Chapter 64

2.9K 136 61
                                    

"You found parts of me I didn't know existed and in you I found a love I no longer believed was real."

~~**~~


RITZ



"WALA akong pinipili. Pareho kayong mahalaga sa'kin. But, based on what you did to her breaks my heart. As what I've said, mahal ko si Cale," pinal ko. Kung dati-rati ay takot na takot akong ipaalam sa kanila to. But everything's changed now. Pinatatag na ang loob ko buhat sa mga nangyari.  Like, iniwan na naman nila ako. I admit, may kunting sama ng loob sa puso ko.



Kung hindi man nila ako matanggap bilang ako, guess, there's nothing I can do about it.




Wala na akong makapang takot sa puso ko bukod sa iisang bagay lamang, iyon ay ang babaeng laman ng puso't-isip ko. Kung hindi lang kay Mei, baka kasa-kasama ko ngayon si Cale. Kakalabas lang ni Mei sa ospital. Though, it is my fault. Ako ang dahilan kung bakit nalagay sa panganib ang buhay ng kapatid ko. Nagpadala ako ng matinding galit. Walang araw na hindi kami nagkakasagutan nila Mommy at Daddy. Hanggang ngayon ay pinipilit pa rin ako sa pagpapakasal sa anak ng kaibigang Congressman nito. Lalo na't iniisip ni Mom na iyon ang mas tamang gawin para daw matigil na itong kahibangan ko kay Cal. Bullshit! Napagdesisyunan ko na ring maglayas nang mga oras na yon. And that was the time na nakarinig ito ng hindi magandang salita mula sa bibig ko. And the fact na alam na rin ni Mei ang tunay na dahilan kung bakit lumalayo ang loob ko kay Dad, parang gusto kong ilubog ang katawan ko sa aking sariling libingan.    




"But, Jhea. Sigurado kana ba talaga dyan sa nararamdman mo? What if... confused ka lang? I really can't imagine you turning into---"

"Into what? Lorraine?" I can hear my voice cracked. Oo. Alam ko naman na hindi madali para sa kanila ang tanggapin ako, kung ano ang nararamdaman ko. Truth is, ganitong-ganito rin ang inakto ni Mommy noon. Inaasahan ko na ganito rin ang magiging reaksyon ng mga kaibigan ko. Though, one of the reason kung bakit natatakot ako noon na makaalam ang mga ito.

"Ever since we were a kid, hindi ka naman ganito. How come na nagkakagusto ka sa girl?" Bakas sa magandang mukha nito ang kalituhan samantalang tahimik lamang na nakikinig ang dalawa. Kasalukuyan kaming nakatambay sa restaurant na pagmamay-ari ng kapatid ni Shannon. Tinawagan ako ng tatlo to clarify things at ayusin ang kung anumang di pagkakaunawaan sa'ming magkakaibigan.






"She's right." It was Shannon. "Think about it, of all people or let me rephrase it, of all girl bakit sa basu---" napatikhim ito at pikitmatang napahugot ng malalim na hininga. "Bakit sa babaeng yon pa?" Simula kanina, ngayon ko lang narinig ang pagsasalita nito. Bakas sa mukha nito ang pagkairita.





Hindi ako agad nakaimik. Sukat at nagbalik sa aking alaala ang araw na iyon. Yeah. I remember it so well.




"Are you sure dito ka lang, hija?" Si Mommy. Pang-ilang tanong naba niya to?





Medyo nakakainis na.




"Yeah, My. I'm okay here and besides I can't leave the girls." Tukoy ko sa tatlong ka-video call ko. Nasa loob ako ng van kung saan sapilitan akong isinama ng mga ito sa pangangampanya. Napailing ito at sa huli, iniwan na rin ako ng mga ito.






Hindi ko rin mapigilan ang pandidiri nang mailibot ang tingin sa buong kapaligiran. Ayoko talaga sa ganitong klaseng environment. Feeling ko magkakasakit ako sa hanging nalalanghap ko dito. As much as I hate this idea. Wala pa rin akong magagawa, for sure mauuwi lang kami ni Daddy sa diskusyon. God knows, kung gaano ka-labag-sa-kalooban ko ang pagsama kong ito.




Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon