Page 21 - Emergencies, Excuses, and Excuse Me

3K 124 80
                                    


AN: Let's start the long waited updated with a note. Sorry for making you wait. Based from the title of this chapter, what's my excuse? Let's say I'm not on the 'working mind' to update those past days. 

Anyway, hope you could enjoy this one. Thank you in advance for reading!

Warning: SPG SCENES AHEAD

Want updates? Make sure to COMMENT.

Page 21 - Emergencies, Excuses, and Excuse Me

++++++

[Zony...]

Saktong alas tres ng madaling araw nang bigla akong nagising ng walang dahilan. 'Yung tipong hindi mo alam na nakatulog ka pala. Para kang nanggaling sa isang madilim na bottomless pit. Walang mga panag-inip na maalala.

I hate that feeling.

That feeling of unknown, that I am alone, freaking scares me.

Para maalis ang mga negative thoughts ko, I tried to recall everything that has happened last week.

Syempre palaging si Chill ang madalas kong kasama dahil we were meant to be with each other those past days. 'Yung apat naman, palagi rin nariyan. Mga normal na bagay—like asaran, kulitan...ehem...landian ang mga ganap.

May nagbago ba? Wala naman masyado. Ethan is still the peacemaker hotty. Chill, the handsome genius. Airen, the flirt. Hae...well...uhm...crush ko pa rin si Hae. And there was Lantern.

As usual, pinapakulo pa rin naming dalawa ang dugo ng isa't-isa. Walang bonggang balita mga sissies. Well maliban na lang kay...

Ahem!

Alam niyo na.

Naoe.

So ilang araw na rin ang nagdaan nang nangyari 'yung 'bedroom' incident. Hoy, 'wag maging lumot ang utak! Bedroom ang tawag ko dahil trip ko. As simple as that. Walang malisya.

Konti lang, hehe!

Anyway! We've exchanged numbers—shit wait lang!

Kinikilig ako!

So ayun! I got his number—I mean, the right word is he asked for my number first. Then we became very good textmates.

What are we se—texting about?

Life.

Yup, life.

Like friendly updates. Ano paborito mong pagkain, color, TV show, porn—I mean popcorn! What the heck? Parang may mali yata sa utak ko tuwing madaling araw!

Pero 'yun, seryoso. Mga inosenteng bagay 'yung mga topic namin. Wala pa kami dun sa level na...uhhh...basta 'yung level na para kang nasa Tinder. Whoa! 'Di ko pa nattry 'yung Tinder na 'yan ha! Naririnig ko lang. Wait lang, Zony! Bakit para 'yatang ang defensive?

At shocks! Sino ba kinakausap ko? Sarili ko na naman?!

Basta normal lang na friendly texts and I am really enjoying this friendly status with him. Marami kaming similarities at madalas rin kaming nagkakasundo sa mga bagay-bagay. At eto pa ang added bonus...

Mabilis siyang magreply.

Alam kong may mga taong soooooobbbbbbrrrrraaaaaannnnngggggg tagal magreply at sobra silang nakakairita. Talagang pinapamukha nila sa'yo na one-sided lang relationship niyo.

Kaya naman dahil mabilis siyang magreply, mabilis din 'yung sagot ko. We always get what we deserve, dudes.

Wow, I love that last line.

Misdialed Paramour ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon