Chapter 30

4.8K 186 17
                                    

"I try not to like her,
But I fall even harder..."

~~**~~

CALE

ARAW ng sabado. Maagang gumayak ang Inay paalis ng bahay puntang palengke. Si Itay naman ay kanina pa nakaalis at pumuntang bukid.

Matapos maligo at makapagbihis. Ginising ko rin ang kapatid ko. Kailangan kong umalis ngayon, may mga ipamimigay ngayon sa munisipyo at nangangailangan sila ng mga volunteers. Bilang isa sa mga skolar ni Mayor, kailangan ko rin tumulong sa mga ito.

"Oh, Ate? Aalis ka?" 

"Oo. Bantayan mo si Kurie. Pupunta akong munisipyo ngayon. May pagkain na sa mesa, kumain na tayo."

Humikab na muna ito sabay inat ng mga kamay. "Sabi ni Inay, napapadalas raw ang pag-alis mo ng bahay?" 

Nagkamot ito ng ulo.

"Tumutulong lang po ako kay Aling Letring sa paglilinis. May bagong lipat kasi sa malaking bahay." Ika nito na nagpakunot-noo ko. Narinig ko na nga na may bagong rumenta sa malaking bahay. Sa halip na pagtuunan ng pansin ang narinig ko. Inayos ko ang higaan at bumangon na rin ito.


Pinukaw na rin nito si Aaron. "Gusto ko pa tulog!"

"Hoy-! Aaron! Bangon na! Aalis si Ate Cale kaya wag ka masyadong magpasaway jan!" Magdadabog pa sana ito nang matigilan at makita ang pag-gayak ko.

"Bangon na. Kakain na tayo. Ikaw, Aaron. Wag masyadong makulit. Tulungan mo ang Kuya Arlo mo sa pag-aalaga sa kapatid natin." Sabi ko habang tinutulungan itong makababa sa hagdan na gawa sa kahoy.

"San ka, Ate?" Namumungay ang mga matang tanong ni Aaron.

"May rasyon sa bayan. Tutulong lang ang ate." Pagkawika'y parang nawala ang antok sa mga mata nito. 


                


"Ate-- sama 'ko?"


"Hindi pwede."



"Sige na, Ate? Gusto kong pumunta ng bayan! Di po ako magkukulit. Promis!" Sabay pagpuppy eyes pa nito.

Napailing ako saka tinulungan itong makaupo sa harap ng mesa.

"Wala ka namang gagawin dun, Aaron. Bibigyan mo lang sakit ng ulo si Ate Cale."

"Di nga! Behave lang si Aaron dun, Ate Cale. Promis po!"

Napaisip ako.

"Buong araw kaba dun, te?" Si Arlo.

"Half day lang." Sagot ko. Mas lalong naghuhurumentado naman ito.

"Ate, please?"

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago pinayagan ito. Nagtatalon pa sa tuwa ang kapatid ko.

***

MATAPOS kumain ay pinaliguan na muna ni Arlo si Aaron habang pinapakain ko naman ang bunso naming kapatid.

"Ingat kayo!" Kumakaway na sigaw ng kapatid ko bago kami pumasok sa loob ng tricycle. Binilin ko rin sa kanya lahat-lahat, lalo na ang bahay at bantayan itong mabuti.

"Sa munisipyo po, Manong Greg." Sabi ko sa isa naming kapitbahay na namamasada ng tricycle nito. Kasing-edad lang din nito si Itay at sa pagkakaalam ko ay malapit na magkaibigan ang mga ito. 

Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon