Chapter 8 Bitch

943 44 0
                                    

Stacey's POV

Maaga ako nagising ngayon dahil ayoko na malate at umabsent katulad kahapon. Buti nga at hindi ako sinumbong ni Jans kila tita dahil sa tanang buhay ko ngayon lang ako nagcut ng klase.

"Oh, bakit ang aga niyo yata ngayon?" Salubong ni tita ng makita niya kami ni Jans na pababa ng hagdan at bihis na rin kami.

"Ahh, ma napagalitan kami kahapon kasi nalate kami." Dahilan ni Jans para mapagtakpan na rin ako.

"Ganon? Oh sige kumain na muna kayo at ihahatid na namin kayo." Sabi ni tita kaya dumiretso na kami sa kusina.

Patayo na kami matapos kumain nang may marinig kaming busina sa labas. Paglabas namin may nakita kaming abnormal na nakapolo ng itim at nakapamulsa ang dalawang kamay habang nakashade. Nakasandal siya sa hood ng kanyang itim na kotse na akala mo isang model pero gangster naman, siya talaga ang bwisit ng buhay ko.

"Sino siya?" Lingon sa amin ni tita na nakakunot noo. Napatingin kami sa kanya at di nakapagsalita. Ayaw namin ipaalam sa kanila ang tungkol sa deal namin ni Angelo. Kagabi kinausap ako ni Jans tungkol doon at alam pala niya na hindi iyon totoo, alam ko naman na kilala ako ng pinsan ko. Napilitan na ring akong aminin sa kanya kaya ito at pareho namin pagtatakpan kila tita dahil pag nalaman nila tiyak na mapapagalitan ako.

"Ah, Ma kaibigan namin sa university." Kindat ni Jans sa mama niya. Tumango na lang si tita kaya hinayaan niya na kami lumapit kay Angelo.

"Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman kung saan kami nakatira?" Sunod sunod na tanong ko. Nagkibit balikat lang siya at bigla niyang binuksan ang pinto sa passenger seat. Tiningnan ko lang siya sa mata at humalukipkip. Bumuntong hininga siya at nagsalita.

"Don't you forget the deal, will you? And don't ask how I can get your address because I am Angelo San Diego and remember that." Nakataas kilay niyang bulong sa akin sabay kindat kay sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ko nga ba nakalimutan siya si Angelo 'gangster' San Diego?

"Kasama natin ang pinsan ko. Alam na niya ang tungkol sa deal, wala akong sinabi sadyang nalaman lang niya. At ayaw namin ito ipaalam kila tita kaya para di sila magduda ay isama natin siya." Tumango na lang siya sa sinabi ko at sinenyasan na pumasok kaya yun na rin ang ginawa ko at pumasok na rin si Jans sa backseat. Ganun na lang ang gulat namin ni Jans ng paglingon namin nakita namin si Rod sa backseat.

"Anong ginagawa mo ditong bakulaw ka!!" Bulyaw ni Jans

"Bakit masama? At isa pa kaibigan ko si Angelo kaya wala namang masama kung sumabay ako sa kotse niya?" Pairap na sagot ni Rod, at iwas ng tingin. I smell something fishy with them.

"Bakla," bulong na komento ni Jans kaya napatawa kami pareho. Napatingin sa amin ang dalawang lalaki kaya tumahimik na lang kami.

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ng bigla na lang itigil ni Angelo ang sasakyan. Napatingin kami sa kanya at bigla na lang lumabas si Rod para buksan ang pinto sa side ni Jans.

"Ano bang problema mo? Bakit ka nanghahatak?" Tanong na reklamo ni Jans.

"Will you shut your mouth, woman?" Inis na sabi ni Rod

"Aba-" di na niya naituloy ang pagrereklamo ng pinasok na siya sa isang asul na kotse. Nakatingin lang ako sa kanila at nakita kong lumabas si Sid ng kotse at lumipat sa backseat. Napatingin ako kay Angelo at nang bababa na ako ay hinigit niya ang braso ko.

"Seatbelt." sabi niya na lang bigla kaya napatingin ako sa kanya

"Huh?" Tanong ko nang nakakunot noo.

"Tss. Stupid. Fasten your seatbelt" sabi niya na parang naiirita. Eh, hindi naman niya nililinaw. Hindi pala ako nakaseatbelt, bakit kanina okay lang na di ako nakaseatbelt? Bakit ngayon kailangan na? Magulo talaga itong lalaking ito.

The Gangster's Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now