Not A Typical Day

Start from the beginning
                                    

Umupo si Friella bago sagutin ang tanong ko. "Ang mga geminus ay kakaiba Diana. Mayroon itong kapwa ability at build."

"Hindi ba masyadong malakas na iyon? Kung maraming geminus ay tiyak matatalo na ang mga fuscus.", masyado na malakas ang may build o ability, pano pa kaya pag dalawa meron ka hindi ba?

"Iyon din ang problema Diana. Kakaunti lang ang mga geminus. Bihira magkaroon ng mga geminus dahil kahit sa royal family ay bihira ito.", sagot nito.

"Ilan ba ang geminus? 50? 30?", tanong ko.

Umiling lang si Friella. "Bilang lang sa kamay Diana. Lima lang sila."

Lima? Ang unti nga nila. Paano matatalo ang mga fuscus kung ganun sila kaunti?

"Paanong bihira na may geminus?", tanong ko ulit.

"Iisa lang inborn na geminus. Ang iba pang geminus ay nakuha ang ability o build sa pagpapasa. Pero mahirap ito kumpara sa pagpapasa sa isang normal na tao dahil kung ipapasa ang isang ability o build sa isang magus at virtus, hinuhukuman nito kung karapatdapat ba na humawak ng dalawang kakayahan ang taong iyon."

Kung ganon ang paghuhukom ng ability at build ang nagpapahirap para magkaron ng mga geminus. Pero sino yung inborn na geminus?

"Sino yung inborn geminus?"

"Ang anak na viceroy. Si Caie--", nagring ulit ang doorbell. Tumayo sa Friella at binuksan ang pinto. Sa likod ng pinto ay isang lalaki, may hawak itong envelope at nilingon ako nito at nagsalita.

"This is your class schedule. Tommorow is your first day so be prepared.", saad nito at binigay ang envelope kay Friella tsaka umalis. Isinara ni Friella ang pinto at muling umupo sa tabi ko.

Kinuha ko ang envelope at binuksan. Nakasulat dito ang iba't ibang subjects, oras at kung saan akong pangkat.

8:00 am - 9:00 am                   English                             Virgus 101

9:30 am - 11:30 am                Combat Training          Virgus 102

12:00 pm - 1:00 pm               Lunch

1:30 pm - 3:30 pm                 Ability Control                Virtus 103

English lang ata ang normal na subject dito pa sakin. Pero alam ko naman kung para saan yung iba. Kinakabahan lang ako sa combat training kasi wala naman akong alam sa pakikipaglaban.

"Parehas lang pala tayo ng schedule. Parehas din tayo sa combat training, 102 rin ako. Sabay tayo maglunch after class ha?", sabi ni Friella.

Tumango na lang ako. Nagsabi na rin si Friella na magluluto siya para sa hapunan namin. Sinabihan na rin niya ko nang matapos siya. Ako na ang naghugas ng pinagkainan namin.

Nagayos na lang ako at pumasok sa kwarto. Humiga na ko sa higaan para matulog nang maaga dahil unang araw ng klase ko na sa diatriba. Iniisip ko pa rin kung totoo ba talaga ito. Sa gitna ng pagiisip ko ay di ko namalayan na nilamon na pala ako ng antok at nakatulog.

*****

Gumising na ako at nilingon ang orasan. 5 am palang kaya masyado pa akong maaga para sa first class ko. Nasanay na rin akong maaga gumising dahil lagi akong naglilinis bago pumasok.

Nagpalit ako ng damit at nagsipilyo at naghilamos. Tulog pa si Friella kaya nagluto nalang ako ng agahan para paggising niya ay kakain nalang. Marunong naman ako magluto kahit si Tita Icy ang kadalasang nagluluto sa bahay noon. Pagkatapos ay inihanda ko na sa lamesa at nagtimpla ng kape.

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingWhere stories live. Discover now