Chapter 11

6.4K 241 39
                                    

Someday, everything will make perfect sense. So for now, laugh at the confusion, smile through the tears, and keep reminding yourself that everything happens for a reason.

~~**~~




CALE








Days earlier...




MATAPOS ang pag-uusap namin ni Mrs. Tan at sa ibang faculties, wala sa sariling lumabas ako ng office.

Iniisip ko pa rin yong tungkol sa pagiging representative ko.

Jusko lord!

Kaya ko ba 'to?

Hindi ako sanay sa ganito!

Isa pa, wala talaga akong kaalam-alam sa mga ganitong bagay. Anong alam ko sa pagpapaganda at pagpapageant na yan?

Ngayon pa nga lang ay kinakabahan na ako. Paano nalang kaya kapag kaharap ko na ang lahat ng maraming tao?

Makakaya ko kayang tumayo sa gitna ng stage at humarap sa mga ito?

Naku naman! Wala talaga akong self-confidence para sa mga ganito. Tss.

Nakakainis.

Masyado na akong maraming iniisip ngayon. Dumagdag pa itong pageant-pageant na to. Pambihira talaga!

Habang naglalakad ako, nakasalubong ko si Arlo sa may kanto. Nagpaalam siya sa'kin na pumunta sa bahay ng ka-klase nito para sa gagawing group project. Sinabihan ko nalang na mag-iingat ito at umuwi ng maaga.

Papunta na dapat ako sa apartment ng may maalala ako. May kunting pera pa naman akong natitira dito. Kailangan ko nga palang bumili ng bigas. Tss.

Sumaglit na muna ako sa tindahan ni Aling Maning. May malaking sari-sari store ito. May mga itinitinda rin siyang bigas na madalas sa kanya kami bumibili o nangungutang.

Tinext ko na muna si Cely para siya na ang kumuha sa bigas. Kailangan ko rin kasing pumunta sa apartment ngayon. Baka mag-aala-dragon na naman yon pagnagkataong di ko nagawa ng maayos ang trabaho ko.

"Sige po, Manang. Pakibigay nalang ho sa kapatid ko po to. Alis na po ako!" Paalam ko sa may edad na si Aling Maning. Kaibigan ito ni Inay kaya napakabait nito sa amin.

"O, sya. Mag-iingat ka, Caling." Narinig kong sigaw nito bago ako sumakay ng tricycle. Caling ang madalas na tawag  niya sa'kin. Kahit kay inay ay Noring ang tawag nito. Sa pagkakaalam ko, Manyang talaga ang totoong pangalan nito. Pero ginawang Maning ang naging palayaw nito.

Nakaalis na ako sa tindahan ni Aling Maning ng mapahawak ang mga kamay ko sa kaliwang dibdib.

Nang mga oras na iyon, kinakabahan ako. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko.

Nakakatakot.

Napatingin ako sa itaas.

Magtatakipsilim na pala.

Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon