Chapter 7

7.4K 210 11
                                    

Be yourself, no matter what other people think.
God made you the way you are for a reason.
Besides, an original is always worth more than a copy.

~~**~~




SAMANTHA






"I'LL be gone for several days. Here. Use this."



Napatingin ako sa inilagay nitong bagong credit card sa ibabaw ng mesa. Pakiwari ko ay may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Tahimik na napatuon lamang ang mga tingin ko dito. Katunayan n'yan hanggang ngayon ay ni hindi ko pa nrin naggagalaw ang huling ibinigay nitong pera. Hindi sa pagmamayabang but I have my own money. Dahil magmula nang iwan niya kami ni Mom ay nagsusumikap akong kumita ng pera. Bukod sa pangangailangan na 'min ay gustong ipakita sa lahat na kaya rin na 'ming tumayo sa sarili na 'ming mga paa at walang tulong ni sentimo sa kahit na sino. Taliwas iyon sa kaalaman nito at kung ano ang mga bagay na pinagkakaabalahan ko ay inililihim ko iyon sa ama ko.





Labag sa loob ay kinuha ko na lamang ito. Ngunit wala sa plano ko ang gamitin ni kusing na sentimong nanggaling dito. Inaamin ko. Oo. Hanggang ngayon ay mananatili pa rin ang sama-ng-loob ko para sa ama ko. Ngunit magkagayunpama'y mas nananaig ang pagmamahal ko para dito. Subalit hindi mababayaran ng pera ang kung anumang pagkukulang niya para sa 'min. Darating ang panahon na ibabalik ko sa kanya ang lahat ng perang ipinagmamalaki niya ngayon.




"When will you coming back?" Nananatiling patag ang boses 'kong pagtanong. Isa sa mga natutunan ko sa mga nakalipas na taon ay kung papaano kontrolin ang emosyon at tunay 'kong nararamdaman.





"It's a business meeting. A couple of weeks, a month, perhaps. Hindi ko alam." Tumalikod ito at inilibot ang tingin sa loob ng apartment.




"Dad." Tawag pansin ko dito.



"Be careful. Ayoko ng ingay at gulo." Seryosong sabi nito at kinuha ang isa sa mga cd's na nasa harap nito. Hindi ko naman mapigilan ang mapalunok at manlumo. He really changed a lot. Sa halip, tahimik na nakamasid lamang ako sa ama ko. "Mr. Smith already gave his support. Malaki ang maitutulong niya para sa 'kin sa darating na susunod na eleksyon." Muli itong humarap sakin. "Aren't you happy for me, sweetie?" baling nito na ikinatalon yata ng puso ko. Ngayon ko lang kasi ulit na narinig ang salitang 'yon.

Tipid ko lamang na nginitian ito. "I am," naisagot ko nalang. Kasabay ng pagkuyom ko ng mga kamao. Ngunit damang-dama ko ang panginginit ng gilid ng mga mata ko.


Napatawa naman ang kaharap ko.





"Congressman Isagani. Sounds perfect, isn't it?" Saka muli itong tumawa at batid ang kasiyahan sa kanyang mukha. He looks so different now. Minsan naitanong ko sa 'king sarili kong ama ko nga ba itong kaharap ko. Ang laki na nang ipinagkaiba niya mula nung iwan niya kami. Siguro nga sa mga nagdaang taon, binago na ng panahon ang taong kaharap ko ngayon.






He became more selfish. His money and his power changed him into someone I no longer knew. I don't think, I know him anymore.





I really missed my Dad.




"I will give you accompany while I'm gone. Huwag kang mag-alala, iha dahil mapagkakatiwalaan ko ang taong makakasama mo," anito at sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan pa ang mapalaki ang mga mata at makaramdam ng pagkabahala.

"You don't have to. Dad, I can take care of myself." I tried to act normal. Damn.


Napailing ito.




Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon