Page 36.1 - Time Machine (Entry 1)

2.6K 60 6
                                    

Dearest, Zony.

I got a terrible luck today. Got pooped by a bird and pricked a thorny grass. But unlike the past days, I don’t feel like I’m living the nightmare. Masakit pa rin. Masakit na masakit. Pero unti-unti ko ng natatanggap. Pinipilit ko na rin ang sarili na lumabas dito sa cabin.

Alam mo 'wag kang mag alala kasi kung lugar lang ang pag-uusapan, sobrang ganda rito. Napapalibutan ako ng mga puno at damong mabulaklak. Sariwa ang hangin at minsan sa imahinasyon ko, bumubulong ito na makakabangon din ako.

Hindi man ngayon sapagkat sariwa pa, I’ve just disappeared for a week, pero ramdam ko na may nagbabago. Nagbabago na ako.

Gustong-gusto kong magbago, Zony. Ayaw ko na sa dating ako. Nariyan na ang ebidensya pero dahil wala akong karanasan, dahil inakala kong hindi nila 'yon gagawin sa akin, hindi ko ito pinansin hanggang sa ayan na nga, labis akong nasorpresa sa pagguho ng mundo ko.

Hindi ako okay. Hindi pa.

Pero maayos ko ang sarili ko. Lalaban ako at hindi kita bibiguin. Babalik ako.

Babalik ako.

Bago. Mas malakas. Mas matalino.
Mahal ang sarili.

Hintayin mo lang ako. Dahil kung may isang dahilan maliban sa pamilya kung bakit kailangan kong makabalik…

Ikaw 'yon.

Misdialed Paramour ✔️Where stories live. Discover now