Chapter 12 Angel

878 42 0
                                    

Red's POV

"Who are those two girls?" Tanong ko kay Dave ang kanang kamay ko.

"Stacey Magnus at Jans Chavez magpinsan sila at parehong Business Administration Student ng Emerald University." Sabi ni Dave.

"Magnus?" Biglang dumating si Dad kaya napatayo kami.

"Yes Dad, sila yung mga babaeng kasama ng rebellion ng manggulo sa transaksyon namin with Mr. Smith." Sagot ko. Seryoso lang na tumingin sa akin si Dad kaya kinakabahan ako. Baka pagalitan ako dahil di namin nakuha ang deal.

"Find that two girls especially that Magnus." malamig na sabi ni Dad at umakyat na papunta sa office niya.

"Dave alamin mo kung anong meron sa dalawang iyon at kung ano relasyon nila sa Rebellion lalo na kay San Diego. I think magagamit natin sila against the Rebellion." Sabi ko at tumalikod na.

Humanda ka San Diego makakaganti rin ako sa panggugulo niyo sa amin. Sigurado ako may kahinaan ka rin at yun ang gagamitin ko kaya napangisi ako.

***

Stacey's POV

Nandito kami sa sala kasama si Angelo at Rod. Di pa rin pala pinaalis si Rod dahil inaantay daw muna kami. Nakayuko kami ni Jans dahil kinakabahan kami, kasi ba naman gabi na tapos tumakas lang kami kanina. Pagtingin namin sa dalawang lalaki parang wala lang na pacool pang nakaupo.

"Pwede niyo bang ipaliwanag ang nangyayari. Where did you go?" tanong ni tito Janno kaya mas lalo kaming kinabahan na magpinsan.

"Ah eh.." Di namin alam pareho ang sasabihin.

"Alam niyo ba kung anong oras na? Kailan pa kayong natutong magsinungaling? Ha? Jans, Stacey. At sino ang dalawang ito, hindi ba ikaw yung nagpunta dito nung nakaraan at sinundo sila?" Grabe si tita sunod sunod magsalita di na kami makasingit.

"Ma, pa sorry"
"Tita, tito sorry" sabay namin sabi ni Jans habang nakayuko.

"Sorry? Yan lang ang sasabihin niyo sa dami ng tanong ko. Jusmiyo." Napahawak pa si tita sa noo niya.

"Huminahon ka muna Merlie, ako na muna kakausap sa mga bata. Kayo, sabihin niyo mula umpisa kung bakit at saan kayo pumunta ng disoras ng gabi at kababae niyong tao may kasama pa kayong mga lalaki." Tumingin si Jans sa akin na parang humihingi ng pahintulot. Anong sasabihin namin? Di ko pwede sabihin yung tungkol sa journal ni papa. Alam ko confidential siya kaya kahit di ko pa alam ang ibig sabihin ay ayaw ko munang ipagsabi.

Alam ko mapagkakatiwalaan si tito na baka malutas niya ang pagkamatay ng magulang ko. Pero kasi parang feeling ko delikado na sabihin ko kaya mas maganda kung sa amin muna ni Jans iyon.

Tumingin ako kay Jans at umiling. Nagulat kami ng biglang tumayo si Angelo at yumuko.

"Good evening I am Angelo San Diego and this is Rodney Ching my bestfriend." Parang nagulat sila tita ng binanggit ni Angelo yung pangalan niya.

"I'm sorry ma'am kung isinama namin sila. Di na po mauulit sa susunod ipapaalam na namin sila." Bakas pa rin ang pagtataka sa mukha nila. Kaya nagsalita ulit si Angelo at nagmano kila tita.

"I am Stacey's boyfriend." sabi niya ng nakapokerface lang, grabe ha siya parang wala lang ang pagkasabi samantalang ako eto at kinakabahan na. Nagkatinginan kami ni Jans dahil sa sinabi niya

"B-boyfriend?" eto na nga ba sinasabi ko, nangako kasi ako sa magulang ko bago sila mamatay ay hindi muna ako magboyfriend until I graduate. Napayuko na lang tuloy ako at di alam ang sasabihin. Tumango si Angelo at ako nanlamig ang kamay sa pawis.

