Page 8 - My Room Has Been Invaded By Beasts

7.2K 219 27
                                    

Follow me on facebook: fb.com/SejuruWattpad

Leave a comment!

Page 8 - My Room Has Been Invaded By Beast

~~~~~~~~~~~~~~~~

[Few hours ago...]

Huh? Bakit kaya ang ingay sa labas? May naririnig din akong tunog ng kotse.

Weird. Linggo ngayon ah! Walang klase. Hindi rin dapat busy ang daan. Wala rin namang pyesta! Sa sunod na buwan pa ang pyestahan!

Relax ka lang Zony. Mag pretend ka na walang naririnig para maextend pa yang tulog mo. Napakaganda pa naman ng panag inip ko! Friends na raw kasi kami ni perfume! Tinatalaban na ako ng pabango eh! Mabango na ako eh saka naman biglang naputol dahil sa mga ingay na naririnig ko sa labas ng bahay. Kainis.

Kamusta na kaya si Beki? Tinawagan niya ako kagabi at sinabi niya na dun daw muna ako makitulog sa bahay nila. Balak niya kasi akong isama para mag shopping. Ang yaman ng bakla! Pero hindi ako pumayag dahil sa ngayon, mas gusto kong matulog. Kailangang magpahinga ng katawan ko. Sobrang daming nakaka-shock na bagay ang nangyari nitong mga nakaraang araw.

Hmmm...ano nga ba ulit ang mga bagay na 'yun? Hmmmm...what the heck?! Bakit ko pa iniisip? Paano ako makakatulog nito kung walang tigil sa pag kukwento ang utak ko? Hoy utak, tahimik! Alam ko namang gusto mo rin matulog kaya huwag ka mag ingay! Saka parang may pakiramdam akong ayaw kong maalala kung anu man ang mga bagay na 'yon.

Hehe~...mukhang tumahimik na sa labas. Makakatulog na ako nito.

After 1 minute...

Takte! Bakit dito naman sa loob ng kwarto ko biglang umingay? Lumilindol ba? Medyo gumagalaw ang kama ko hala! Pero sorry ka na lang lindol. Lindol ka lang naman eh. Lumindol ka diyan hangga't gusto mo basta ako, matutulog.

In fairness, medyo malakas 'yung lindol. Pati upuan ko sa may study table, napaggalaw niya. Okay, ganito na lang. Sa oras na may marinig akong nagka-crack, dun lang ako babangon.

Wut? Bakit pati sa loob ng cabinet ko may naririnig akong ingay! Daga? May daga na naman kaya sa cabinet? Pesteng daga 'yan! Kapapatay ko lang sa isa kahapon tapos ngayon meron na naman? Grabe, hanga na ako sa bilis ng propagation nila! Ugh, no choice. Mukhang kailangan ko na yatang bumangon para hulihin ang daga—

Wait! Narito nga pala ngayon si Aeon dahil linggo! Wala siyang pasok! Ang mahal kong kapatid na lang ang aking uutusan! Maiintindihan naman niya ang lagay ko eh. May sakit ako...katamaran ang pangalan. Hihihi!

"Aeon~may daga...n-naphthalene.."

Kahit na sa pagsasalita tinatamad ako pero sigurado naman na-gets na niya 'yan. In fairness ha, ang bilis mag react ni Aeon! May narinig kaagad akong boses...wait, may naririnig ba akong nagbubulungan? Huh? Isa lang naman si Aeon ah! Bakit may nagbubulungan? Anyway, baka guni-guni ko lang.

Mayamaya, nakaramdam ako na may taong umupo sa kama. Si Aeon 'yan panigurado. Mukhang may binabalak na naman na masama. Baka pinagbabalakan na naman nitong lagyan ng drawing ang mukha ko! Hihihi. I just thought of something brilliant. Siya ang kukulitin ko ngayon!

Kinakapkap ko kung nasaan siya hanggang sa may nahawakan na ako. Braso 'to panigurado. Hinila ko siya. Wow. B-bakit parang bumigat yata si Aeon? Parang may isang sako ng bigas ang tumabon sa buong katawan ko! Nahihirapan na tuloy akong huminga! Tumataba na ba siya? No! Hindi 'yun pwede! Mababawasan ang cuteness overload! Hindi na siya gwapo kapag nagkataon!

"Aeon..." ang inaantok na tawag ko sa pangalan niya sabay pulupot ng mga kamay ko sa kaniyang katawan. Huh? Weird na talaga ito! Hindi lang bumigat, lumaki rin ang katawan niya!

Misdialed Paramour ✔️Where stories live. Discover now