Chapter 39

4.4K 165 21
                                    

"Sometimes you don't realize what is missing in your life until it arrives."

~~**~~






"I'M BACK!!!"









Bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang kaibigan kong si Yael, nakangisi ito at napakaaliwalas ng kanyang mukha.



"May dala nga pala akong food. Alam kong nagugutom na kayo-- Oh! Tulog ang reyna," puna nito nang mapagawi ang tingin sa may sofa.

Maingat nitong inilagay sa mesa ang mga dala saka dali-dali itong lumapit at hinila ang isang upuan katabi ng hinihigaan ko.

"So..." Itinukod nito ang mga kamay sa baba. May kung anong nagbabadya para sakin base sa mga matang iyon. "Anong balita?" pabulong nitong tanong.

Eh?

"A-Anong... balita?" pag-uulit ko nalang. Minsan talaga napaka-weird ng babaeng to.

"Hello? Don't tell me di mo ma-gets yong sinasabi ko?" Taas kilay pa rin nitong sabi.

Pinangunootan ko nalang ito ng noo. Hindi ko kasi siya maintindihan. Bakit ba hindi nalang niya ako diretsuhin at nang maintindihan ko kung anuman yon.

Napa-face-palm ito sabay buga ng hangin.

"Yan." Nguso nito sa direksyon ni Ma'am Sam.

Naguguluhan ako na nagpalipat-lipat ng tingin sa mga ito.

"Bakit?"

"My god, Cale. Alam mo, matalino ka ei. Yon nga lang, ang slow mo," anito.

"T-Teka lang... hindi ko talaga maintindihan. Ano ba kasi yon?" Ano ba kasing ibig nitong sabihin? Ang gulo niya.

Napatuwid ito ng upo.

"Eto, matanong ko lang. Paano mo nga ba yan nakilala?" pahapyaw niyang tanong sabay nguso sa iisang direksyon.

"H-Ha?"

Ano raw?

"Slow pa rin? O, sige. Uulitin ko, ha?" Napatikhim ito. "PAANO KAYO NAGKAKILALA NI SAM??!!!"

Unti-unting pinanlakihan ako ng mga mata.

Anong... baliw talaga!

Hindi ako nakaimik. Sinalakay kasi ako agad ng takot ang puso ko.

"Hoy--napatulala ka jan?"

"T-Teka lang... ba't mo naman natanong? At saka... yang boses mo may natutulog, oh!" awat ko sa kaibigan ko.

Umaandar na naman ang pagiging tsismosa nito.

"Ano naman? may itinatago?" balik tanong niya.

"Sira to! Wala! Wala naman akong itinatago sayo," sabi ko dito at lihim na pinagkrus ang mga daliri ko.

"Hhmm. Wala ba? E, yan?" turo niya sa kaliwang dibdib ko.

Automatikong tinakpan ko naman ito.

"Baliw! Anong tingin mo sa'kin? Shiboom? Ang ibig kong sabihin, yang puso mo. Shunga to."

"Bakit?"

"Malala kana talaga. Sabi ko, yang puso mo. Wala bang ibang itinatago yan? Dinadaing? Isinisigaw? Hinahanap? O, itinitibok? Ganern!" makahuluhang nginisihan at tiningnan ako nito sa mga mata.

Bigla naman akong natigilan. "A-Ano? W-Wala naman!"

"Wala? Sure ba yan? Hhmmm. E, balik tayo sa tanong ko. Paano kayo nagkakilala ni Sam?"

Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon