Chapter 52

3.8K 170 62
                                    

"If you want to know where your heart is, look to where your mind goes when it wanders..."

~~**~~



"TARA NA! Ligo na tayo!" Muling pag-aya ni Marty saming dalawa ni Ry. Nakasilong lang kasi kami sa isa sa mga cottage na naroroon.



Umiling lang ako dito.



"Gusto mo turuan kita?" Si Ry.

"Ha?"



Napalingon ako sa gawi niya.



Mas lalong lumapit ito sa pag-upo. "Maligo. Nabanggit mo nga sa'kin dati na hindi ka marunong. Why not take this opportunity? Don't worry. Magaling akong magturo." Aniya.


"P-Pero..."


"C'mon, Cal. Minsan lang to. At saka... Dyan lang tayo sa mababaw." Pangungumbinse niya.


"W-Wag na, Ry. Natatakot talaga ako e." Naalala ko kasi yong nangyari isa sa mga kaibigan ni Itay noon habang nasa dagat ito.



Nagmahal.



Nasaktan.




Nalunod.




Pagkatapos ay natagpuan nalang ang wasak nitong katawan sa dalampasigan.




Nakakatakot nga e.




Isang kahindik-hindik na pangyayari ang sinapit nito. Worst is, hindi na ito maalis-alis sa utak ko.


"Do you trust me, Cal?" May pagtatampong sabi niya.




"Hindi naman sa ganun... Ano kasi... Baka kasi may ano..."



"What?" Maski ito ay mukhang naguguluhan na rin. Hindi ko masabi-sabi sa kanya e. Tsaka nakakahiya rin. Baka di pa niya ako paniwalaan. Kunsabagay, hindi naman talaga kapani-paniwala pero yun nga ang nangyari.



"Baka ano?"



"Ano..." Haist. Ang kulit talaga ng isang to. "may... pating?" Sa huli, nasabi ko na rin.



Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niya sa gulat at unti-unting napalitan iyon ng pagkaaliw. Napatawa na rin siya.



Sabi ko na nga ba.




Kagat ang kuko na napaismid ako dito.



"Silly! Walang ganun, Cal." Pigil ang mga tawang sabi niya.



Napaingos naman ako dito.




"Paanong wala? May pating nga sa libro, sa dagat pa kaya?" Basta! Ayoko talagang maligo. Bahala na si batman!



Napahagikhik naman ito.



"Ang cute mo."


"Hmp!" Irap ko dito. "Di ako aso."



"Of course, you're not. Because you are my love." Bakas ang amusement at maigi niya akong tinitigan.


"Ah..." Ang awkward bigla.




Sa halip na pagtuunan ng pansin ang sinabi nito, napatingin ako sa karagatan. Napakalinaw at tila mga diyamanteng nagkikisalapan sa tuwing tinatamaan ng sinag ng araw. Animo'y nag-aaya ang kagandahan nito. Magkagayunpaman, tinatalo pa rin ako ng takot. Wala talaga akong tiwala sa sarili ko pagdating sa mga ganitong bagay.



Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon