Chapter 2

12.8K 344 8
                                    

"Respect yourself enough
To walk away anything
That no longer serves you, grows you, or makes you happy."

~~**~~

CALE





NGAYON pa lang ay naiilang na ako sa katabi ko. Kanina pa kasi siya walang imik, gusto ko pa naman siyang makausap lalo na't humigit-halos limang oras pa ang biyahe na 'min. Nakakalungkot naman, 'di napapaghalatang ayaw niya akong maging kausap. Magkagayunpama'y kahit papaano ay napanatag na rin ang loob ko, akala ko talaga walang akong Samantha na mai-uuwi. Pabalik na rin kami sa Guinadao. Dalawang oras pa bago kami ang igugugol na 'min para kami ay makabalik.



Ramdam ko na rin ang pagrereklamo ng sikmura ko. Sa pagmamadali ko kanina ay nakalimutan ko nang kumain ng hapunan bago umalis. Ni hindi pa nga ako nakapagpahinga ng maayos mula nang matapos ang pagrarasyon. Nakakapagod talaga ang araw na 'to. Napahikab ako. Unti-unti na ring namimigat ang mga talukap ko.




Pero di nga?

Muli ay napabaling sa magandang babaeng tulog ang atensyon ko. Sino naman kaya 'tong mestisang babae na sinusundo ko? Tao ba talaga 'to o diyosa? Bakit ang ganda-ganda niya? Maganda sana napakasuplada naman, hindi ko mapigilan ang mapasimangot sa naisip. Hindi ko mawari kung bakit para akong nahihipnotismo sa tuwing napapatingin ako sa mga mata niya kanina. Masisisi niyo ba ako? Ang ganda-ganda naman niya kasi.

Napailing nalang ako.

Naramdaman ko ang paggalaw nito kaya.

Baleh magkatabi kaming dalawa habang nasa likuran naman ang mga gamit nito. Marami rin siyang dala, magbabakasyon yata. Napakahimbing ng tulog niya, 'di napapaghalatang pagod. Napapikit naman ako nang masamyo ang mahalimuyak nitong pabango, kumakalat iyon sa loob ng sasakyan. Pakiramdam ko nasa isang hardin ako at napapalibutan ng iba't-ibang uri ng mga bulaklak. Malaya ko ring pinagmasdan ang mukha nito. Napakaamo at 'di makabasag pinggan. 'Wag lang siyang maggising at tiyak na ibang usapan na 'yon. Napakasungit ba naman. Iisipin ko nalang na dala ng pagod kaya siya ganyan. Kunsabagay, wala lang naman sa 'kin 'yon. Hindi pa naman tagos sa mga buto-buto ko at medyo sanay na rin ako sa ganoong klaseng trato. Kung tutuusin, wala pa sa kalingkingan ng mga kuko ko ang ginawa ni Ma'am Sam kung ikukumpara iyon sa tatlong babaeng malapit na kaibigan ni Ry, ang panganay na anak ni Mayor Isagani.


Napabuntong hininga na napaayos ako sa pag-upo.





Naalala ko naman ang sitwasyon namin ngayon. Sana dumating na ang araw na matutupad ko na ang mga pangarap ko. Gusto ko na talagang mai-ahon sa kahirapan ang pamilya ko. Nakakapagod ba naman na maging mahirap. Magkagayunpaman ay wala akong sinisisi, mahal ko ang mga magulang ko. Hindi rin naman nila kasalanan kung bakit salat kami sa napakaraming bagay. Nakikita ko naman na ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila para lamang may makain kami tatlong-beses sa isang araw at mabigyan ng magandang edukasyon.

Katunayan, malaki ang pasasalamat ko sa diyos sapagkat binigyan niya ako- kami ng mga kapatid ko ng mabubuti't mapagmahal at mababait na mga magulang na handang gawin ang lahat para sa mga anak nito. Ang swerte ko kako. Kaya ipinapangako ko, gagawin ko lahat, masuklian ko lamang lahat ng paghihirap na ginawa nila para sa 'ming magkakapatid.



Nasa ganoon akong pag-iisip hanggang sa dalawin na rin ako ng anto hanggang sa kinain na rin ako ng karimlan. Naggising ako nang maramdaman ang paghinto ng sasakyan. Napaungol ako sanhi ng pananakit ng ulo ko, kinulang pa ako sa tulog. Ngunit dala ng kakaibang halimuyak sa loob, tuluyan na ring naggising ang diwa ko. Unti-unti 'kong iminulat ang mga mata hanggang sa nauwi iyon sa panlalaki nang mapagtanto ko kung gaano kalapit ang mukha namin ni Ma'am Sam sa isa't-isa. Mabilis ang mga kilos na nailayo ko kaagad ang sarili mula dito. Pakiramdam ko ay tumakbo ako ng ilang milya sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Napahawak pa ang mga kamay ko sa kaliwang dibdib. Ilang minuto rin ang hinintay ko bago bumalik sa pagiging maayos ang paghinga ko. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at hanggang sa nagging normal na rin ang pagtibok nito. Mabuti nalang at tulog mantika itong katabi ko kung kaya't wala itong kamalay-malay sa kung gaano ka-awkward ang posisyon na 'ming dalawa kanina.

Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon