Pumara na ko nang nasa tapat na ko ng University na pinapasukan ko. 

   Pagkababa ko pumasok agad ako. Marami akong nakasalubong, halatang mga anak mayaman ang mga nandito, ito kasi ang may pinakamahal na unibersidad sa buong Pilipinas. 

   Scholar ako dito kaya wala ako binabayaran. Di ko matatanggi na matalino ako. Simula elementary lagi akong Highest Honor at Valedictorian ng school ko. Lagi rin ako linalaban sa mga contest at kahit walang pera, nakakapunta ako sa ibang bansa.

   Di ko rin alam kung bakit ang bilis ko lang pagaralan ang mga bagay bagay. Basahin ko lang ang isang libro ay alam ko na lahat ng nilalaman non kahit unang basa pa lang. Marami rin akong alam na banyagang wika dahil nagaral ako nito noong highschool.\

   Ang laki pala nitong University na to, sampung school ata ay eto nang university na.

   Dahil naliligaw ako napagisipan kong magtanong sa mga dumadaan. Pinaghandaan ko pa ang sasabihin ko kasi di talaga ako mahalubilo sa mga tao.

"Miss, san po dito ang Accountancy Department?", tanong ko sa isang studyanteng dumaan.

Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa, pagkatapos, tinignan ako nito sa mata at bakas dito ang pandidiri. 

"Are you a new student? Halata nga, ngayon lang ako nakakita ng isang pangit na tulad mo. Don't talk to me uglyface!", saad niya at umalis.

   Napatungo na lamang ako. Di ko rin matatanggi na tama siya. Matalino ako pero hindi ako kagandahan. Hindi ako maiitim pero di rin ako kaputian, maraming tigyawat ang aking mukha, balbunin ako, maikli ang buhok at lahat na ata ng kapangitan ay nasa akin. Marami akong flaws and imperfection.

   Maya maya may lumapit sa aking babae. Nakalugay ang mahaba niyang buhok at nakasalamin ito na ubod nang kapal, alam niyo yung nerd? ganun.

"Accountancy ka rin diba? Tara sabay na tayo, Accountancy rin kasi ako.", sabi niya at ngumiti. Nakabraces din siya.

   Tumango nalang ako at sumama sa kanya. Kinakausap niya ko pero di ako sumasagot, tumatango lang ako sa mga sinasabi niya.

"Eto na pala ang yung Accountancy Department. Tara pasok na tayo...", sabi niya pero di niya ito maituloy.

"Diana.", sabi ko at ngumiti.

"Nagsalita ka rin haha, ako nga pala si Angel. Kanina pa kita dinadaldal di mo pa alam pangalan ko. Tara na Diana.", saad niya at pumasok na kami.

*****

Nandito na ako nakaupo sa room. Pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko at alam ko ang dahilan. Lahat sila mga mukhang mayaman at kaaya-aya ang itsura, ibang iba ako buti na lamang at kaklase ko si Angel, may kumakausap pa sa akin.

"Di ka ba naiilang na pinagtitinginan ka ng mga kaklase natin?", tanong ni Angel sa kin.

Tipid akong ngumiti. Inaasahan ko na rin na pagtitinginan ako ngayon. Ibang iba ako sa mga kaklase ko, lahat sila may mga magagarang bag, may mga kolorete at mga may itsura, di tulad ko na pinaglumaan pa mga gamit.

"Di mo talaga ako sasagutin mga tanong ko no? Puro ngiti ginagawa mo e.", saad ni Angel na parang nagtatampo pa.

Kinuha nalang ni Angel ang mga gamit niya. Halatang may kaya rin tong si Angel base na rin sa mga gamit niya. Yung pagiging nerd niya lang siguro yung dahilan kaya di rin siya lapitin ng mga tao. Maya maya lang may pumasok na babae.

Isang magandang babae ito. May salamin siya pero di makakaila ang angking kagandahan nito. May kurba rin ang katawan nito. Sa tingin ko ito ang prof namin dahil sa mga gamit na dala na gamit nito.

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon