin nang may narinig kaming putukan.

"Pinsan, tara na mukhang may gulo, may nagbabarilan na." Sabi ni Jans at hinatak ako pero di ako nagpatinag diretso lang ang lakad ko nang dahan dahan.

"Stacey..." pabulong na pasigaw na tawag ni Jans sa akin pero di ko pa rin siya pinansin.

"Damn you, Red what is this? You traitor." Rinig kong sigaw ng isang matandang lalaki at mukhang foreigner na may hawak na baril at nakatutok sa isang lalaki na kulay pula ang buhok at tantya ko konti lang ang tanda sa akin. Napansin ko ang dragon na tattoo sa kamay niya.

"Mr. Smith, I don't know what is happening?" Sabi ng lalaki na tinutukan ng baril dun sa kaharap niya.

"Dave, tingnan mo kung ano iyon." Utos niya na sa tingin ko ay tauhan niya.

Ilang minuto lang nakarinig ulit kami ng putok ng baril kasabay ng pagdating ng Dave ang pangalan.

"Boss, Rebellion." dahil sa sinabi niya nagkatinginan kami ng pinsan ko. Biglang ngang dumating ang rebellion sa pangunguna ni Angelo. Sinasabi ko na nga ba, basta gangsters magkakakilala.

"San Diego, why now? Can't you see I'm busy." sabi nung Red ata pangalan kay Angelo na nakangisi na.

"Oh Vallejo sorry for an interruptions but I don't care I just want to play." nakangisi pa ring sabi ni Angelo.

Mayamaya lang di namin namalayan nagkakagulo na pala sila at ibat ibang putok ng baril. Pukpukan ng tubo at kahoy sa ulo. Napatakip kami ng tenga habang nakapikit ng mariin.

"Huli kayo. Sino kayo at anong ginagawa niyo dito?" Sabi ng lalaking mataba sa amin at bigla kaming hinatak patayo kaya napadilat kami.

"Ano ba tabatchoy. Bitawan mo nga kami. Ang baho mo pa." reklamo ni Jans habang nagpupumiglas. Tahimik lang ako at kinakalkula ko ang pangyayari. Hindi dito ang magiging kamatayan ko kung may kinalaman man sila sa pagkamatay ng mga magulang ko. Handa kong ilabas ang pinilit kong itago kung kinakailangan para lang maprotektahan ang pinsan ko.

"Tumahimik ka babae kung ayaw mong iputok ko sa inyo ito." Sabi nung lalaki sabay tutok ng baril sa ulo namin kaya tumahimik na lang si Jans.

Nakita namin ang biglaang pagtigil ng dalawang lalaki na lider ng dalawang grupo. Si Angelo at isa pang lalaki na Red daw ang pangalan.

"Boss, magandang regalo, ang puti at makinis, jackpot ito." nakangising sabi ng lalakeng mataba na hawak ang magkabilang braso namin ni Jans. Kadiri ah pinagnanasaan kami ng panget na ito.

"Who are they?" Red yata ang pangalan habang may hawak na baril at nakatutok kay Angelo. Bigla ako kinabahan sa pwedeng mangyari. Oras na iputok mo iyan pulang buhok sisiguraduhin kong di ka na sisikatan ng araw. Madiin kong sinara ang kamao ko, inaantay na may gawin siyang mali.

"Ah di ko nga alam boss. Tingin ko nagtitiktik sa atin o kasama niyang bespren mo." sabi pa nung lalaki.

"Kasama mo sila?" Baling nung Red kay Angelo.

"No, I don't know who are they?" Sabi ni Angelo kaya napakuyom ang kamao ko.

"Oh really? Kayo dalhin niyo ang dalawang iyan sa kwarto ko at tatapusin ko lang ang laban na ito. Mamaya sila naman ang titikman ko." Nakangising saad ni Red. Kinilabutan ako don ah.

"H-hoy ano? Bastos ano ba pakawalan niyo nga kami." sabi ko at nagpupumiglas na kami kung hindi kami tutulungan ni Angelo. Kami ang gagawa ng paraan para makatakas. At ang sakit ng braso ko sa higpit ng hawak ng panget na ito. Akmang tatapakan ko ang paa ng lalaking may hawak sa akin nang may isa pang lalaking nagsalita at pumasok.pp

"Boss, pulis. May dumating na mga pulis." Sabad ng isang lalaking kapapasok lang.

"Ano? D*mn ano pang tinatayo niyo dyan. Sibat, tara na." Sabi nung Red at bigla na lang silang nagtatakbo.

Hahablutin pa sana kami ng mga lalaking panget nang bumagsak na lang sila at nakita namin na nakahandusay na silang lahat. May humila ng braso ko at itinakbo palabas. Magpupumiglas pa sana ako dahil sa masakit na ang braso ko nang luwagan niya ang paghawak.

"Sakay." Sabi niya at iniabot ang isang helmet sa akin.

"Pero si-"

"Kasama na ni Rod yung pinsan mo kaya bago pa tayo mahuli sumakay ka na." Putol ni Angelo sa sabihin ko kaya sumakay na lang ako.

Pagbaba namin ng motor nakita ko nasa isa kaming parang antigong mansyon. Pumasok kami doon at sinalubong kami ng mga katulong.

Hinubad ni Angelo ang suot na black jacket at umupo sa couch. Sinenyasan niya ako na maupo sa tabi niya kaya umupo din ako. Hindi ako nagsasalita at ramdam ko pa rin ang kirot nang itanggi niya kami.

Ilang minutong katahimikan bago ko narinig ang pagtigil ng mga motor at mga yabag patungo sa sala.

"STACEY!!" rinig kong sigaw ni Jans.

"Noisy woman." reklamo naman ni Rod nang makapasok na sila.

"Pake mo bang bakulaw ka ha?" bulyaw pa ulit ng pinsan ko at susugurin pa sana niya si Rod ng humarang na si Sid.

"Will you please just shut up the two of you? Kanina pa kayo na nagaaway sa motor pa lang at muntik na nga kayong sumemplang sa pagaaway." awat ni Sid at tumawa naman ang iba pa nilang kasama.

"Tapos na ba kayo? Maupo na kayo." Singit ng kanina pang tahimik na si Angelo. Naupo na silang lahat sa couch at nakatingin sila sa amin ni Jans na parang may kasalanan kami.

"The two of you. What.are.you.doing.there?" Tanong ni Angelo na nakatitig sa aming magpinsan.

Uh oh.

Mukhang yari kami ah. Nakayuko lang ako at hawak ko ang mga daliri ko. Takot na tumingin sa nagbabaga niyang mga mata. Pero bigla ko ring inangat ang mukha ko.

"You." dinuro ko siya kaya tumaas ang kilay niya. "You said you don't know us. Did... Did you really let us die with them? We're scared but you don't give a damn." naluluha kong sabi at nakita ko ang paglambot ng mukha niya.

"Damn, why did the table turns?" bulong niya at lumapit sa akin para hawakan ang kamay ko at yakapin.

The Gangster's Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now