Chapter 9 Journal

896 38 0
                                    

Stacey's POV

One week.

One week na ako sa EU. One week na rin ang nakalipas magmula nung makilala ko ang mga gangster na iyon. At one week na rin akong girlfriend ng gangster.

Nandito kami sa bahay dahil wala akong pasok at kasama ko si Jans sa kwarto namin.

"Ang boring, Stace." bored na sabi ni Jans pero di ko siya pinansin.

"Tara mall tayo. Ano ba kasi ginagawa mo diyan?"tanong niya dahil may hinahanap ako sa mga gamit ko.

"Ano ito? Journal?" Tanong ko sa sarili ko nang may makita ako na isang itim na notebook.

"Kanino iyan?" Tanong sa akin ni Jans ng makalapit siya.

"Dala ko galing sa gamit ni papa." sabi ko at pinagmasdan mabuti iyong notebook.

Isa siyang itim notebook na sakto ang laki at may nakasulat na M&SD na malaki sa gitna. May nakaipit na parang susi sa loob at pagbukas ko tumambad ang maraming pangalan na di ko kilala. Pero ang pumukaw ng atensyon ko ay ang nagiisang pangalan na parang di pangalan ng tao kundi isang gang.

Black Dragon Gang.

"Vallejo? Sino sila?" tanong ko sa sarili habang nariing nakatitig sa pangalan na nakasulat. Parang pamilyar ang pangalang ito, I think I heard it somewhere.

"Black Dragon Gang? Ano iyan gang? Ano, gangster na naman ba? Puro gangster na lang at sino yang Vallejo na iyan?" Naguguluhang wika niya kahit ako naguguluhan din.

"Alam ko na." biglang sabi ni Jans kaya napalingon ako sa kanya.

"Ano?" Tanong ko pero ngumisi siya.

"Puntahan natin iyang address na nakalagay. Malay mo iyan ang susi sa matagal mo nang paghahanap sa mga pumatay sa mga magulang mo." Suhestyon niya kaya napaisip ako papaano kung tama siya? Magaling sa paghahanap ng clues si Jans kaya gusto niya maging detective nung una pero di siya pinayagan ni tita. Namana niya ang dugong detective sa papa niya kasi detective si tito Janno.

"Sige puntahan natin mamayang gabi. 10 pm tayo aalis dahil tulog na sila." Sabi ko sa kanya

"Game, excited pa naman ako. Pwede nang pantanggal boredom." napailing na lang ako, kahit kailan napakadventurous niya. Ang dami nga niyang listahan ng balak puntahan at gawin kapag nag asawa na raw siya at gusto niya maging travel buddies sila. Goodluck nalang sa magiging future husband niya.

Pagkatapos namin maghapunan nagshower at nagbihis na kami para maghanda sa pagalis namin mamaya. Inilagay ko na rin ang journal sa bag ko.

Tiningnan ko yung wrist watch at 8 pm pa lang kaya may 2 hours pa kami at sure ako na naghuhugas pa ng plato si tita kaya gising pa iyon.

"Ready ka na?" Tanong ko sa kanya habang nagsasapatos, pagkalipas ng dalawang oras. Simple black t-shirt lang ang suot namin at jeans para di halata sa gabi tsaka syempre rubber shoes na black.

"Oo, ikaw? Ano tara na?" Aya niya kaya tumayo na kami at dahan dahan na kaming lumabas ng bahay. Nagtago kami sa may vase nang lumabas si Tito Janno at may dalang kape at dessert sa plato. I'm sure may kaso na naman siyang nilulutas at hindi siya matutulog.

Naglakad na kami ng pumasok na siya sa kwarto nila Tita. Nagmamadaling tumakbo kami palabas ng gate. Sumakay lang kami ng taxi paglabas papunta sa lugar na nakalagay na address.

Angelo's POV

"May malaking transaksyon ng mga illegal na armas na naman ang Black Dragon at sigurado ako na dawit na naman ang traydor sa society dito dahil di man lang nila nalaman ito." paliwanag ni Sid. Nagkuyom ang kamao ko.

"Talaga naman ang pasaway ng Black Dragon gang, wala nang ginawang tama kundi puro illegal." Komento naman ni Rod

"Angelo ano ang plano?" Tanong ni Joshua sa akin.

"Go and ready. Pipigilan natin sila." Sabi ko

"What? Teka kaya ba natin sila malakas ang BD gang master." sabi ni Samuel kaya napangisi akong humarap sa kanya at mariin siyang tinitigan. Lumaki ang ngisi ko nang umiwas siya ng tingin.

"Malakas din naman tayo. Remember, San Diego Mafia is with us." Sabi ni Sid.

"Yeah, pero hindi pa rin tayo dapat magpadalos dalos sa gagawin. Kailangan maging maingat." seryosong sabi ni Rylan.

"So rock and roll." napailing na lang ako, kalokohan talaga ni Rod kahit nasa seryosong sitwasyon di mapipigilan.

"Let us settle this. In 10 minutes be ready and prepare yourself, we will stop them." Pahayag ko at tumayo na para maghanda.

Tsk. Tsk. Black Dragon Gang di na talaga nadala. Let's see and wait for another war.

Ang Black Dragon Gang ay matagal nang kalaban ng gang namin pati ng mafia. Kilala sila bilang sakit sa ulo ng gangster society kaya kami ang inatasan para pigilan sila.

After 10 minutes.

"Master, ready na ang lahat sa pagpunta natin sa BD headquarters at sirain ang transaksyon nila." Sabi ni Samuel sa akin kaya napalingon ako sa kanya.

"Good. Let's go" sabi ko kaya sumakay na kami sa kanya kanya naming motorsiklo.

Huminto muna ako ng tumunog ang cellphone. Napakunot noo ako ng makitang umalis sa bahay nila si Stacey. Saan na naman ba nagpunta ang babaeng iyon? Naglagay ako ng camera sa bahay nila dahil may nararamdaman akong kakaiba sa babaeng iyon at aalamin ko iyon. May tracker din sa phone niya na palihim kong nilagay.

Ramdam ko that she's not an ordinary kahit si Sid ay may kakaibang nararamdaman sa babae. Para bang may itinatago siya sa loob niya at hindi pa lang niya inilalabas.

She's no ordinary woman. She's something I need to know. Someone might be harmful or helpful for me.

The Gangster's Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now