Chapter 11 Ramon San Diego

850 38 0
                                    

Stacey's POV

Angelo was still glaring us. Mga isang oras yata siyang nakatitig sa aming magpinsan and I swear ang sama niya makatingin.

Nakayuko lang kami ng pinsan ko habang tinititigan niya kami. Nakakatakot siya. May bigla na parang ang itim ng aura na bumalot sa amin. Pero bigla ko ring inangat ang mukha ko.

"You." dinuro ko siya kaya tumaas ang kilay niya. "You said you don't know us. Did... Did you really let us die with them? We're scared but you don't give a damn." naluluha kong sabi at nakita ko ang paglambot ng mukha niya.

"Damn, why did the table turns?" bulong niya at lumapit sa akin para hawakan ang kamay ko at yakapin. "I'm sorry..." bulong niya.

Nagulat na lang kami nang bumagsak sa harap namin si Angelo. Halos mapatili pa nga si Jans nang bumangon siya ay nakita kong may dugo sa labi niya.

"Angelo, what are you doing? Bakit pumalpak ang matagal na plano niyong mahuli si Vallejo?" Sigaw ng isang lalaki na kamukha ni Angelo may edad na pero di maikakaila ang kagandang lalaki sa kabila ng edad. Parang pamilyar ang mukha niya, I think nakita ko na siya.

Kung kanina akala ko si Angelo na ang pinakanakakatakot kung ganon nagkakamali ako. Itong lalaking nakatayo sa harap namin ang pinakascary.

"Dad!" tawag ni Angelo, so daddy niya ito walang duda magkamukha eh.

"Couz, I think that is Ramon San Diego ang dating lider ng rebellion." Bulong ni Jans sa akin kaya siniko ko siya at sinenyasan na manahimik.

Napatingin tuloy sa amin yung daddy ni Angelo. Nakakatakot at nakakakilabot kaya di namin naiwasan mapaatras ni pinsan. Pamilyar talaga siya.

"And what is that two girls doing here in my mansion?" nakakatakot na tanong niya at boses pa lang aatras ka talaga. Naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa kamay ko at kay Angelo na siyang humawak sa akin kaya dun ko lang namalayan na nanginginig na pala ako sa takot.

"Dad-" naputol ang kung anong sasabihin ni Angelo nang magsalita si Diego. Psh.

"Sila po tito ang dahilan kung bakit kami pumalpak. Tumawag sila ng pulis" What? Anong sinasabi ng unggoy na ito?

"Diego!" pigil ni Sid

"What? I'm just stating the fact" katwiran pa niya. Epal talaga ito. Wala naman kaming ginagawa.

"Diego, we know that is not true-" naputol ang sasabihin ni Sid ng may umepal na naman.

"What now? We know what happened earlier. Una, bigla silang lumabas sa kung saan hawak ng BD kaya muntik na mapahamak si Angelo. Sige sabihin mo sa amin na hindi sila tumawag ng pulis." Sabat ni Diego

"Traydor. May traydor sa grupo." Singit bigla ni Rod na kanina pa walang kibo, nakakapanibago ang pagiging seryoso niya at tumingin siya kay Samuel.

"What? Traydor? Sino naman, ha? Eh diba nga nahuli na si Jack at nakakulong sa hide out? " Tanong ni Diego.

"Angelo, nagkamali tayo." sa sobrang seryoso ni Rod ay nakakapanibago.

"Tama na iyan. Dad aalis na kami. Sorry, I promise aayusin ko ito at sisiguraduhin kong mahuhuli ko ang BD Gang." awat ni Angelo at tumingin sa akin kaya yumuko na lang ako.

"Siguraduhin mo lang Angelo. Sige na umalis na kayo bago pa magdilim ang paningin ko" sabi ng daddy ni Angelo at pumasok na sa isang kwarto.

"Sige na umuwi muna kayo. Rod isabay mo si Jans at ako na magsasabay kay Stacey." Sabi nitong katabi ko.

"Sige" sabi ni Rod at tumayo na sila ni Jans tsaka lumabas.

Tumayo na rin kami ni Angelo habang nakayuko ako. Nahihiya talaga ako kasi dahil sa amin napagalitan siya ng daddy niya.

"Angelo, hindi kami ang tumawag ng pulis." sabi ko habang naglalakad paounta sa motor niya. Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya.

What have we done? Gaano kalaki ang perwisyo ang nagawa naming magpinsan? Ganon ba kaseryoso ang lahat? Tinitigan niya muna ako bago bumuntong hininga.

"Are you okay? Did you hurt? Did I need to bring you to hospital?" sunod sunod niyang tanong pero umiling ako. Napansin kong para siyang nalahinga ng maluwag bago tumango.

Nakarating na kami sa bahay at nakita ko yung motor ni Rod sa labas, nandito na rin pala sila. Pababa na ako sa motor ni Angelo ng hinawakan niya yung kamay ko.

"A-angelo..." sabi ko, kinakabahan ako kaya di ako makatingin ng diretso sa kanya. Baka magalit na siya dahil sa pasaway ako. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya kaya nahihirapan akong tumingin kahit hawak niya ang mukha ko.

"Look at me." sabi niya sa malambing na boses kaya unti unti akong napatingin sa kanya at nakita ko sa mga mata niya ang puno ng pagaalala.

"Are you okay? Does it hurt? I'm sorry dahil nadamay kayo." Sabi niya na parang pagod.

"No, Angelo it's my fault kasi kung hindi kami nagpunta doon hindi sana kayo muntik mapahamak. Sorry, hindi ko man alam kung gaano kalaki ang ginawa naming pagkakamali. Patawad dahil masyado lang kaming nakialam." Sabi ko at biglang yumuko. Pero nagulat ako ng iangat niya ang mukha ko at bigla akong yakapin. Nang bumitaw na siya ay tumitig siya sa akin.

"No it's not like that. I'm damn worried about you. You maybe hurt there and please don't do this again. By the way, what are you doing in that place with your cousin?" patay ano sasabihin ko. Hindi ko pwede sabihin ang tungkol sa journal ni papa.

"Ah eh.."

"Stacey." napatingin ako sa likod ko ng may tumawag at nakita ko si tito Janno.

"T-tito..." bigla akong kinabahan nang makita ang seryosong tingin ni Tito ko.

"Sino siya? Bakit di mo papasukin? Kabastusan ang ganyan, sa labas mo lang siya kinakausap. Tara sa loob." Aya ni tito kaya inaya ko na rin si Angelo pumasok. Napatingin ako kay Angelo at talagang lagot kami nito.

Ano na lang ang ipaliliwanag ko? Na hating gabi at kasama pa namin ang 'kaibigan' namin.

The Gangster's Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon