Chapter 32 Ice Alvarez

756 39 1
                                    

Stacey's POV

Lahat masaya at nagkakatuwaan habang nasa bonfire kami. Pagkatapos namin kainin ang pagkaing hinanda nila pumwesto na kami sa bonfire at nag-ihaw lang kami ng marshmallows, bbq, at hotdog habang nagkwentuhan.

"Stacey" napaangat ako ng tingin ng tumabi sa akin si Jans tsaka sinandal ang ulo niya sa balikat ko.

Parang kapatid na ang turing ko dito simula pagkabata lagi na kami magkasama at di na mapaghiwalay tapos nagtatampo siya noon sa tuwing hindi kami nakakapagbonding tuwing pumupunta sila Gelo sa probinsya. Pero hindi talaga sila nagkakakilala dalawa noon dahil sa tuwing pupunta sila Gelo sa amin umaalis naman sila kasama si tito kasi kapag nadedestino sa ibang lugar.

"Stacey masaya ka ba?" napalingon ako sa kanya dahil sa tanong niya.

Ang boys nasa kabilang side at nagiinuman, kami naman girls magkakasama din sa isang pwesto at kumakain ng mga inihaw ng boys kanina. Sila tito Janno at tita Merlie nagpahinga na sa kwarto nila at si tito Ram naman umuwi muna ng Manila dahil may aasikasuhin daw muna pero bukas babalik daw siya dahil may sasabihin siya.

"Hmmm" tumango na lang ako sa tanong niya.

"Kita ko nga at as long as masaya ka wala na kong hihilingin pa. Dati ang wish ko lang makamoveon ka sa pagkamatay ng parents mo pero ngayon sobra pa ang nangyari sa iyo hindi ka lang nakamove on, nahanap mo pa yung taong labis na magbibigay sa iyo ng kaligayahan." napangiti na lang ako sa tinuran niya, sa totoo lang ang gaan sa pakiramdam yung ganito puro saya pero at the same time natatakot ako kasi last time na naging masaya ako may mga taong nawala sa akin.

Ang saya ko pa bago mamatay ang mga magulang ko nun, umalis kami at pumunta sa park tsaka naglaro, kumain ng ice cream at pinagtripan namin ni mama si papa kasi tinaguan namin siya. Masaya alalahanin yun pero masakit din kasi ang alaalang yun ay hanggang alaala na lang dahil wala na sila mama at papa.

Napatingin ako kay Angelo na nakikipagkulitan habang parang inaasar nila si Rylan na tahimik lang. Ano pa nga ba ang ikakatakot ko kung kasama ko ang lalaking alam kong kaya akong protektahan at ang kanyang gang hindi man naging maganda ang simula namin lahat pero sa huli naging masaya at nagkukukulitan pa rin. Kahit inaasar nila ako at pinahirapan nila, lahat sila naging importante na sa buhay ko. 

"Ikaw Jans, masaya ka ba?" balik tanong ko sa kanya kaya siya naman ang lumingon sa akin ng nakangiti.

"Masaya, well tingin ko masyadong understatement yung masaya kasi nakikita ko na masaya ka okay na ako dun." nakangiti niyang sabi at napatingin siya dun sa mga lalaking nagkukulitan pero nakita ko ang lungkot sa mga mata niya nang mapatingin din si Rod sa kanya ng malungkot.

"Kamusta kayo ni Rod? Alam ko kung anong nararamdaman mo at ganun din siya, bakit niyo pinahihirapan pa ang sarili niyo?" pagtatanong ko pa.

"Stacey, sinabi ko na hindi kailangan na kapag gusto niyo ang isa't isa ay pwede na dahil marami pa ring iconsider like nung sinabi mo sa akin nang itinatago mo at dinedeny ang feelings kay Angelo. Aaminin ko mahal ko na siya pero ang tanong kaya niya ba ko ipaglaban?" nalito ako sa mga sinabi niya at di maintindihan pero ngumiti lang siya.

"Robby ano ba talaga ang meron sa inyo ni Sid?" narinig ko naman na tanong ni Micah.

"I love him and I don't know if he loves me but I leave him and he hates me now." simpleng sabi ni Robby kay Micah.

"Waaah, mukhang malaking history ang meron sa inyo ng pinakamasungit na rebellion." singit ni Jans sa kanila kaya nagkatawanan na lang kami.

"Eh sa inyo cousin goals din ang mainlove sa gangster?" hirit naman ni Robby kaya natawa kami.

The Gangster's Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now