"Yes, Ma'am she is my girlfriend. I'm sorry for late introduction."

"How....When....Where?" mga tanong ni tita na di ko alam kung paano sagutin, halatang litong lito na siya sa nangyayari.

"Hon, bukas na lang natin kausapin si Stacey dahil malalim na ang gabi." makakahinga na sana ako ng maluwag pero wala pa rin pala akong lusot sa kanila dahil kakausapin pa rin nila ako. Alam kong di nila ako titigilan hanggang malaman nila ang sagot.

"And you young man...." turo ni tito kay Rod "Are you courting our daughter?" dugtong pa niya at nagulat naman si Jans sa sinabi ni tito.

"Pa, of course not. He's not courting me. And like ewwww, yang panget na iyan manliligaw? As if I can agree over my sexy and gorgeous body. Hmmm" sabi ng pinsan ko na may kasama pang aksyon na para talaga nandidiri.

"Hoy babae kung makaewww ka dyan akala mo naman napakaganda mo. Feeling mo lang iyon at kahit ikaw na lang babae sa mundo never kita liligawan." syempre sasagot yung isa mukha ba siya magpapatalo?

"Lalo naman ako kahit ikaw na lang lalaki sa mundo hindi kita papatulan."

"Enough, no need to further fight I understand the two of you is do not have any relationship." awat sa kanila ni tito at napahilot pa siya sa noo niya.

"So saan kayo galing?" pagbabalik ni tita sa usapan. Saan nga ba? Di ko alam ang isasagot ko.

"Sa bahay po inintroduce ko po siya sa Daddy ko." sagot ni Angelo

Half truth naman ang sinabi niya but the thing is hindi niya ko inintroduce eh pano mangyari yun pagsalubong sa kanya ng Daddy niya, suntok. Napatingin tuloy ako sa kanya at inimagine na kung ganun ba talaga ang daddy niya sa kanya, mayaman nga siya pero tingin ko sa kanya kulang siya sa pagaaruga ng sariling magulang kaya siguro ganun siya.

After ng paguusap namin ay pinauwi na ni tito sila Angelo dahil gabi na raw. Hinatid namin sila hanggang gate papunta sa motor nila. Pagsakay ni Rod sa motor niya pinaandar niya na ito at pinausukan pa muna si Jans.

"Hayyss unggoy ka talaga, maching." asar na sabi ni Jans at tumalikod na ito habang nagmamartsa papasok sa loob ng bahay. Naiwan kami dalawa ng gangster na ito dito sa labas.

"Pasok na ko." nang akmang tatalikod na ko hinawakan niya ang kamay ko na siyang kinagulat ko.

"Wala ka nakita o narinig kanina. Maliwanag ba ha? Bukas susunduin kita ng maaga at ayoko ng naghihintay." sabi niya sa akin habang hindi nakatingin.

Ewan ko pero parang nakita ko na namula ang tenga niya or I just imagining it. And the next thing I knew he hugged me tight while crying on my shoulders. Naramdaman ko ang mga patak ng luha sa balikat ko kaya hinawakan ko siya sa likod para pakalmahin, alam kong nasasaktan siya kaya ganon na lang ang ugali niya at gusto ko siyang damayan. May kumirot sa puso ko habang tinitingnan siya.

"Please give me 5 minutes. I need your shoulder." sabi niya nang malumanay at di ko alam kung bakit wala ako ginawa at hinayaan ko lang siya. Parang bigla siya naging ibang tao ngayon at hindi siya yung gangster na kinakatakutan sa school at mainitin ang ulo. Nakikita ko ngayon na Angelo ay isang tunay na anghel na kailangan ng karamay. Angelo is like a lost child, maybe right now I know he is my angel.

Nakahiga na ko sa bed ko pero di pa rin ako makatulog. Nakatulala lang ako sa kisame at patuloy kong naalala yung kanina, di ko alam pero bumilis ang tibok ng puso ko habang magkayakap kami kanina. Hawak ko ang dibdib ko na hanggang ngayon malakas pa rin ang tibok, di ko namalayan nakangiti na ako. Like what the heck just happened, did I really let him do that to me?

The Gangster's Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now