Page 9 - There's A Monster In Each and Everyone Of Us For Pete's Sake!

6.5K 207 27
                                    

Follow me on facebook: fb.com/SejuruWattpad

Leave a comment!

Page 9 - There's A Monster In Each And Everyone Of Us For Pete's Sake!

~~~~~~~~~~~~~~~~


"Zony, mukhang may dapat ka yatang ipaliwanag!" ang nakakatakot na boses ng Tita ko habang nakapamay-awang at nakatingin sa akin na para bang kinikilatis ang aking buong pagkatao. Si Aeon naman, nagtatago sa likuran ng mahaba niyang palda.

May pagkamahilig sa luma ang Tita ko. Mahilig siya sa mga lumang kasuotan katulad ng mahabang paldang suot niya ngayon. Punong-puno rin ang kwarto nito ng mga lumang kasangkapan na sa tingin ko kapag sinubukan kong ibenta eh malulunod ako sa pera. Basta para tapos ang usapan, mahilig sa kahit anong luma ang kapatid ng Papa ko.

Hindi ko napigilang mapatingin doon sa lima na parang mga negosyanteng nakaupo sa sofa set habang hinihintay na matapos ang usapan namin dito.

Nang napatingin ako kay Airen, binigyan ba naman ako ng flying kiss! Iniwasan ko naman. Kunwari ba, may tatama talaga sa aking lumilipad na kiss. Kahit gwapo siya, I'm trying my best to remain faithful to my one and only Hae! Pero napansin ko na mayamaya, napayuko siya tapos parang minamasahe ang kaniyang kamay. Bigla ko tuloy naalala, naipit nga pala sa pinto ang kamay ng kawawang nilalang. Ningitian lang ako ni Ethan nang nalipat ang attensyon ko sa kaniya. Umiwas na lang ako ng tingin at saktong si Chill naman ito napapunta. Lingon siya ng lingon sa relo na para bang maiiwan ng bus! Mukhang nagmamadali ang masungit na gwapo! Hinanap ng mga mata ko si Hae pero sa halip na siya ang aking makita, umepal ang hinayupak na kinaiinisan kong si Lantern! Ayun, like a boss kung makapwesto! Talagang nakapatong pa ang paa sa mesa habang may pasak na earphones sa tenga! Grabe, anong akala niya? Bahay niya 'to? Oh, ayun pala si Hae...natutulog.

Nakakainis ang mga 'yun! Well, slight lang kay Hae. Dahil sa kanila, mukhang masesermonan pa yata ako.

"Zony, ikaw na bata ka! Kelan ka pa nagkaroon ng limang gwapong boyfriends ha?" (Tita Lin)

"Tita naman eh! Hindi ko boyfriend ang mga 'yan!" (Zony)

"Eh ba't sabi nitong si Aeon, mga boyfriend mo raw sila?" (Tita Lin)

Napatingin na lang ako kay Aeon. Napatakip siya ng tela ng palda ni Tita nang nakita niya ako.

"Aeon! Baka mahubaran ako! Sa palda ko pa talaga naisipan mong magtago." (Tita Lin)

Natawa lang ako ng konti. Nakakatuwa kasing panuorin ang kapatid ko. Ang cute niya talaga! Masaya, malungkot, galit, naiingit, takot o kahit ano pa mang itsura niya...cute pa rin siya! Ipinanganak na sadyang cute ang kapatid ko. Feeling ko rin, paglaki niya, paniguradong gwapo! Ten years from now, naiimagine kong pag aagawan siya ng mga babae. 'Yung tipong hanggang dito sa bahay, may mga stalkers! Grrrrr. Mukhang kailangan ko ng bumili ng direwolves. Anong gagawin ko sa direwolves? Haha! Simple lang, ipapahabol ko ang mga impaktang stalkers ng kapatid ko! Bwahahaha! May pagka-selfish ako pagdating kay Aeon. Saka kung bihira ang matitinong lalaki, bihira rin ang mga matitinong babae.

"Tita, nakakatakot si Ate. Baka paluin niya pwet ko." (Aeon)

"Ako ang papalo sa pwet mo kapag 'di ka umayos." (Tita Lin)

Natakot naman ang bata at napatakbo papunta sa akin sabay pulupot sa hita ko.

"A-Ate! 'Wag mo 'kong papaluin! Ha? Ha? Sorry na!" (Aeon)

"Hindi kita papaluin...kukurutin kita! Hahaha!" (Zony)

Pinagkukurot ko siya sa matataba niyang mga pisngi. Uwaaa~ Ang fluffy!

Misdialed Paramour ✔️Where stories live. Discover now