Chapter 31

4.2K 179 22
                                    

"When my eyes met yours I get this overwhelming emotion I can't put into words..."

~~**~~





PATAKBONG lumabas kami mula sa office ni Dad, sumalubong sa'min ang mga nurses at may dalang stretcher ang mga ito. Dahan-dahang inihiga ni Dad ang kapatid ko na kanina lang ay umiiyak. Nakapikit ang mga mata nito. Ngunit, batid sa kanyang mukha na nahihirapan siya.



"Mei..." naiiyak kong tawag sa pangalan niya. Natatakot ako sa posibleng mangyari sa kapatid ko.

Nilagyan agad ng oxygen ang bibig nito. Pagkatapos ay itinulak ang stretcher papasok sa kararating lang na ambulance.

"R-Ry?! Anong... Anong nangyayari?" It was Cale. Bakas rin sa mga mata niya ang pag-aalala at pagkatakot.

Niyakap ko agad siya ng mahigpit.

"Si Mei. Nahihirapan siyang huminga kanina." Hindi ko rin mapigilan ang mapahagulhol ng iyak.

Mahina ang puso ni Mei. Takot na takot ito kanina nang pumasok sa office ni Dad. Panay rin ang pag-iyak nito. Sinasabi niyang nawawala raw si Aaron. Hanggang sa nahirapan na itong huminga.

Parang nanigas naman ang katawan nito. Naalala ko yong sinabi ni Mei. Nababahalang kumalas ako at hinarap ito.

"Wait-- Cale? Si Aaron? Sabi ni Mei... nawawala raw si Aaron?" Naitanong ko. Napansin kong medyo nakatulala ito.

"R-Ry..."

Shit! Naalala ko ang nangyari dati. Ganitong-ganito rin ito noong namatay ang kapatid nito.

"C-Cale?" Bahagya ko pang iniyuyugyog ang magkabilang balikat niya para lang magising siya.

"Ry, hija. C'mon. Aalis na ang ambulance." Agaw atensyon ni Manang Delia sa'kin. Napansin kong papasok si Dad sa ambulance.

"R-Ry... pumunta kana dun. Hahanapin ko pa si Aaron." Nanginginig ang mga labing sinabi niya.

Di ko maiwasang wag mapamura sa mga nangyari. Bakit ngayon pa? Gusto kong tulungan si Cale sa paghahanap pero di ko magawang iwan ang kapatid ko.

"Ry... umalis na kayo. Kailangan ka ni Mei." Ramdam ko ang walang katapusang pag-agos ng aking mga luha.

Kumikirot ang puso ko ng mga oras na to. Naghihirap ang puso ko dahil di ko gustong iwanan siya lalo na at kailangan niya ng makakatulong. Pero kinakailangan... kinakailangan ko ring masiguro ang kaligtasan ng kapatid ko.

"I... I'll be back. I promise." Naiiyak akong tumakbo palayo sa kanya at pumasok sa loob. Bumungad sa paningin ko ang walang malay kong kapatid.

Marahan kong hinawakan ang kamay nito.

"Mei... I'm here. Nandito lang si Ate." Sabi ko sa kabila ng pagsigok ko. Kahit na brat ito, sobrang mahal na mahal ko ang kapatid ko. Kaya di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

       

Kahit si Dad ay kababakasan ang matinding takot sa kanyang mga mata. Napayakap nalang ako  sa kanya.

I am so damn scared!

"Dad... si M-Mei."

"Sshhh. She'll be okay. Magiging okay ang kapatid mo." Banayad na hinahagod ni Dad ang likod ko.

***

CALE

LIMANG-ORAS na akong naghahanap kay Aaron. Ngunit ni anino ng kapatid ko ay wala akong makita.

Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon