Chapter 24

4.3K 188 30
                                    

"You can't follow your heart when it is more confused than your head..."

~~**~~

CALE

NAMIMIGAT na ang mga talukap, pilit ko pa ring nilalabanan ang antok.

"Nak, bakit gising kapa?" Bungad ni Itay nang maabutan niya akong nakaupo sa may mesa. Agad naman akong nagmano sa kanya. Tulog na rin ang mga kapatid ko pati na rin Inay.

"Hinintay ko po kayo, Tay." Pagsisinungaling ko. Katunayan, kanina pa bumabagabag sa isipan ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

"Nak. May problema ba?" Nakakahalatang tanong nito. Alanganing sinabi ko nalang dito ang totoo. "Nak. Kung sa tingin mo yon ang tama at narararapat. Gawin mo kung ano ang sa tingin mo ay tama," anito matapos kong maikwento sa kanya. Tungkol sa trabaho ko at ang ginawang paglilihim ko sa mga ito lalong-lalo na sa mga kaibigan ko.

Masyadong naguguluhan lang talaga ako ngayon at kailangan ko ng isang tao na alam kong makakaunawa at  matutulungan ako sa pinoproblema ko ngayon.

"Pero, Tay... h-hindi pa naman ho ako sigurado kung tama nga ba yaong sapantaha ko." Kabadong sinabi ko dito.

Dalawang araw na rin akong di pumupunta sa apartment.

Naguguluhan ako kung bakit gusto ko pa ring pumunta doon, pinipigilan ko lang ang sarili ko. Isa pa, mas lalo  lamang bibigat at lalako ang sa guilt sa puso ko sa tuwing naiisip ko ang ugnayan ng mga ito.

Naramdaman ko ang pagbigat ng balikat ko. May pang-unawang ngumiti si Itay sa'kin.

"Nak.. napakabuti mong tao at anak sa'min. Kaya malaki ang tiwala ko na gagawin mo kung ano ang sa tingin mo ang nararapat," anito.

Naguguluhan pa rin akong nagyuko ng ulo.

"Magpahinga kana muna. May klase kapa bukas." Iginiya niya ako patayo at tinungo ang kwarto.

Pinatay naman ni Itay ang iilang lampara bukod sa isa na nasa may maliit na sala. Pumanhik ako sa kwarto katabi sa mga kapatid kong himbing na natutulog.

Kinabukasan. Maagang nagising si Inay para paghandaan kami ng almusal bago pumasok. Naabutan ko ang dalawa na nakatalukbo sa harapan ng mesa.

"Kayong dalawa ba't di pa kayo nag-ayos? Anong oras na, oh. Male-late na kayo." Matapos kong kublitin ang mga ito.

Namumungay ang mga matang nag-angat ang mukha ni Aaron. "Ate, ayokong pumasok." Nakalabing ika ng kapatid ko.

"Bakit naman?"

"Basta! Ayoko na pong pumasok sa skul!" Nagdadabog nitong sabi na ikinaangat rin ng ulo nung isa.

Takang napatuon naman ang mga mata ko kay Arlo. Nagtatanong kung bakit?

"E, ate. Inaaway po siya ng mga ka-klase niya sa school kaya ayon," sagot nito.

Napaupo ako sa tabi nito at niyakap ang kapatid. "Aaron. Akala ko ba big boy kana?" Sabi ko at inangat ang mukha nito. Napanguso ito.

"Big boy naman po talaga ako!" Sabay pakita pa ng mga braso nito.

"Sabi ko naman sayo, Aaron. Wag kang magpapatalo sa mga 'yon e! Upakan mo pag inaway ka- Aray!" Daing nito matapos ko namang mabatukan. "Ate naman e!" Kakamot-kamot nitong reklamo.

Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon