Tinitigan ako nito, "Are you worried about me?", saad nito at ngumisi.

Nabigla ako. Bakit parang may iba pang ibig sabihin yung sinabi niya? Lalo na nung ngumisi siya.

"O-of course. Ayoko makasakit ng tao. Nadala na ko sa nangyari kay Sir Makker.", saad ko.

Tumango-tango ito, "That's okay. I trust you."

Bahagya akong natigilan. Bakit parang nakuryente ako pagkasabi niya ng mga katagang iyon? What's happening to you Diana?

"S-sige.", tanging naisagot ko.

Natapos ang pagsasanay namin at tulad kagabi ay hinatid niya ko papunta sa dorm, at kagaya ng nangyari kagabi, tinukso na naman ako ni Friella.

"Pangalawang gabi ka nang hinatid ni Caiele a? May dapat ba kong malaman Diana?", nakangising saad ni Friella.

"Hinatid niya lang ako Friella. Walang halong malisya don.", sagot ko.

"In denial ka pa. Magkwento ka bili!"

"Wala nga. Issue ka.", akala ko sa Pilipinas lang may mga maissue, sa ibang mundo rin pala.

Ngumuso ito, "Edi wala. Basta pag nagkaron ako unang sabihan mo a? Hihi.", saad nito at pumasok na sa kanyang kwarto.

Napabuntong hininga ako. Imposibleng mangyari ang iniisip ni Friella. Kahit sinabi ni Caiele na hindi sila ni Charlene, halatang may gusto ito sa babae. Naramdaman ko na naman ang paninikip ng dibdib. Bakit ba parang nasasaktan ako sa mga naiisip ko? Bakit parang umaasa ako na mali ito?

*****

Kakatapos lang ng Combat Training Class ko kaya papunta na kami ni Friella sa cafeteria. Nagmamadali na kami sa pagaayos ng gamit dahil masyadong matagal ang naging klase ni Sir Mikael. Halos ubusin na nito ang 30 minutes break namin bago maglunch, baka wala na kaming abuting lamesa sa cafeteria.

Palabas na kami ng silid nang may tumawag sa amin. Nilingon ko ito at nakita si Markell na nakangiti at hinahabol kami.

"Pwede ba ko sa inyo sumabay mag-lunch?", tanong ito.

"Wala ka bang kasabay?", mataray na tanong ni Friella.

"Wala e. Hindi rin naman ako nakikisabay sa iba.", sagot nito at humarap sa'kin.

Nilingon ko si Friella at nagkibit balikat lang ito. Humarap ako kay Markell at tumango.

Naglalakad na kami papunta sa cafeteria nang biglang bumulong si Friella sa'kin.

"Kay Caiele pa rin ang boto ko."

Nagtaka naman ako. Anong ibig niyang sabihin? Isinawalang bahala ko nalang ito at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang abutan namin ang cafeteria ay halos puno na ito. Lahat ng lamesa ay may nakapwesto na. Namataan ko naman ang mga geminus at nakita si Nikole na kumakaway sa'kin. Kumunot naman ang noo ko.

"Sayo ba kumakaway si Nikole ng geminus, Diana?", biglang tanong ni Markell.

Hindi ako nakasagot nang biglang isigaw ni Eros ang pangalan ko. Napatahimik ang lahat at lumingon sa'min. Nakita ko rin si Rhaine na seryosong nakatitig sa'kin. Patay, baka sugurin ako nito mamaya.

Wala akong nagawa kundi lumapit sa mga geminus. Parang gusto kong itago ang mukha ko dahil nakatingin sa akin ang mga tao. Nakasunod naman si Friella at Markell sa'kin.

Nang makalapit kami ay tinignan ng mga geminus ang katabi ko, si Markell.

"Who is he?", tanong ni Victoria.

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora