Chapter 18 Mission

820 37 0
                                    

Angelo's POV

Nandito ako ngayon sa mansyon at nakaupo sa sofa sa opisina ni daddy habang siya nakaupo sa swivel chair niya.

"Angelo, naririnig mo ba ako? We need to find her, I'm sure na nasa kanya ang journal ni Sandro." sabi ni daddy nakatingin lang kasi ako sa kanya na parang naiinip kasi namimiss ko na si Stacey at isang linggo na kaming di nagkita. Kahapon nagpunta ko sa kanya pero saglit lang ni hindi nga ako nagpakita tinext at binulungan ko lang siya after that umalis na ko baka kasi pag nagtagal pa ko malintikan naman ako dito kay daddy.

"Yes, Dad I hear you. But where the hell did I find that girl?" tamad kong sabi kay daddy, si Ramon San Diego habang nakatanaw ako sa bintana.

"That's why, I gave you that task for you to find her. Isa itong malaking sikreto, son at walang kailangan makaalam at ang gusto ko protektahan mo siya dahil sigurado ako kung hawak niya ang journal ng kanyang ama nasa panganib na ang kanyang buhay."

"Dad, I know at paulit ulit mo na ito sinasabi mula pagkabata ko pa lang na I need to protect her, kahit ako gusto ko muli makita at makausap si Chacha. Pero hindi ko alam kung saan ako maguumpisa sa paghahanap, lahat na ng sulok sa Maynila hinanap ko siya pero di ko siya makita dahil di ko alam kung anong itsura niya ngayon." mahabang paliwanag ko kay daddy paulit ulit na lang kasi siya nakakarindi na. Tsk.

"Start in their hometown Lipa, Batangas. Here is the address and find the daughter of Sandro and Xena Magnus. Angelo, that's your mission." nagulat ako sa sinabi ni daddy hindi dahil sa kinakailangan ko pang magpunta ng Batangas kundi sa sinabi niyang apelyido nila Tito Sandro, Magnus pala ang apelyido nila. Napakapamilyar ng surname nila.

Kinabukasan maaga akong gumising dahil pinayagan ako ni daddy pumasok sa school muna bago ako pumunta ng Batangas sa long weekend. Thursday ngayon at Friday bukas at holiday kaya tatlong araw walang pasok. Aayain ko sana ang RB gang na sumama at siyempre kung pwede isama ko si Stacey dahil namimiss ko na siya. I don't know why pero sa tuwing maglalapit kami di ko mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko and I know it looks like a gay but who cares may gender ba pag tumibok na ang puso? Habang nagshoshower ako di ko mapigilan ang pagngiti ko na parang baliw habang naiisip siya.

"Wow, si master namaligno yata, aga na gumising nakangiti pa and I smell something." nagulat ako sa biglang nagsalita at pagtingin ko si Rod lang pala kasama si Sid na as usual poker face pa rin. Hindi na ko nagulat ng binatukan ni Sid si Rod kaya natawa na lang ako sa dalawa.

"G*go naligo ako kanina baka sarili mo naamoy mo." di ko mapigilan tumawa Lalo sa kanila ng kumamot bigla si Rod sa ulo niya kaya napatingin ng sabay sa akin yung dalawa.

"Eh, hindi naman ikaw naamoy at wala akong naamoy na mabaho." depensa ni Rod

"Ano yung naamoy mo?" tanong sa kanya ni Sid na nakakunot ang noo. Nagulat ako ng tumingin sa akin si Rod na may nakakalokong ngisi.

"I smell something in love~~~" kinanta pa ng mokong ang huling salita. Napailing na lang ako at pumunta sa kusina.

"Manang where is my key?" hanap ko sa mayordoma namin na may hawak ng susi ko ng motor.

"Ay ser sandali lang po kunin ko lang po." sabay alis niya at pagbalik niya inabot na niya yung susi sa akin. Tumalikod na ako at akmang lalabas na ng tinawag ulit ako ni manang.

"Young master di po ba kayo kakain ng breakfast niyo? Nagluto po ako." lumingon ako kay manang at tipid na ngumiti.

"Salamat manang pero sa labas na lang po ako kakain nagmamadali po ako eh sige po bye." paalam ko sabay halik sa ulo niya. Si manang kasi ang tumayong ina ko simula nung mamatay si mommy nung bata pa ko kaya mahal ko yung yaya ko.

The Gangster's Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now