Chapter 57

3.2K 149 31
                                    

"I thought I knew what real pain felt like but I didn't until I saw the way you looked at her..."

~~**~~


"K-KERIN... A-Anong... Anong ginagawa mo?" Para akong wala sa sarili na nagpaubaya dito. Hila ng binata ang braso ko at dinala sa kung saan.

"Tinutulungan ka," maikling sagot nito.

Sukat at bumalik sa isip ko ang dahilan kung bakit tila lutang ang utak ko ngayon. Sina Ry at Ma'am Sam kanina. Simula palang alam ko na magkakaganito lalo na't mukhang alam na ng kaibigan ko kung ano ang ugnayan ni Ma'am Sam sa ama nito. Ngunit, ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit parang ako yata ang magiging ugat ng alitan ng dalawa?

"Cake. Ayos ka lang?" Naramdaman ko ang pagpisil-pisil ni Kerin sa pisngi ko.

"A-Ayos lang ako," napatigil kami pareho. "Ayos lang ako kaya... salamat. K-Kaya ko na 'to." Kahit papaano ay nagpapasalamat ako na dumating ang binata para tulungan ako. Sa totoo lang, hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko. 

"Sigurado ka?"

Alanganing tumango ako dito.

"Oo."

Maigi niya akong tiningnan, mukhang hindi siya kumbensido. Nahihiyang kinuha ko rin ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"B-Bakit ka nga pala naparito?" Sa pagkakatanda ko, hindi ito ang unang pagkakataon na nagkita kami ni Kerin dito sa labas ng GSU. "Hindi naman totoo na... ako talaga ang ipinunta mo, diba?"

"Ah, oo. Actually, may ipinunta talaga ako dito. Pero sa nakikita ko kasi... mukhang kailangan mo ng tulong," Kamot ang kilay nitong sinabi. "At sa nakikita ko, hindi tamang pag-aagawan ka ng dalawang babae." May aliw sa mga matang ika niya.

Takang tiningnan ko ito, ngunit ramdam ko na tila pinag-initan ang mukha ko sa narinig. Kakaiba at parang may kahulugan kasi ang hatid ng pagkakasabi niyon.

"Ah, h-hindi naman sa ganun, Kerin." Saka mahirap ipaliwanag. "Nga pala, salamat sa abala. Hindi ko talaga maisip na mapupunta ako sa ganoong  klaseng sitwasyon."

Natawa naman ito.

"Cute mo daw kasi," anito.

"Loko ka." Inirapan ko ito. Pagtawa lang ang itinugon ng binata.

Sa ngayon, wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang mapag-isa.

Ilang sandaling katahimikan, nagpasya na akong magpaalam sa kanya ngunit tahimik lamang ito at tila may malalim na iniisip.

"Kerin..." Pukaw ko dito.

"Yes, Cake?"

Isang buntong-paghinga ang ginawa ko.

"Salamat pero kailangan ko ng umuwi."

"Ihahatid na kita."

"Wag na. Kaya ko na to, salamat kako," aktong tatalikuran ko na ito nang biglang pinigilan niya ako.

"Wait, may itatanong lang sana ako sayo, Cake." Hawak ni Kerin ang braso ko. Takang nagbaling sa kanya ang mga mata ko.

"Tingin ko hindi ko na kailangan pang itanong sayo to. Pero yong mga babae kanina... kaibigan mo ba sila?"

Naguguluhan man, napatango ako sa kanya, "Oo."

"Nakakatuwa naman. Kilala ko rin kasi ang mga yon," anito.

"T-Talaga?" Sa pagkakatanda ko, naikwento ni Kerin sa'kin noon na kakauwi lang nito galing Maynila. Pero sa paanong pagkakataon niya nakilala sina Ry at Ma'am Sam. Gustuhin ko mang itanong iyon sa binata ay wala na akong oras. Baka sa ibang pagkakataon siguro. Kailangan ko na talagang makauwi. Nahihiya man akong harapin si Ma'am Sam ay kailangan ko nalang siguro magpaliwanag sa kanya. Baka kapag hindi ko ginawa yon, ayoko mang isipin na baka bumalik siya sa dati at magalit siya sakin at ipagtabuyan ako nito.

Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon