"Naku salamat at gising ka na. Sandali at tatawagin ko si Doc.", sabi nung babae.

Naiwan ang batang babae. Tinignan ako nito. Tila'y sinusuri ako nito.

"Where's your parents?", biglang tanong nito.

Hindi ko nakasagot. Wala akong alam sa mga sinasabi niya. Isa lang ang nalalaman ko. Ang pangalan ko...

"Are you deaf? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? I asked where is your parents?", tinaasan ako nito ng kilay.

Anong sinasabi niya? May mga sinabi siya na hindi ko maintindihan.

"H-hindi ko a-alam ang s-sinasabi mo.", nauutal kong sagot.

Magsasalita ulit sana siya nang pumasok yung matandang babae kasama ang isang babaeng nakaputi.

Pinuntahan ako nito at sinuri.

"Anong nararamdaman mo?", tanong nito.

Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung ano isasagot ko. Blanko ang utak ko.

"Ayos lang ba siya Doc?", tanong ng matandang babae.

"Hindi pa siguro siya makakapagsalita. Isang linggo siyang tulog at ngayon lang siya nagising.", paliwanag ng babaeng nakaputi.

Lumapit ang matandang babae sa kinaroroonan ko. Ngumiti ito bago magsalita.

"Alam mo ba kung nasan ang mga magulang mo?", tanong nito.

Umiling ako. Wala lumalabas sa isip ko. Wala akong maalala. Isa lamang ang alam ko.

"She might have a memory loss. She needs some rest ma'am. We can ask her questions tommorow.", sagot ng babaeng nakaputi. Wala akong naintindihan sa mga sinambit niya. Bago iyon sa aking panrinig.

Tumango ang matandang babae. Tumingin ito mula sa akin at may sinabi.

"Maari ko bang malaman ang pangalan mo?"

Matagal ko siyang tinignan bago makasagot.

"A-ako po s-si..."

"Diana."

*****

Nandito kami sa bahay ni Tita Icy. Sinabi niya na Tita nalang daw ang itawag ko sa kanya. Sinalaysay niya rin kung pano niya ko nakita.

Nasa sasakyan daw sila nung araw na iyon. Agosto 27, 2012, magaalas dose nang gabi at kabilugan ng buwan. Galing sila sa isang bakasyon at pauwi na sa Maynila nang makita nila akong nakahandusay sa daan. Nataranta sila kaya sinugod nila ako sa ospital. Isang linggo akong tulog nun at nung nakaraan lamang ako nagising.

"Diana iha, ito ang magiging kwarto. Magpahinga ka muna at maghahanda muna ako ng hapunan.", saad ni Tita Icy at umalis na.

Naupos muna ako sa kama. Tinignan ko ang kabuuan ng kwarto. Hindi ito maliit pero di rin naman kalakihan. Sakto lang kama para sa isang tao at isang malaking gabinete na may salamin. May lamesa na may upuan at mga libro. Katabi nito ay isang bintana.

Maya maya lamang ay pumasok si Thylane.

"My mom told me to give this to you.", saad nito at linagay sa lapag ang maraming libro.

Nagtaka ako. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya.

"Di kita maintindihan.", sagot ko.

"Are you dumb? You can't understand english? Di ka ba nakapagaral?", taray na sabi nito.

Umiling na lamang ako.

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon