Chapter 33 The Fallen Name

718 38 0
                                    

Stacey's POV

Tatlong araw kami nanatili sa beach resort at talagang sinulit namin ang long weekend. Kaya after nang kasiyahan ang iniisip naman namin na tatapos sa kasiyahan ay tambak na projects and requirements dahil malapit na rin ang finals pagbalik sa Manila.

"Stacey, ikaw na lang ang sasayaw at si Jans ang kakanta." Sabi ni Richie, ang baklang leader namin sa gagawin naming Variety show kasi yun ang final project namin sa humanities at meron pa pala kaming marketing plan. Galing diba? Pinagsabay talaga at kapag natapos lahat meron pa kaming thesis. Hindi ko nga maisip kung first year pa lang o graduating na kami.

"Ayy bet ko iyan bakla, kami talaga ni pinsan ang pambato dyan." Sabay palo pa ni Jans sa balikat ni Richie.

"You still dance?" nagulat ako ng may biglang bumulong sa tabi ko, hindi ko napansin ang pagdating niya umnalis kasi siya para bumili ng choco ko kasama si Rod at Sid.

"Oo naman sumasali pa ko sa competisyon, so naalala mo pa pala na sumasayaw ako." Sagot ko habang nagsusulat ng plano namin sa gagawing show, di ko nga maintindihan kung marketing ba course namin o broadcasting..

"Yeah, How could I forget if in my eyes you are the best dancer in Batangas." Aysus nambola pa po ang boyfriend ko. Inirapan ko na lang siya kaya tinawanan niya ako at nagexcuse naman siya nang tumawag ang daddy niya.

Alam ko kung tungkol saan yung tawag ng daddy niya, narinig ko ng nasa resort kami narinig ko sila nagusap kasama si tito Janno at tita Merlie about sa Black Dragon Gang mukhang inilapit ni tito Ram ang kaso ng BDG sa Supreme Gangster Society para aksyunan ang ginawang panlilinlang ng mga Vallejo sa pamilya namin lalo na ako pala ang natitirang Alvarez na galing sa angkan ni Ice.

Naalala ko ang kwento ni papa about sa SGS na siyang tagahatol kapag lumabag ang isang gang o mafia sa rules. Sabi pa ni papa ako daw ay nakatakdang mamuno at dahil bata pa ko wala ako masyado maintindihan kung ano pamumunuan ko ngayon alam ko na pero hindi ko alam kung paano kahit nangako si Angelo na sasamahan niya ako.

After ng meeting dumiretso na kami sa field para sa PE class namin pero nagulat ako ng bigla akong hatakin ni Angelo papunta sa parking at ganun din ginawa ni Rod kay Jans kaya as ususal nagtatalak na naman pinsan ko.

"Ano ba bakulaw saan mo ba ako dadalhin?" talak ng pinsan ko kay Rod.

"Aish shut up di ko alam paano ko natitiis yang bunganga mo, pasalamat ka mahal kita." Pabulong na lang ni Rod yung huli niyang sinabi pero rinig ko at mukhang hindi narinig ng pinsan kong bibig lang niya ang naririnig.

Sumakay na kami sa Mahindra Xylo na pagaari daw ng pamilya ni Sid kaya siya ang driver, sa shotgun seat naman nakaupo na si Rylan pagdating namin at nasa last row na nakapwesto si Jack at Joshua, pumasok si Rod at Jans sa next to the last row at kami na ni Angelo ang umupo sa first row.

Tumingin si Sid sa likod at nang makita na kumpleto na kami't nakayos pinaandar na ni Sid ang van kahit di ko pa alam saan kami pupunta. Huminto ang van sa isang lugar na pamilyar sa akin naalala ko dinala ako ni papa dito isang beses nang bata pa ako. Nagtataka ako bakit kami nandito sa museum kung saan madalas ang pamilya namin noon.

Napatingin kami sa pinto nang lumabas si tito Ram at ngumiti sa akin tsaka kami iginiya papasok ng museum. Hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa ganda ng museum na ito, puno ng mga bulaklak na orchids, malamig din sa loob pero wala talaga siyang aircon para bang ginawa talaga ang lugar para maging malamig. Napatingin ako sa harap namin kung saan may parang trono at sa itaas noon ay may nakalagay na malaking letter A na napapaligiran ng ice crystal, pamilyar ang simbolo na iyan. May parang rectangular na box na malaki at nagulat ako kasi may tao sa loob na nakahiga na parang patay.

The Gangster's Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now