Chapter 22 The Truth

901 50 2
                                    

Stacey's POV

Pagkatapos ng kiss at titigan namin dalawa kanina sa may tabing dagat ay hinatak niya na ko pabalik ng villa. Hanggang ngayon di ko alam kung para saan yung kiss na iyon kasi wala siyang sinabi after that. Basta tumalikod lang siya at hinatak yung kamay ko kaya eto na ko nakaupo sa couch habang may malalim na iniisip.

"Stacey, let's go, dinner time na. Magbonfire na rin daw tayo pagkatapos." bungad ni Jans pagkapasok niya sa kwarto namin.

"Wala kong gana, mauna na kayo." ewan ko ba kung bakit ako nawalan ng gana after ng kiss siguro kasi wala siya sinabi o ipinaliwanag sakin. Akala ko mga babae lang mahilig sa mind games pati rin pala lalaki. I know may fake relationship kami pero pati ba ang kiss may fake na rin?

"Anong walang gana, wag kang kj nandito tayo para magsaya hindi para magmukmok kaya tumayo ka na dyan at magbihis." hatak pa rin niya yung kamay ko.

"Sige na susunod na ko."

"Okay" pagkatapos nun umalis na siya at iniwan akong mag isa kaya tumayo na ko at kumuha ng damit para magbihis. Habang hinahanap ko yung damit ko nakita ko yung notebook ni papa, nadala ko pala ito. Binuksan ko ito at may nahulog na litrato kaya tiningnan ko ito at parang pamilyar yung lalaki na nasa picture na kasama ni papa.

Angelo's POV

Nandito kami ngayon sa dining area para magdinner pero wala pa si Stacey. Sabi ni Jans susunod raw si Stacey dahil magbibihis muna ito pero may isang oras na di pa siya bumababa, matatapos na yung pagkain namin.

Nagpahanda na lang ako ng pagkain at dinala paakyat sa kwarto nila, siguro nagalit siya kasi hinalikan ko siya kanina. Hindi naman kasi ako nakapagpigil, nadala lang ako ng emosyon ko nang hindi naiisip ang nararamdaman niya. Sa totoo lang di ko alam kung ano na itong nararamdaman ko simula ng makilala ko siya di na niya pinatahimik ang isip ko. Ayaw ko mang aminin pero mahal ko na yata ang baby girl ko.

Kakatok na sana ko ng makita kong bukas ang pinto kaya kumunot ang noo ko, pano kapag may ibang pumasok dito at mapahamak siya? Tsk, masyado kasing careless eh.

Pagpasok ko nakita ko siyang nakaupo sa sahig habang nakasandal sa kama at mukhang umiiyak. Parang dinudurog ang puso ko kapag nakikita ko siyang umiiyak.

"Hey, baby girl what's the problem." I asked her habang pinupunasan ko ang mga luha niya at tumabi sa kanya. Nakita ko naman na may hawak siyang itim na notebook. Lumingon siya sakin at niyakap ako bigla kaya heto na naman ang puso kong nagtatambol. Argghh it's so gay.

"Angelo, ito na lang yung kaisa isang alaala ni papa bago siya mamatay." pagkasabi niya nun bigla na naman siyang umiyak, ang sakit makita si Stacey sa ganitong lagay kaya parang pinipiga ang puso ko, napakafragile niya sa pagkakataong ito at parang konting galaw sa kanya ay mababasag siya.

Sinilip ko yung sinasabi niyang alaala ng papa niya at nagulat ako sa nakalagay sa cover.

M&SD

Yan yung notebook na pinapahanap sakin ni daddy na mahalagang gamit ng kaibigan niya. Si tito Sandro ang may hawak nitong notebook at mahalaga ito para sa mafia. Ang tanging paraan para maisalba ang San Diego Mafia namin. Hawak na raw ito ni Cha... Lumingon ako lay Stacey sa narealize ko.

"Baby girl, a-ano pala pangalan ng magulang mo?" nagstutter pa ako habang tinatanong yun, hindi ko alam pero mukhang kinakabahan ako sa maari kong marinig sa kanya.

"Sandro at Xena Magnus ang pangalan ng magulang ko. Bakit ba?" nanlaki bigla nag mata ko sa sinabi niya. Siya yung babaeng matagal ko ng hinahanap, yung babaeng makakatulong sa pagsalba ng mafia, yung babaeng anak ng bestfriend ni dad, at ang babaeng kababata ko.

"Cha cha?" kusang lumabas na lang sa mga bibig ko sa mahinang tono at sapat lang para marinig niya.

Napatingin siya sakin na gulat na gulat at napamaang.

"Paano mo nalaman ang nickname ko nung bata pa ko?" tanong niya ng may pagtataka at nakatagilid pa ang ulo niya, napangiti ako dahil ang cute niya.

"Chacha ikaw nga, ako ito si Gelo." sabi ko sa kanya habang hawak ang mga kamay ko.

"Gelo?" tanong niya at mukhang pilit inaalala ang nakaraan.

"Yung bestfriend ko na ayaw niyang umiiyak ako. Ang daya mo sabi mo darating ka kapag umiiyak ako para punasan ang luha ko." umiiyak na sabi niya kaya lumapit ako at agad pinunasan ag luha sa mata niya.

"Tahan na, that's why I'm here. I will wipe your every tears." mahinang sabi ko sa kanya at kinabig siya para yakapin.

"Salamat at dumating ka." bulong niya kaya napangiti ako.

Naalala ko na ang dahilan kung bakit siya pinapahanap sakin ni daddy. Yung tungkol sa notebook ang laman nun ang makakapagsalba sa mafia.

Kinuha ko ulit yung notebook sa kanya at binasa ang nasa huling pahina.

*****
Please leave comment, vote and don't forget to share :)

The Gangster's Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now