Chapter 20 Secret Place

825 38 0
                                    

Stacey's POV

Nagising na lang ako nang may maramdaman akong nakatingin sakin, pagdilat ko ang gwapong mukha ni Angelo ang bumungad sakin. Nabalikwas agad ako at di sinasadyang magkauntugan kami.

"Ouch, what the hell? Stacey!" sigaw niya sakin kaya napayuko naman ako mukhang nasaktan nga siya.

"Sorry, ikaw kasi nanggugulat." explain ko sa kanya at napansin ko na dalawa na lang pala kami ang nasa van dahil yung tatlo nasa labas na. Lumabas na agad kami at paglabas namin nagulat kami sa lugar kung nasaan kami.

Lumapit agad ako kay Jans at nakita ko rin na tulala siya.

"Wow, Stacey nandito tayo sa lugar natin. Dalaw tayo kila tito." sabi ni Jans sakin.

"Talaga, Stacey tagarito kayo?" tanong naman ni Sid sakin kaya tumango na lang ako.

"Where is your parents?" di ko napamsin nakalapit na pala si Angelo sa tabi ko.

"They're gone." sabi ko habang nakakibit balikat. Hindi na siya muling nagsalita kaya napalingon ako sa kanya.

"Sorry!"

"No, you don't have to say sorry. Okay na iyon dahil I think natanggap ko na ulilang lubos na ko. So, bakit ka magsosorry?" sabi ko sa kanya at naglakad na ko papasok sa loob ng bahay na malaki kung saan pumasok yung tatlo naming kasama nang bigla niyang hatakin ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.

"What happen to them?" tanong niya pero nagkibit balikat na lang ako at dumiretso sa loob. Hindi ko alam pero I feel inside na parang mas magiging magaan ang pakiramdam ko kung sasabihin ko sa kanya ang nangyaring massacre sa bahay namin.

Kaso naisip ko na hindi pa siguro ngayon but I know sooner or later maikwekwento ko rin sa kanya lahat dahil nandito kami sa lugar na siyang mas pinili kong kalimutan dahil sa mapait na nakaraan.

Matapos naming kumain ay nagpunta na kami sa magiging kwarto namin dito sa bahay bakasyunan ng mga San Diego sa loob ng tatlong araw. Malaki ang bahay, makaluma at may dalawang palapag na may anim na kwarto. Meron din pool at veranda kung saan tanaw ang ganda ng Batangas maging ang Taal Volcano.

Kami ni Jans magkasama sa isang kwarto at yung tatlong lalaki dun sa kwarto ni Angelo.

Pumunta ko sa may terrace at tinanaw ang magandang view dito sa loob ng kwarto habang si Jans ay natulog na muna sa aga ba naman ng biyahe at mukhang di siya natulog kanina sa sobrang excitement. Hindi ko mapigilang lumuha habang inaalala ang sakit ng pagkamatay ng mga magulang ko. Naliligo sa sariling dugo at nakahandusay sa sahig, napakawalang hiya nila para ipakita din sa akin ang ginawa nilang pagpatay sa magulang ko.

Anak, anuman ang mangyayari lagi mong pipiliin ang maging masaya at wag mo hayaan na dumating sa punto na magsisi ka kasi di mo nagawa ang gusto mo. Maikli ang buhay kaya lahat sana ng gagawin mo ay ang sa tingin mong tama para wala ka rin pagsisihan.

Naalala ko ang huling sinabi ni Papa bago sila mamatay ni Mama. Habang nageemote ako at bumubuhos ang luha ko ay napansin ko na parang may nakatingin sakin. Napatingin ako sa baba at dun nakita ko ang isang pares ng mga mata na mariing nakatitig sakin kaya pinunasan ko ang mga mata ko. Narinig kong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko sa bulsa at binasa ang message.

From: Your baby boy

Go down and come with me. 😑😑

Natawa ako hindi dahil sa message niya kundi dun sa emoticon niya lagi na lang sa tuwing magtetext siya ay may emoticon, ang malala pa poker face pa rin hanggang text. Iniisip ko ano kaya iisipin ng ibang tao kapag nalaman nila na si Angelo San Diego na mayabang, maangas at abnormal na gangster ay mahilig sa emoticon.

The Gangster's Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now