Chapter 29 Never thought that I could love

875 43 1
                                    

Stacey's POV

Wala na yatang masayang buong isang buwan na kasama mo ang taong mahal mo. Magiisang buwan na ang nakalipas ng nangyaring encounter namin ni Samuel at nang maging totoong boyfriend ko ang isang gangster.

Madami nang nangyari pero isa lang masasabi ko masaya ako kasi kahit di pa tuluyang napabagsak ang BDG kumikilos ang San Diego Mafia upang tuluyang pabagsakin ang mafiang hawak ng mga Vallejo. Until now kinukumbinsi pa rin ako ni tito Ram regarding sa muling pagtaguyod ng Magnus mafia pero hindi ko pa alam ang sagot masyadong mabilis ang mga pangyayari para magsink in sa akin ang lahat.

Sabi ni tito Ram may mga kailangan akong makilala na dating tauhan ni papa kaya next week makikipagkita ako sa kanila kasama si Angelo kahit hindi pa ako decided. Hindi alam ni tita Merlie at tito Janno ang tungkol sa relasyon namin ni Angelo pati na rin sa ginagawang pagkumbinsi ni tito Ram sa akin.

Alam kong magagalit sila at di payag sa mga desisyon ko kaya natatakot ako sa mga mangyayari lalo na napagiisipan ko na ang muling pagbalik ng mafiang pinaghirapan buuin ng pamilya Magnus. Baka tulyan na akong makumbinsi kapag nakausap ko pa ang mga dating tapat na tauhan ng papa ko.

Aaminin ko natatakot ako kasi once that the fallen name will be rise again I know it will be war. Digmaan at gulong ayaw ng magulang kong kamulatan ko pero kung talagang ayaw na ni papa buuin muli ang mafia, bakit niya tinuro sa akin ang special technique ng pamilya namin? Pero anuman ang mangyari alam ko darating ang araw magiging maayos din ang lahat dahil kasama ko si Angelo sa labang ito nangako ang lalaking mahal ko na hindi niya ako iiwan kaya nagpapasalamat ako.

Napatingin ako sa kaliwa ko nang may maramadamang humalik sa pisngi ko. Pagtingin ko di ko mapigilan ang ngumiti dahil sa gwapong boyfriend ko na nakangiti. Naalala ko pa dati halos ipagkait niya ang mga ngiti niya pero ngayon lagi ko na itong nakikita. Di ako makapaniwala na ako ang nakapagpangiti sa masungit na gangster.

"Bakit tulala ang baby girl ko? Hmm?" tanong niya habang nakangiti at tumikim pa sa binebake kong mocha cake.

"Ayy wag ka nga kumuha dyan masisira di pa nga tapos yan eh." saway ko sa kanya pero ang walang hiya tinawanan lang ako.

"Para kanino ba iyan diba para sa akin din yan;" ngisi pa niya sa akin at akmang titikim na naman ng icing sa ibabaw ng cake ng tinampal ko ng sandok ang kamay niya.

"Hoy, kapal mo po hindi po ito para sa iyo." inirapan ko siya at tinabig para dalhin yung cake sa ref para palamigin. Narinig ko naman ang pagtawa niya at saka lumapit sa akin sabay halik sa pisngi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa na naman ang loko.

"Then para kanino yan?" nakataas kilay niyang tanong sa akin.

"Para kay Keiffer ito." kibit balikat ko at naglakad papunta sa sala pero sumunod na naman siya.

Nandito nga pala kami sa Headquarters ng Rebellion at dalawa lang kami ni Angelo dito yung iba susunod na lang dahil may ginawa pa silang project kasama ang mga kaibigan ko at pinsan, ewan ko kung anong project yun samantalang magkakaiba ng course and section yung mga iyon.

Magkakasundo na silang lahat lalo na si Diego humingi na siya ng sorry kay Nick sa ginawa niya dito dahil takot niya lang sa master nila at ang kanilang master takot sa akin hahaha. Sila Micah, Patrick, Alex, Anne, Nick at Celine kasama ang pinsan ko nakapalagayan na ng loob ang siyam na miyembro ng Rebellion kasama na si Angelo, siyempre nine na lang sila kasi wala na si Samuel. Si Jack at Joshua na promote as rank 8 and 9 so wala ng rank 10. Lahat sila magkakasundo na at nangakong magbabago na ang Rebellion pero siyempre maliban sa dalawa na never na yatang magkakasundo, ang pinsan ko at si Rod.

"What? Kay Keiffer? Where is that bastard?" nanlaki na lang ang mata ko ng bigla siyang kumuha ng dagger sa bulsa niya.

"Ano iyan? Labas talaga agad niyan? Joke lang siyempre para sa lahat yan pagdating ng mga kaibigan natin kakainin natin iyan." sagot ko na natatawa sa kanya. Nakita ko naman siyang sumimangot.

The Gangster's Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now