Page 18 - I Won't Let You Steal Her, Darth Vader

3.9K 125 81
                                    

Your awaited update! Do not forget to comment! Thank you for waiting!

Page 18 - I Won't Let You Steal Her, Darth Vader  

Song: On My Mind by E.G. (Boyce Avenue cover)

+++++++++++++++++++

"Beki! I am so proud of you! Sa wakas, kumakalembang ka na!" Kanina pa pinapaulit-ulit ng gagang baklang 'to ang linyang 'yan.

"Beki! Aw! Kumakalembang ka--! Aray!" 

Sinapok ko siya. Nakakabingi na eh!

"Beki naman! Mashakit 'yun ah!"

"Kalma lang kasi, Beks. Kalma."

Hinawakan niya ang kamay ko na para bang namatayan ako ng aso.

"Beki, hindi ka na virgin. Paano ako magiging kalmado? Kyaaa!"

I rolled by eyes at kinurot siya sa tagiliran.

"Anong pinagsasabi mo diyan? Intact pa rin ang hymen ko!"

Napahinga siya ng malalim at nanlaki ang mga mata na parang nakakita ng Dashan na humaba ng ten meters.

"Pero Beki! 'Di ba natuloy 'yung lapchukan niyo ni Papa Chill sa sex?"

Napa-face palm na lang ako.

"Beks, that did not even happen."

Napatayo siya sa upuan at sumigaw.

"WHAT?! But I saw it Beki! I saw it in and out!"

Seryoso ba 'to? Inakala niya talagang nag sex kami ni Chill sa gitna ng school grounds? Dignidad, bruh. Dignidad! At saka ano 'yang it na 'yan na pumapasok at lumalabas? I swear, mukhang kailangan na 'yata ni Beks ng rehab! Naka-drugs ba siya?!

"Fix your sh!t, Ariele MacArthur! May schizophrenia ka na yata exclusively for sex only."

"So ibig sabihin, walang sex na nagganap?"

I sent him a flat stare.

"Wala. Saka Beks, kung naghahanap ka ng sex, manuod ka na lang porn. Huwag mo akong idamay."

Well, speaking of a good advice.

"I can't believe this!" sigaw ni Beks na parang baboy na tinatanggalan ng ilong.

"Beki, I will leave you here muna. I really cannot believe this! Waaaa!"

Sige pa Beks, drama pa!

Mabilis siyang naglakad papalabas ng clinic. We are inside the clinic right now. Sleeping Chill lies on the bed, habang ako ay nakaupo sa silya, nagbabantay.

"Hindi sila nag-sex. Omaynooo! Hindi sila nag-sex--!"

Narinig kong pinaulit-ulit 'yan ni Beks kahit nasa may pasilyo na siya. Ano na lang ang iisipin ng mga taong nakakasalubong 'nun? Napakamot ako ng ulo at mas napakamot pa nang nakita ko ang mukha ng natutulog na prinsipe.

My life is insane. I am surrounded by these weirdos who do kissing and sex for fun, and to think Chill is not even excluded, I want to burrow under the ground.

Dinala namin si Chill dito sa clinic at hanggang ngayon hindi pa rin siya nagkakamalay. The nurse was here a while ago, but now she is on an important errand leaving me alone with this unpredictable sleeping panda. Nakainom si Chill, at sabi ng nurse, may low alcohol tolerance raw ito ayon sa previous records. How low is this low alcohol tolerance? 'Yung tipong isang patak lang welcome to heaven na? Poor, my poor Chill...he doesn't even know what he is doing! Bakit ba siya nakainom? Ugh, I do not want to think anymore!

Misdialed Paramour ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon