Chapter 53

3.4K 142 27
                                    

"You are the last thought in my mind before I drift off to sleep and the first thought when I woke up in the morning..."

~~**~~

"NAKATULALA ka dyan?" Si Marty. Tumabi ito ng pag-upo. Nakatingin kami pareho sa maliwanag na buwan habang nasisinagan at kumikinang na tila mga dyamante ang tubig dagat.

Napabuntong-hininga na nag-iwas ako ng tingin mula dito. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa alaala ko ang mga narinig kanina.

Gustuhin ko mang magpahinga ay hindi ko magawa. Naguguluhan ako. Ewan, kung tama nga ba ang pagkakarinig ko mula kay Ma'am Sam. O, guni-guni ko lamang iyon? Bakit nga pala nasabi ni Ma'am Sam ang bagay na 'yon?

"Ang ganda ng buwan ngayon saktong-sakto para sa party mamaya," ika nito. Nakapaskil ang mga ngiti sa labi. Muntik ko na tuloy makalimutan ang nasabing party mamaya. Masyadong ukopado ang utak ko sa pamamasyal kanina at dun sa nangyari sa labas ng room ko. Hindi na maalis-alis sa isipan ko iyon.

Inaamin ko, masaya ako.

Parang tumatalon ang puso ko sa tuwa sa tuwing naaalala ko ang mga salitang binitawan nito.

"Ah, Marty?"

"Oh, Cale, bakit?"

Napakamot-ulong nagbaba ako ng tingin. Nasa terrace kami ng resort. Mula dito, kitang-kita namin ang mga nagkikislapan at nagsasayawang ilaw ng resort at sa gaganaping party. Yong tipong sa telebisyon ko lang napapanood.

Kinakabahan ako.

"May tanong kaba, Cale?"

"Ano kasi..." medyo nag-aalangan pa akong sabihin dito. "Tungkol dun sa party..."

"Oh, bakit?"

Napahugot ako ng malalim na hininga.

"A-Ano kasi..." Kabadong nagbaba ako ng tingin. Nakakahiya.

"Bakit? Don't tell me hindi ka makakapunta?" Anito. Bakas ang pagkadismaya at pagkabahala sa singkit nitong mga mata. "Masama ba ulit ang pakiramdam mo?" Bahagyang dinama ng isang palad nito ang noo ko.

Napailing ako.

"H-Hindi naman. Ano kasi... h-hindi kasi ako sanay-- ang ibig kong sabihin..." Papaano ko ba sasabihin sa binata na hindi pa ako nakaka-attend ng mga ganitong klaseng okasyon?

I'm such an ignorant when it comes to this. Napaka-unsocialize kong tao. Inaamin ko. Medyo nag-aalangan talaga ako para sa party mamaya. Hindi ako marunong sumayaw at makisalamuha sa ibang tao. Hindi rin ako mahilig uminom. Iyon kasi ang mga napapanood ko sa telebisyon.

"Cale, okay lang. Just tell me."

Napabuntong-hininga ako at sinabi kay Marty ang totoo. Nananatili lamang ito sa pakikinig. Tahimik at hindi ko mabasa sa kanya kung ano ang nilalaman ng isipan nito.

"Alam ko," pagsang-ayon ko nang sabihin nito kung gaano kalaki ang namiss-out sa buhay ko.

Pero anong magagawa ko?

Buong buhay ko wala akong ibang inisip kundi ang kumayod ng kumayod para mabuhay ang pamilya ko, para makapag-aral kami ng mga kapatid ko. Wala akong oras sa mga ganitong bagay. Buong buhay ko ay inilaan ko para sa pamilya ko. Wala naman akong pinagsisisihan. Mahal ko ang pamilya ko kaya ginagawa ko 'to.

Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon