Chapter 14

5.7K 198 10
                                    

"Truth is like a surgery. It hurts but it heals.
A Lie is a painkiller. It gives instant relief but has side effects forever

~**~






MAHIGIT tatlong araw na ang nakakalipas magmula ng may mangyari sa loob ng apartment.

Hanggang ngayon, tulaley pa rin ako sa mga naganap-- ang ibig kong sabihin ay kung paanong... paanong nangyari yon?

Wala sa oras na napahawak ako sa labi ko. Dama ko pa rin ang lambot ng mga labi ni Ma'am Sam.

Yong nababasa ko na matamis raw ito? Sa totoo lang, doon ko lang napatunayan na... Totoo nga pala talaga yon.

Nakakabaliw lang isipin.

Nahihiya ako. Pero lamang ang kalituhan sa utak ko.

Bakit?

Bakit niya ako hinalikan?

Anong... Anong masamang spiritu ang sumapi kay Ma'am Sam at ginawa niya ang bagay na yon?

"Tang-na naman! Nakakabaliw mag-isip!" Inis na napagulo ko ang mga buhok.

Tatlong araw ko na ring iniisip yon. Sakit sa ulo lalo na't ni katiting ay wala akong makuhang sagot.

"Hindi kaya... attracted si Ma'am Sam sa'kin?" WaahH! 😱

Imposible!

Erase!

Erase!

Bakit ko ba naisip ang bagay na yon? Hindi naman siya mukhang tibom para magkagusto sa'kin.

At isa pa... Si Ma'am Sam yon!

Ang ganda-ganda niya para lang maging... ganun!

"Pambihira naman, oh!"

Iniisip ko rin kung bakit niya nasabi na nakikipaglandian ako? Yun ba yong nakita niya ang biglaang pagyakap sa'kin ni Kerin?

"Haist! Nakakainis naman e!" Kasalanan nung Kerin na yun. Kung bakit ba kasi bigla-biglang nangyayakap ang taong yun! Tuloy, kung anu-ano naiisip ni Ma'am Sam. Nakakahiya!

"Nakakatuwa ka talaga. Hahaha!"

Kaagad akong natigilan nang makarinig ng boses sa aking likuran.
       
"K-Kerin?"

"Hi again!" Nangingiti itong lumapit sa'kin. Aktong yayakapin na naman niya ako. Ngunit mabilis pa sa kidlat na itinaas ko ang kamao ko dito.

"Oops! Sorry. Haha! Nasanay na kasi ako. Haha!" Hawak ng kamay ang tiyan na patuloy ito sa pagtawa.

Inismiran ko nalang ito.

"Napapadalas kaba dito?" Ika ni Kerin at tumabi sa'kin. Katulad ko, nakatingin rin siya sa malawak na karagatan.

"Oo," tipid kong sagot.

"Well. Maganda nga tumambay dito," anito saka ibinulsa ang mga kamay. Napabaling sa kanya ang mga mata ko.

"E, ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Naitanong ko.

"May hinahanap kasi ako," may lungkot nitong sinabi.

"Hinahanap?"

"Oo. Yung buddy ko. Ilang araw ko ng hinahanap." Napapatango nalang ako saka bumaling sa karagatan.

Katahimikan.

"Tara?" Pagkaraa'y sabi ni Kerin.

Takang napatingin ako dito.

Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon