Chapter 3 Rebellion

1K 52 0
                                    

Stacey's POV

Naglalakad na kami ni Jans papunta sa classroom namin. Ang laki ng school na ito nakakahilo kaya di pa namin nahanap ang room 301A.

"Pinsan, are you alright?" Jans asked me out of nowhere.

"Yeah, iniisip ko lang kung sino kaya sila, kung makaasta parang hari?" Sabi ko at nagkibit lang ng balikat ang kasama ko.

"Tama ka ang yayabang at bully pa, akala mo sila na ang pinakagwapong nilalang lalo na yung lalaking bakulaw na humarang sa akin. Urgh. I hate him." Sabi niya na may halong irita sa boses. Ganyan yan kapag naiinis talagang sasabihin ang nasa isip niya kaya tinawanan ko na lang siya.

"Hey."

Napalingon kami sa tumawag kahit di kami sigurado kung kami nga ang tinatawag. Nakita namin ang babae kanina sa cafeteria na mahaba ang buhok at maganda na nakangiti sa amin.

Tinuro ni Jans kaming dalawa na parang tinatanong kung kami nga ang tinawag niya. Tumango ang babae at ngumiti, infairness ang cute niya kasi may dimples.

"Yeah, the two of you. Ang galing niyo kanina ah, ang tapang. Kung sabagay bago lang kayo kaya di niyo pa kilala ang mga iyon." Sabi niya nang makalapit na siya sa amin.

"Ha? Bakit sino ba ang mga gangster na iyon?" Tanong ng pinsan ko, ngumiti naman ang babae.

"Ako nga pala si Micah Tan." Sabay lahad ang kamay niya. Tinanggap naman namin iyon at nagpakilala.

"Mary Jans Chavez, but you can call me Jans." Jans replied.

"Stacey Magnus, we're cousins." Pagpapakilala ko at ngumiti kaya ngumiti din siya.

"Nice to meet you Jans and Stacey and welcome to Emerald University." Sabi niya at ngumiti na naman, pansin ko lang panay ang ngiti niya.

"And by the way, anong course niyo at section. Freshmen din kayo diba?"tanong niya.

"Business Ad kami major in marketing, MM1A ang section namin pareho." sabi ni Jans at tumango naman ako

"Talaga?eh di blockmates pala tayo tara sabay na kayo sa akin." Sabi niya na halatang excited.

Naglalakad kami papunta sa klase namin pero napansin ko lang kanina pa kami pinagtitinginan. Wow ha, first day ay instant celebrity agad kami.

"Pansin niyo ba pinagtitinginan tayo ng mga tao?" Inunahan na ako ni Jans na magsalita.

"Ah baka dahil sa eksena kanina kasi kahit kalian walang naglakas ng loob na kalabanin ang rebellion at kay Angelo." Paliwanag ni Micah. Ha? Anu daw? Rebellion?

"Rebellion?" Sabay na tanong namin ng pinsan ko. Tumango siya.

"Oo, rebellion ang tawag sa gang nila at yung kanina na natapunan mo ng juice ay si Angelo ang lider nila. Mamaya ko na ikwekwento pagbreaktime dahil late na tayo." Sabi ni Micah at nagmadali na nga kami maglakad papasok sa classroom.

Pagpasok namin sa amin pa rin ang tingin nila, sa totoo lang nakakailang na kung saan kami pumunta ay sinusundan kami ng tingin. Ganun ba talaga kasikat ang nga gangster na iyon?

Tinawag kami ni Micah at nakita namin siya sa likod kaya pumunta kami doon.
Dumating na ang professor namin at nagorientation lang muna ng 45 minutes at dinismiss na kami dahil first day of school pa lang naman kaya di muna nagturo. As usual kahit dito sa Manila ay tamad ang mga professor magturo sa unang araw ng klase.

**

Nandito kami ngayon nila Jans at Micah sa may likod ng campus sa garden at nakaupo sa isa sa mga bench kasi sabi ni Micah may aantayin pa raw kami.

The Gangster's Girlfriend (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя